KABANATA 27

1K 43 1
                                    

Kabanata 27

            NAKAW-TINGIN.  ang naging gawa ni Gord kay Brix. Kanina pa niya ito pasimpleng pinagmamasdan habang nanonood sila ng basketball. Laban muli ng Golden State Warriors sa ibang grupo.

"I-shoot mo lang. Shoot lang ng shoot. Ganiyan nga." kanina pa sigaw ng sigaw si Brix halatang frustrated na sa kaniyang pinanonood.

Ilang beses na bang narinig ni Gord ang malalakas na pagsigaw na 'yon? Hindi na niya mabilang. Parang noong mga araw na inaya niya itong mag-inom habang sila'y nanonood. Ganun parin ang naging pagsigaw nito. Pakiramdam nga ni Gord ay nagsilakas pa ang pagsigaw ng binata sa tuwing tantiya niya'y matatalo ang kaniyang grupong pinapanigan.

Ang dahilan kung bakit narito parin si Gord at hindi pa umaalis, bukod sa gusto pa niyang makasama si Brix ay dahil na rin gusto niyang i-alok dito ang kaniyang planong pamamasyal sakay ng yate. Iyon din naman ang plano ni Brix, alam niya. Kaya nga siya gumawa ng paraan para makasama siya sa planong iyon ni Brix.

"Brix.." mahinang pag-tawag ni Gord sa ngalan ng binatang si Brix.

"Hmmm?" sambit pa nitong ganiyan na pinukawan pa siya ng tingin. Nag-tama ang mga mata nilang dalawa. Nagtatanong ang mga mata nito. Habang ang kaniya namang mga mata ay naging mailap. Akala niya kasi sa hina ng kaniyang pagkakasabi'y hindi na iyon maririnig ni Brix, ngunit doon siya nagkamali. Narinig nito at ngayon'y bigla-bigla na lang niyang nakalimutan ang sasabihin. Bakit nga ba niya tinawag si Brix?

"Ano 'yun?" tanong nang ganiyan ni Brix. Mukhang naghihintay na ito ng sasabihin ni Gord.

Sa kabilang banda, naka-ilang sunod na paglunok si Gord, mailap ang kaniyang mga mata. Hinahagilap sa kaniyang isip kung anong sasabihin.

"Chef, ano 'yun?" dalawang beses ng tanong ni Brix.

"I. Uhmm. Ano kasi..."

Mahinang napatawa na lang si Brix ng 'di niya maitsurahan ang emosyon ngayon ni Gord. "Ano nga kasi 'yun?"

"Ma... Mamasyal ako." sambit niyang ganiyan.

"Tapos?" sagot namang ganito ni Gord gustong intindihin ang mga nais ipahiwatig sa kaniya ni Gord.

At dahil nga sa tagal ni Gord na hindi masabi-sabi ang gusto nitong sabihin. Iniwas na lamang ni Brix ang kaniyang atensyon dito. Ipinukol niya iyon sa kaniyang pinanonood. Mas importante pa naman 'yon kaysa sa mga sinasabi ni Gord na hindi naman niya alam kung ano.

Naibagsak na lang ni Gord ang kaniyang mga balikat. Ano nga ulit 'yung sasabihin niya kay Brix? Nawawala siya sa sariling pag-isip sa tuwing malapit at nagtatama ang titig nilang dalawa. Ganito talaga siguro ang epekto ng nagmamahal sa tuwing malapit ang kaniyang taong minamahal.

Ilang oras ay natapos din ang game. Bagsak ang balikat ni Brix. Kanina pa siya frustrated na frustrated dahil sa natalo ang kaniyang grupong pinapanigan sa larangan ng basketball. Parang down na down siya ng mga panahong iyon. Daig pa niya ang natalo ng ilang libong piso sa naging itsura niya. Hindi niya matanggap, hindi niya matanggap na natalo ang kaniyang pambato.

"Tch!" pabuga niyang ganiyan pagkatapos ay nagpakawala siya ng marahas na buntong hininga. Kinuha niya ang remote at inis na pinatay ang tv.

Umalis na si Brix sa sofa, diretso siya sa kusina upang kumuha doon ng tsokolate. Pangpahupaw inis lang ba.

Matapos niyang makakuha ay muli siyang bumalik. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa sofa at kinain ang tsokolate matapos niyang buksan.

Muntik na ni Brix malimutan na kasama nga pala niya ang binatang si Gord. Kung hindi pa niya narinig ang pagtikhim nito'y hindi niya mapapansin na narito ito.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonDär berättelser lever. Upptäck nu