KABANATA 30

1K 53 1
                                    

Kabanata 30

           BAGSAK ANG BALIKAT ng mga babae sa paligid ni Gord, maging siya'y bumagsak din ang balikat. Ang kahera, ang bagger, ang dalawang babae, at ang iba pang mga nakapila, lalong-lalo na siya. Lahat ng mga iyo'y bumagsak ang balikat ng lumapit si Brix dala-dala ang isa pang push-cart na kasing dami rin ng laman kanina noong push cart na napa-k'wenta na niya. Baka nga, this time, 'e mas marami pa ngayon.

"Sorry, masyado akong natagalan." ani Brix na parang wala lang dito ang mga nangyare. "Tapos mona ba ipak'wenta lahat? Heto ipak'wenta mo pa."

Sa kabilang banda, gulat ang namimilog na mga mata ng kahera. "'Yan na sir 'yung hinihintay niyo?" ang tanging nasambit ng bibig ng kahera.

Wala sa sariling napatingin na lang si Gord sa kahera ng walang kabuhay-buhay at napatango-tango.

Sa pagtatama, hindi nagulat ang kahera dahil sa taglay na ka-g'wapuhan ni Brix, kundi dahil sa tulak-tulak nitong push cart na naglalaman ng maraming trabaho. Maraming trabong pag-ko-kompyut ng mga iyon pa. Akala na ng kahera'y nakapagpahinga na ang kaniyang mga kamay. Mukha isa na naman itong paspasang trabaho para sa kaniya.

Gayunman, walang reklamong lumabas sa bibig ng kahera't bagger. Sino ba naman ang kahera't bagger na magrereklamo? Dapat nga'y magpasalamat pa ang mga iyon dahil maraming nabawas sa kanilang mga ipinagbebenta. Matutuwa pa ang may-ari ng nasabing store. Kaya dapat gayun din ang kanilang reaksyon.

Pero gayunman, 'di talaga maiwasan ng kahera't ng bagger na mayamot. Mukhang sasakit ang ulo ng mga 'yon.

Samantala, hindi na naka-imik pa si Gord. Inagaw na niya kay Brix 'yung push cart at inilagay na sa kahera ang ibang laman niyon upang masimulan ng ma-k'wenta.

"Madami pa pala. Sa kabilang cashier na lang tayo." ang sambit ng naiinis na dalawang babae bago niyon nilisan ang pila. Maging ang ibang mga nakapila'y lumisan na rin. Ang iba naman ay masugid na naghintay.

"Ito lang ba?" sarkastikong tanong ni Gord kay Brix.

"Wait lang, titingin pa ako." sambit pang ganiyan ni Brix hindi napansin ang sarkasmo sa boses ni Gord.

At ng akma na siyang aalis, upang sabi nga niya'y mag-tingin-tingin pa'y, agad siyang pinigilan ni Gord.

"Stop. This is enough." sabi ni Gord na kapit-kapit ang braso ni Brix.

"Okay." tipid naman nitong responde.

Napabuntong hininga na lang si Gord at hinayaan niyang lumipas ang oras hanggang sa tuluyan ng matapos ang dalaga sa ginagawa nitong pag-ko-kompyut.

Another fifteen minutes and so, bago natapos ang kahera sa kaniyang ginagawa. Talagang pagod na pagod at sumasakit pa ang likod nito. S'yempre, lalo naman ang bagger.

"26, 672. 90, sir." flat na sambit ng kahera. 'Yung kaninang nagpapa-cute nitong mukha ngayo'y mukha ng iritado.

Kinapa-kapa ni Brix ang bulsa ng kaniyang pantalon. Doon lamang niya napagtantong wala nga pala siyang pera. Kung meron man ay hindi niya nadala. Iiling na napakamot siya ng ulo at bumaling ng tingin kay Gord na nakatingin din pala sa kaniya.

"P'wede mo ba akong pautangin? 'Di ko kasi nadala 'yung wallet ko 'e." kamot-batok na sambit niya.

Ang lakas-lakas mamili, 'e ano? Wala naman palang dalang pera. Pa'no na lang kung hindi niya kasama si Gord? Baka namo-mroblema na siya.

Gayunman, hindi nagawang makatanggi ni Gord. Agad siyang dumukot ng ilang libo sa kaniyang wallet at inabot sa kahera. Twenty seven thousand ang kaniyang inabot.

"Keep the change, miss." ani Gord na ikinaliwanag ng bakas ng mukha ng kahera.

Animo'y nagkaroon ito ng aktibong dugo. Naging mabilis ang pagkilos nito na matapos ang trabaho.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now