KABANATA 38

1K 59 7
                                    

Kabanata 38

          PANAY ANG PAGKUHA ni Brix ng litrato ng mga magagandang tanawin kasama ang sarili niya. Minsan pang napag-tripan niyang kuhanan ng litrato si Gord habang nag-aayos ito ng tent na tutulugan nila. Narito sila ngayon sa tabing dagat. Maghahapon na kaya kailangan na nilang magtakid ng tent. Kailangan na ni Gord itakid ang tent.

Ano nga ba ang magagawa ng isang tulad ni Brix? Wala siyang alam pagdating doon.

Matchong-matcho si Gord habang nagtatakid ng kanilang tent. Topless ito at nakasampay ang damit nitong suot sa balikat. Kaya malaya si Brix pagmasdan ang magandang katawang iyon ni Gord na nakakalunod sa kaniyang paningin.

Panay lang ang pagnakaw litrato ni Brix hanggang sa matapos si Gord ay gayun na lamang ang kaniyang pagtigil.

"Let me get something to eat..." ani Gord ng makabaling ng tingin sa kaniya.

"Okay.." mabilis naman agad na naging pagsang-ayon ni Brix.

Sakay si Gord ng badya( bangkang walang katig) patungo roon sa yate upang kumuha raw ng kanilang makakain.

Napapangiti na lamang si Brix habang tanaw-tanaw ang binata. Sino nga bang mag-aakalang makilala niya si Gord sa ganitong pag-uugali? Alam niyang mayaman si Gord. Sobrang yaman. Sisiw lang sa kaniyang kumuha ng kahit ilan pang mga tauhan upang gawing utusan.

Kumbaga, maari ng magpa-upo-upo si Gord sa kaniyang marangyang trono bilang isang hari at mag-utos na lang, pero hindi iyon ang Gord ngayon sa Gord na inakala niya.

No wonder.. umabot ang binatang si Gord sa pagiging bilyonaryo...

Magiliw ang mga ngiti sa labi ni Brix ng makarating na ang binata. Inahon na nito ang badya, kasama ang mga pagkaing dala.

Tinulungan ni Brix si Gord sa pagbubuhat ng mga dala.

"Nagluto ako ng kanin.. gusto mo bang kumain ng kanin?" tanong ni Gord kapag-kuwan.

"Oo naman. Mas maganda." sagot niya.

Matapos maipatong ang mga pagkaing dala sa maliit na mesang dala-dala din niya ay kumilos na siya.

May uling naman siyang dala at ihawan dahil ngayon niya napag-isipang lutuin ang karne na kagabi pa niya na marinate.

Nagpa-apoy na si Gord hanggang sa nagbaga na nga ang uling. Kinuha na niya ang karne at doo'y sinalang upang maluto.

Si Brix naman'y pinagmamasdan lang ang ginagawa ni Gord.

Maya-maya pa'y nalanghap na niya ang usok na nanggagaling sa niluluto ng binata. Napapapikit tuloy ang kaniyang mga mata upang damhin ang masarap na amoy ng niluluto nito. Para tuloy gusto niyang agad sunggaban.

Ipinigil niya ang sarili. Inilabas na lang niya ang cell phone upang muling kumuha ng litrato.

"Gord.. tingin." tawag niya sa binata dahilan para mapatingin ito sa gawi niya at doo'y sakto sa pagpindot ng camera ang pagtingin nito. Kaya't talagang nakunan niya ng litrato ang binata.

"What are you doing.?" Gord asked..

"Just taking some pictures. Ang g'wapo mo, Gord."

Marinig lang ni Gord ang isang maka-bilis-pintig na sambit na iyon ni Brix sa kaniya. Agad na niyang iniwas ang tingin upang hindi nito makita ang sumilay na ngiti sa kaniyang mga labi. Ang pamumula ng pisngi na akala mo'y isang dilag.

Kahit isang binatang matikas, ay talagang dadapuan din ng ganitong klaseng hiya si Gord lalo't isa pang pamumuri ang kaniyang narinig sa bibig pa mismo ng binatang gusto niya.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now