KABANATA 20

1.2K 58 0
                                    

Kabanata 20

      TUMAGAL NG ILANG ORAS pa ang kanilang mga inuman. Iwinaksi na ni Gord ang frustration na kaniyang nararamdaman ukol doon sa mga kalat na ginagawa ni Brix. Maging doon sa malakasang pagsigaw nito.

Batid na sa kanilang dalawa ang tama ng alak. Namumula-mula na ang pisngi ni Brix na talagang masasabing tinablan na ito. Si Gord naman, imbis na mamula ang kaniyang pisngi ay ang tutok ng kaniyang tainga ang namula na animo'y kakulay iyon ng kamatis.

"I-shoot mo! Talunin niyo 'yan, mga 'di naman marunong 'yan. I-shoot mo. Boom! Three points!" sigaw pang ganiyan ni Brix ba bahagya pa nitong itinaas ang alak.

Sa kabilang banda, habang nagmamasid lang ang mga mata ni Gord, hindi niya maiwasan ang sarili kundi ang ngumiti. Naliligayahan siya sa kaniyang mga nakikita. Naliligayahan siyang makitang sa simpleng dahilan ay ngumingiti si Brix. Ang sarap-sarap lang nitong pagmasdan kahit ang kalat-kalat nito. Nagmumukha tuloy itong masiyahing basura.

"Brix.. cheers." aniya.

Pumaling naman si Brix ng tingin at pinag-umpog ang kanilang mga bote ng alak na hawak at sabay-sabay nilang tinungga ang mga iyon.

Medyo nararamdaman na rin ni Brix ang kaniyang sarili na umiikot na ang kaniyang kamunduhan. Sa puntong iyon, naramdaman niyang tila animo'y hyper siya. Parang ang taas-taas ng tama niya.

Kinuha ni Brix 'yung babasaging pinggan na may lamang snacks, kumuha siya ng laman niyon at kinakain. Hindi parin inaalis ang kaniyang tingin sa laban ng basketball na kaniyang pinanonood. Ibang game naman iyon. Pero Golden State Warriors, parin ang lumalaban.

"Boom! Shoot!" malakas na sigaw ni Brix bahagya pa niyang tinaas 'yung kamay na may hawak na babasaging pinggan.

Sa kabilang banda, kahit may tama si Gord ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sariling mag-alala para sa lagay ng babasagin niyang pinggan. Nakikita kasi niyang hindi maganda ang lagay ng pinggan sa kamay ni Brix. Winawagayway pa kasi nito't tinataas sa ere na animo'y isa lang iyong magaang pinggan.

Like fuck! Kahit pinggan lang 'yon ay mahal ang halaga niyon. Libo ang pagkakabili niya sa pinggan na 'yon kaya't nag-aalala siya na baka mabasag.

"Brix.. ibaba mo 'yung pinggan." hindi na siya nakatiis.

"Ayoko. Kukuha ka lang ng snacks ko, kokonti na nga lang ito."

Ibinaba ni Gord ang kaniyang hawak na bote ng beer at dumais pa siya sa binata. "Come on, baka mabasag. Ibaba mo."

Iniwas naman ni Brix ng tangkaing kunin ni Gord ang pinggan sa kaniyang kamay. Hyper siya e, bakit ba?

"Ayoko."

Sa pamimilit ni Gord na makuha ang pinggan ay nakipag-agawan pa siya dito. That plate cost a fucking a thousands.

Natigilan ang dalawa sa pag-aagawan ng pinggan ng dumulas sa kamay ni Brix 'yung pinggan at tumilapon iyon sa pader ng sa malayo. Dahil mabigat ang pinggan at babasagin pa'y at malakas din ang impact, ay agad iyong nabasag.

Namimilog ang mga mata ni Brix ng makita sa malayo ang nabasag niyang pinggan. Halos mapanganga pa ang kaniyang bibig. In a blink of an eye, nabasag ang libo-libo niyang pera na ipinambili sa pinggan na iyon.

"Opps, sorry na dulas sa kamay ko."

Pumaling si Gord kay Brix dahilan para mag-tama ang mga mata nilang dalawa. Malapit sila sa isa't-isa. Bale nakakubabaw si Gord kay Brix habang si Brix naman ay nakahiga na sa sofa. Ilang pulgada lang ang layo ng kanilang mukha sa isa't-isa, kaya talagang kapwa nila nararamdaman ang mabibilis na paghinga ng isa't-isa. Hindi nga lang nila alam kundi ang pagtibok rin ba ng puso ng isa't-isa'y kapwa nila napapakinggan o tunog iyon ng sariling dibdib?

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now