KABANATA 2

1.7K 77 2
                                    

Kabanata 2

        "WHY'RE YOU HERE? Asking to clean up your used clothes again? I already told you, i won't do it!" akmang sasaraduhan na ni Brix ang pinto ng iharang ng lalaki ang kamay nito sa kaniyang pinto.

Nakipag-pwersahan silang dalawa ng binata sa pag-tulak at pagharang ng pinto.

"Can you stop bothering me? Get your hands off?"

Inilahad nito ang telepono sa kaniyang harapan na kanina pa niya naririnig na tumutunog. Namilog ang kaniyang mga mata ng mapagtanto kung kaninong telepono ang nasa kamay nito.

"My phone." agad niyang inagaw sa binata ang cell phone at sinuri kung sino ang tumatawag. And it was his friend, Caleb.

Sinagot niya ang tawag ng hindi pinapansin ang lalaki. "Hello, man? What's up?" maligayang bungad niya. "pupunta kana ba dito?" nanlalambing na aniya.

"I am about to bring you food. Alam kong hindi kapa kumakain. Just wait for me."

"I'll wait for you, then." sagot niya bago pinatay ang tawag.

Binaling niya ang kaniyang tingin sa pinto ng condo niya. Napakunot ang noo niya ng makitang pumasok na sa loob ng sarili nitong condo ang lalaking nag-abot sa kaniya ng telepono niya.

Nagpakawala na lang siya ng buntong hininga at sinarado ang pinto. Nag-bihis na siya habang hinihintay niyang dumating si Caleb.

Kunot ang noo ni Gord, habang inuukupa ang kaniyang isip kung bakit kilala ng kaibigan niyang si Caleb ang lalaking iyon. Anong relasyon ng dalawa?

Nakilala niyang si Caleb ang tumawag dahil naroon um-appear ang litrato ni Caleb ng tumawag ito.

Sumasakit ang kaniyang sentido habang iniisip ang mga bagay na hindi naman niya dapat isipin.

Naiiling na iwinaksi na lang niya ang mga isipin.

Nagpunta siya sa paborito niyang lugar dito sa condo unit niya. His kitchen of course.

Magluluto na lang siya ng masarap na pagkain para sa kaniyang sarili. Iwawaksi na lang niya ang mga isipin na 'di naman niya dapat bigyang pakialam.

Matapos makapag-luto, makakain, ay sinimulan na niyang iligpit ang kaniyang mga kalat. Especially his bed. Pinalitan niya iyon ng bedsheet, maging ang punda ng unan ay pinalitan din niya. Lalo't naalala lang niya ang lalaki sa tuwing maamoy niya ito.

Napatigil siya sa paglilinis ng may makitang isang maliit na libro. Kunot noong pinulot niya iyon at binuksan ang unang pahina.

"Brix Daniel to-do list."

Binasa niya ang mga pahina. Unang bumungad sa kaniya ang to-do list ng binata.

Get wasted. Ito ang unang nakasulat sa to-do list nito.

Second, "Mountain climbing."

Third, "Sea camping."

Forth, "Ride the yacht."

Fifth, "Have a cooking lesson."

Marami pa siyang ibang nabasa. Sobrang daming to-do list nito na animo'y katapusan na ng mundo, at kailangan nitong gawin ang dapat nitong gawin. O 'di kaya naman, ay animo'y ibong ilang taong nakawala na sabik tupdin ang mga naisin nitong gawin.

Napa-iling-iling na lang siya na inilagay ang to-do list nito sa ibabaw ng bedside table niya.

Nag-bihis na siya upang asikasuhin ang dapat niyang asikasuhin. Ngayon din ay dadalaw siya sa restaurant dito.

Pagbukas niya ng pinto ay doon din niya napansin si Caleb na kakatok palang sa katapat niyang condo.

"Hey, Gord. You're." pukaw ni Caleb sa kaniya. May bitbit itong supot na naglalaman ng pagkain.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon