KABANATA 43

837 43 5
                                    

Kabanata 43

        SUMASAKIT LAMANG ang ulo ni Gord sa tuwing iisipin niya kung ano ba ang problema sa kaniya ni Brix at bakit ganon na lamang ito kung layuan siya? Iwasan siya?

He insisted na siya na ang maghahatid sa binata pabalik sa condo nito, but Brix declined it. Namataan na lamang niya na naroon na ang kotse ng pinsan nitong si Caleb na susundo at maghahatid dito.

He want to insist again and again, but the fact na ayaw talaga siyang makasama pa ni Brix, was written on his face. Hindi na lang niya pinansin ang binata. He just let him be, of course.

Tinatahak niya ang daan dala ang sasakyan pabalik sa condo niya ng marinig niya ang pagtunog ng kaniyang telepono. Hinugot niya ito sa bulsa ng kaniyang suot at agad sinagot ang tawag.

It's Honey.

"Hello, Honey?" malambing na bungad niya sa kabilang linya.

"Pupunta kaba dito?" may nagtatampong tono sa boses ng dalaga.

"Yes, of course. I will. Wait for me."

He heard her giggled in excitement. "Thank you," then she ended the call.

Napangiti na lamang si Gord pagkatapos at muling ibinalik ang kaniyang telepono sa bulsa niya. Iniliko niya ang sasakyan at tinahak ang daan patungo sa kanilang bahay kung saan naroon naghihintay si Honey.

"Kuya!!" isang matinis na boses ni Honey ang pumuno sa buong silid matapos niyang mabuksan ang grand door ng kanilang bahay. Yumakap ito sa kaniya ng ubod higpit, she was clingy, of course.

Napangiti na lamang siya matapos ay niyakap niya pabalik ang kapatid niyang si Honey ng may pananabik.

Kumalas sa pagkakayakap si Honey at maligaya ang mga mata nitong tumingin sa kaniya. "Kuya, i missed you so much! I missed you!" nanggigigil na niyakap siyang muli ni Honey ng ilan pang beses.

Sabik na sabik talaga si Honey ngayon sapagkat sa loob ng ilang taon nilang hindi pagkikita ni Gord ay talagang nanabik siya sa kapatid.

"At dahil nakauwi na ako. You should cook for me, Kuya! Missed na missed kona 'yung paborito mong lutuin sa'kin. Sawa na ako ng pagkain sa New York. Iba naman ang gusto ko!" makikita ang ningning sa mata ni Honey Grace Lyndon. Ang nakababatang kapatid na babae ni Gord. "I want Filipino food with a twist, of course." hinigit siya ni Honey patungo sa kusina. Wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod sa dalaga.

"Okay. Okay.."

Habang nagluluto si Gord ng pagkaing paborito ng kaniyang kapatid ay nasa tabi naman niya ito. Masayang pinagmamasdan ang kaniyang pagluluto at paminsan pa'y tumutulong din ito.

"Hmmm.. ang bango talaga ng luto mo, kuya. Can't wait to taste it!" natatakam na sambit ni Honey. Hindi parin nawawala sa dalaga ang kaalaman nito sa pagsasalita ng tagalog kahit pa kaya ilang taon din itong nanatili sa New York.

"Of course, I'm a good cook."

Napangiti na lamang si Honey at siya'y sinang-ayunan.

"So how's your life in New York?"

Agad napabusangot ang mukha ni Honey ng marinig niya ang tanong na 'yon ni Gord. Naiinis lamang siya habang iniisip ang naging buhay niya sa New York. She was happy there, but not as happy as before. Hindi na siya naging masaya.

"Looks like it's not good, isn't it?" puna ni Gord ng mapansin ang busangot na mukha ng dalaga.

"Mamaya kona lang sa'yo, ikuk'wento. Ipagluto mo muna ako at nagugutom na ako." sambit ni Honey na ang kaninang nakabusangot na mukha ay naging masaya ng pagmasdan ang nalulutong pagkain na niluluto ng kapatid.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now