KABANATA 53

959 59 15
                                    

Kabanata 53

       BRIX WOKE-UP comfortably. Inunat pa niya ang kaniyang katawan na may mahinang pagdaing. Ginala niya ang paningin upang masuri ang kabuuhan ng silid..

Where is he? tanong niya sa sarili na ang tinutukoy ay ang binatang si Gord.

Napamulagat siya ng mata ng maalala ang usapan nilang dalawa ni Gord. Agad siyang nagmadaling bumangon at tumayo upang sana'y hanapin si Gord ngunit naalimpungat siya ng kaniyang cell phone na tumutunog.

Napatingin siya sa kaniyang cell phone at kinuha iyon, nakapatong mula sa bedside table. Napakunot siya ng noo ng makuha na niya ang cell phone niya ay isang piraso ng maliit na papel ang dinadaganan niyon.

"Hello," Pagsagot niya sa tawag bago niya kinuha ang papel na pumukaw ng kaniyang atensyon. Binasa niya ang nakasulat doon.

"Darling, I'm sorry for not—"

Natigilan siya sa pagbabasa ng marinig niya ang iyak ng tinig ng kaniyang ina sa kabilang linya. "Son—please.."

Makahubag damdamin ang tinig ng boses na nagmumula sa bibig ng kaniyang ina. Gayun pa man ay hindi agad-agad siya nagpadala. Baka bitag lang 'yon ng kaniyang ina na kapag kumagat siya ay siyang siya'y masilo. Hindi niya hahayaang mawala ang natatamo niyang kalayaan ngayon.

"Stop it, mom. I don't want to get married!" mariin niyang usal upang ipagduldulan sa kaniyang ina na kahit ano pa man ang mangyare. Hinding-hindi siya magpapakasal.

Nagtataka siya kung paano nakuha ng kaniyang ina ang numero ng kaniyang cell phone. Gayunman papatayin na sana niya ang tawag ng siya'y matigil sa nasambit ng ina.

"Brix, son, nasa ospital ang daddy mo. Comeback home as soon as possible, kung gusto mopang maabutang buhay ang daddy mo." with that, his mom ended the call, leaving him confused and shocked.

Maraming katanungan ang pumapasok sa kaniyang isip. Baka isa lang 'yon sa pakana ng kaniyang mga magulang upang madali siyang mahuli. Hindi niya alam. Wala siyang alam. Pero handa ba siyang mag matigas? Pa'no kung totoo ang tinuturan ng kaniyang ina? Mananatili ba siyang walang kibo para lamang sa kaniyang kalayaan?

Nauntag siya sa kalaliman ng kaniyang pag-iisip ng marinig niyang muling nag tunog ang kaniyang cell phone. It was a text message, sent by his cousin, Caleb.

Sinasaad ng mensaheng iyon ang katotohanan patungkol sa pagkaka-dala ng kaniyang ama sa doctor.

Mabilis niyang tinawagan ang numero ng pinsan upang kaniyang mabilis na makumpirma ang katotohanan.

Hindi pa lumilipas ang ilang pagtunog ay agad na nitong sinagot ang tawag.

"If you're going to ask about your father. Yes, Brix, nasa ospital ang ama mo. I bet naka-usap kana ni Tita." Caleb paused for a seconds. "Look I'm sorry, binigay ko kay Tita ang numero ng cell phone dahil gusto ka niyang makausap upang ipaalam sa'yo ang nangyare. I can't say no. I can't cover you up. I know you deserve to know the truth."

Bagsak ang balikat at animo'y pinang-lumo ng katawan si Brix nang kaniyang makumpirma ang mga nangyare. Totoo nga. His mom wasn't lying at all.

"Pick me up, Caleb. I'm going home.." kaniyang usal matapos ng ilang minutong pagkukuyom bibig.

Napa-upo siya sa gilid ng kama. Animo'y tinatakasan ng lakas ang kaniyang buong katawan. Napahilamos sa sariling mukha at frustrated na napasambunot sa sariling buhok.

Pa'no nangyare ang lahat ng 'yon? Pa'no nadala ang kaniyang ama sa ospital? What exactly happened?

Maya-maya pa'y tumuon na ang kaniyang tingin sa papel na nakaligtaan niyang tapusing basahin.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now