KABANATA 47

1K 51 4
                                    

Kabanata 47

        A GOOD BREAKFAST for a good day. Masaya si Brix na naging malinaw na sa kaniya ang lahat. Na wala naman pala talaga siyang dapat ikabahala dahil wala naman talagang ibang karelasyon ang binata. He's just overthinking the whole time.

Mukha naman na wala siyang kaagaw kay Gord. Gusto siya nito at gusto niya rin ito, pareho sila ng nararamdaman, but still, hindi niya parin masasabing kaniya ang binata. Complicated pa ang nararamdaman nilang dalawa. Medyo magulo pa, pero sisikapin niyang tahi-tahiin ang relasyon nila hanggang sa ito'y magkaroon na ng mukha.

He's in love with Gord. He's sure of that, but there's still a problem awaits for him. His fix marriage, batid niyang hindi siya hahayaan ng kaniyang mga magulang na basta na lang ibasura ang nakatakdang kasal.

Sa pagkaka-alam niya'y malapit ng maganap ang kasal na 'yon, maybe it's three or two weeks from now. God, mas lalo tuloy siyang kinakabahan sa maaring mangyari.

Matapos maubos ni Brix ang mga pagkaing niluto sa kaniya ni Gord ay nagsimula na siyang ligpitin iyon at ilagay sa lababo.

At dahil wala naman siyang ginagawa ay naisipan na lang niyang hugasan ang mga pinagkainan. Sinipag siya? Konti!

Umalis kanina si Gord dahil may importante daw itong pupuntahan kaya naiwan siyang mag-isa.

After maghugas ay naligo na rin siya. Sa ngayon, gusto niyang gumala at mag-muni-muni. Matagal na rin kasing hindi niya iyon nagagawa, since si Gord lang ang naging kasama niya noong mga nakaraang araw.

And he want to buy his favorite... Chocolate!!

Mga ilang araw na rin naman siyang hindi nakakakain ng t'sokolate, wala na rin namang lamang t'sokolate ang ref niya. So, he miss the sweet taste of it.

Sakay ng kotseng hiram niya kay Caleb patungo sa grocery store upang makapamili ng mga bibilhin niya.

Sa kalagitnaan ng kaniyang pagmamaneho naalimpungatan niya ang itim na sasakyan sa likuran niya. It look suspicious, kasi everytime he turn left, the black car will turn left. If he turn right, the black car will turn right. It looks like he was being followed.

Unang pumasok sa kaniyang isip ay baka iyon ay tauhan ng kaniyang mga magulang.

Napalunok siya at mas binilisan pa ang kaniyang pagmamaneho. Hindi na nga niya alam kung saan siya patungo. Ang tanging nasa isip na lamang niya ay matakasan ang hinala niyang sumusunod sa kaniya.

Niliko niya ang sasakyan at nag-overtake sa sasakyan sa unahan niya. Ilang kilometro pa ang tinakbo niya bago siya muling lumiko. Pasilip-silip siya sa salamin ng sasakyan niya hanggang sa makitang wala na ang itim na sasakyang hinala niyang sumusunod.

He blew a sigh of relief. "Thank, God!"

Muli ay pinaandar niya ang sasakyan. Ilang kilometro ang tinakbo nito.

Gulat siyang mabilis na tinapakan ang preno ng sasakyan ng may humarang na kotseng itim sa kaniyang dinaraanan. Nagsilabasan ang mga lalaking nakasuot ng itim, even their sunglasses. Black.

Mabilis rumehistro ang kaba sa kaniyang puso. Mahigpit ang hawak niya sa manubela ng kaniyang sasakyan habang papalapit sa kaniya ang mga lalaki.

"Get out of the car.." sigaw ng isang lalaki sa labas ng kotse ngunit hindi niya iyon sinunod, hanggang sa napilitan ang mga iyong pwersahang buksan ang pinto. Sa kasamaang palad, they succeeded.

"Come out!" marahas siyang hinawakan sa braso at hinigit palabas.

"Fuck! Let go of me!" sigaw niya habang nagkukumahog makawala sa lalaking nakahawak sa kaniya.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now