KABANATA 9

1.2K 79 1
                                    

Kabanata 9

        AYAW NI BRIX MASAYANG ang kaniyang mga araw na walang ginagawa, baka mahuli siya ng kaniyang mga magulang pero hindi pa man lang niya napu-fullfil ang mga gusto niyang gawin sa to-do-list niya.

Nakahanap na rin naman siya ng lugar na magandang pag-mountain-climbing-an. At mamayang hapon siya aalis. Nakapag-booked na naman siya sa hotel na pag-i-stay-an niya pagkatapos niyang makarating doon. Handa na rin naman ang kaniyang mga dadalhin. Nakabili na siya ng tent, na may sarili ng lagayan kaya hindi na siya mahihirapang dalhin, extra clothes. Apat na damit at short, at apat ring boxer.

Narito siya sa lamesa sa kusina habang nag-iisip. Ano pa ba ang dapat niyang dalhin?

At dahil wala naman na siyang maisip at ginugulo din ang kaniyang pag-iisip ang mabangong amoy na nagmumula sa kusina.

Napatingin tuloy siya doon. Kay Gord na nagluluto ngayon ng pagkain para sa kaniyang pananghalian bago siya umalis.

Hindi namalayan ni Brix na ilang minuto na pala siyang nakatitig sa likod ng binata. Even his back, so masculine and tempting.. tempting for woman not for me.

Inagaw niya ang pagkakatitig sa binata at tumayo na siya. Lumapit siya doon at sinilip ang niluluto nito. "Are you sure you didn't add onion as ingredients?" he asked.

Bumaling naman ito sa kaniya na animo'y nagulat, siguro nga. "don't worry. I didn't." sagot nito.

Brix just nodded. "Very good, mr. Cooker." tinapik-tapik pa niya ito.

Nagsimula na silang kumain pagkatapos maluto ng mga pagkain. Tulad ng mga nakaraang araw, dito na rin pinakain ni Brix si Gord. Lalo't medyo madami-dami rin naman ang niluto nito, at tiyak siyang hindi niya ito mauubos.

Bukod doon, umaasa din siya na baka ito na naman ang maghugas ng pinggan. Mas maganda 'di ba? Wala na siyang huhugasan, lalo't aalis na rin naman siya.

Hindi maiwasan ni Gord ang pagtuunan ng pansin si Brix. Habang kumakain kasi ito ay panay ang pagsulyap nito sa telepono nito. Parang wala itong pakialam sa mga niluto niya. Pangit ba 'yung luto niya? Masarap naman e, bakit parang hindi man lang nito pagka-abalahang purihin? Ano bang binabalak nito?

Napukaw ang kaniyang mga pag-iisip ng makarinig sila ng katok sa labas ng pinto ng condo ni Brix. Tatayo na sana ito ngunit pinigilan lang niya. "ako na." ika pa niya.

Hinayaan naman siya ni Brix kaya tumayo na siya at binuksan ang pinto. Nakita niya doon si Caleb na may bitbit na mga kung ano-ano.

Tumingin si Caleb ng makahulugan sa kaniya na animo'y may ibang pinahihitawig ang mga titig nito.

Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at hinayaan niyang pumasok si Caleb na batid niyang bisita ni Brix.

"You're here, Gord.."

"Why wouldn't I?" sarkastiko niyang sagot. "Ikaw lang naman ang nagbayad sa'kin para magluto ng mga pagkain para dyan sa pinsan mo. Anyway, I'll take my leave, marami pa akong ibang gagawin." akmang lalabas na siya ng marinig niyang magsalita si Caleb. Na animo'y intensyon talagang iparinig sa kaniya nitong kaibigan niya.

"Brix, handa na ba 'yung mga dadalhin mo, para sa mountain climbing mo? 'Di ba mamayang hapon ang alis mo? Nagdala nga pala ako ng iba pang gamit. Tulad nitong flashlight at mini fan kung sakaling mainitan ka." ani Caleb. "Tsaka nag dala na rin ako ng emergency kit, in case something unexpected happen, meron kang emergency kit." pagpapatuloy nito. "'Di ba nasabi mo rin kasi sa'kin na kapag nakaakyat kana sa tutok ng bundok ay magtatayo ka doon ng tent at doon ka matutulog, 'di ba? Hindi ka ba natatakot?" mahabang ani Caleb.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora