KABANATA 36

979 44 1
                                    

Kabanata 36

            TULALA SI GORD SA kisame ng kanilang k'warto dito sa loob ng yate habang magkatabi silang dalawa ni Brix. Tulog na ang binata, samantalang siya't heto bukas parin ang mga mata. Malalim parin ang kaniyang iniispip. Kay lalim na kulang na lamang na siya'y malunod.

Pa'no ba naman siyang hindi mapapa-isip? Seryoso siyang nag-alok ng kasal kay Brix, nilakasan na nga niya ang kaniyang loob kahit pa nga halos pugaran na 'yon ng mga daga. But still parang wala parin siyang dating sa puso ni Brix. Parang wala parin itong nararamdaman para sa kaniya?

Biglaan ba talaga 'yung ginawa niya sa puntong nagdadalawang isip si Brix kung totoo ba ang sinabi niya? O talagang wala lang pag-tingin sa kaniya si Brix dahil hanggang ngayo'y hindi parin nito sinasagot ang pagtatapat niya ng nararamdaman dito. Ano nga ba siya para kay Brix? Mahal ba siya nito? Gusto rin ba siya nito? O wala lang siya para dito?

Sa isiping 'yon, tila kinurot ng pinong-pino ang kaniyang dibdib. Masakit ang kirot na hatid niyon.

But still, hihintayin niya ang araw na sambitin na rin ni Brix ang mga katagang gusto niyang marinig dito. Hihintayin niya 'yung araw na ito na ang kusang lumapit sa kaniya at sabihing gusto rin siya nito tulad ng ginawa niyang pagtatapat dito.

Hihintayin ni Gord ang binatang si Brix marinig sa bibig nito ang salitang handa itong pakasalanan siya. Dahil sabi nito'y pag-iisipan pa nito. Hihintayin niya ang sagot ni Brix. Hindi siya mangungulit at hindi niya muling bubuksan ang usapang 'yon. Baka ma-frustrate lamang si Brix kapag inulit niya.

Gusto ni Gord pag-isipan ni Brix ng mabuti ang desisyon nito. Kung anoman 'yon, tatanggapin niya. Kung ayaw nito sa kaniya, wala na siyang magagawa doon. Hindi niya hahabulin ang binata. Rerespetuhin niya ang desisyon nito. Kung ayaw sa kaniya, bakit pa niya pipilitin?

Nagpakawala ng siya ng buntong hininga. Tumuon ang kaniyang pansin sa binatang si Brix na nakaharap sa kaniya habang nakayakap ito sa bewang niya. Payapa itong natutulog. Dala ng sinag ng liwanag sa loob ay nakikita niya ang maamong mukha ni Brix. Mahimbing itong tulog.

Sinapo ni Gord ang mukha ng binata. Para itong pusang idinikdik ang mukha sa kaniyang palad. Dinadama ang init na dulot niyon.

"Brix..?" mahina ang bigkas ng bibig ni Gord. ".. maghihintay ako. Hihintayin ko 'yung sagot mo. Sana.. marinig ko sa bibig mo 'yung salitang gusto mo rin ako't handang pakasalan. Brix.. mahal kita.. pero handa akong respetuhin ang desisyon mo. Siguro kapag nagkataong hindi mo ako gusto. Tatanawin na lang kita sa malayo, habang inaalala 'yung pinagsamahan na'ting dalawa. But i hope that day won't come.. I hope we can stay like this.. forever."

Napangiti ng mapait si Gord. Salitang forever? Nag-e-exist ba 'yun sa mundong kanilang ginagalawan? Malamang hindi. Puno, hayop, at tao'y hindi nagtatagal—namamatay din. Ito pa kayang relasyon na wala namang lebel? Huh?

Mas lalong pumait ang pag-ngiti ni Gord. Ano nga ulit ang tawag sa relasyon nilang dalawa? Neighbor's with benefits? Bigayan ng ligaya? Parausan ng isa't-isa? Ano nga ba talaga sila?

Sa huli, ipinikit na ni Gord ang kaniyang mga mata. Dala ang mabibigat na tanong sa kaniyang dibdib. At doo'y nilamong tuluyan ang diwa't-isipan. It all went shut-down..

Kinabukasan nagising si Brix yakap-yakap si Gord habang ang mukha nito'y nakabaling sa harap niya. Bale, kitang-kita niya ang g'wapong mukha ni Gord.

Kung ganito rin naman ang makikita niya sa umaga paggising niya'y talagang maliligayahan siyang magising. Umagang pambungad.

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Brix. At doo'y kusang tumaas ang kaniyang palad. Marahang humipo iyon sa pisngi ni Gord. Takot na baka magising niya ang binata.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now