KABANATA 12

1.2K 62 2
                                    

Kabanata 12

       UMAGANG KAY TIGAS. Iyon naman talaga ang kadalasang nararamdaman ng karamihan sa mga lalaki, 'di ba? Kaya ito rin ang nararamdaman ngayon ng walang iba at ang nag-iisang si Gord.

Tumingin siya sa kaniyang katabi. Bumungad sa kaniya si Brix na nakabaling sa gawi niya, nakayakap din ang isang kamay nito sa bandang malapit ng magputukan niyang mga abs.

Napalunok siya. Wala siyang ibang nagawa kundi ang pagmasdan ang mukha ng kaniyang katabi. Brix is peacefully sleeping, like an angel.

Ang kaninang pagnanasang naramdaman ni Gord kanina ay biglang nawala ng masilayan ang mukha nitong mahimbing na natutulog.

Nauntag niya ang kaniyang sarili sa mga naiisip ng maalala niya ang mga damit nilang dalawa. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ni Brix na nakayakap sa hubad niyang katawan pagkatapos ay dahan-dahan siyang umalis ng kama. Kinuha niya 'yung bath towel at muli niya itong ipinulupot sa kaniyang bewang.

Medyo masakit ang puson ni Gord, lalo't ramdam parin niya ang paninigas ng kaniyang pagkalalaki kahit na nga wala na siya sa tabi nito, pero sense parin ng sarili niyang katawan ang sensasyong naramdaman niya kapag malapit ang binata sa kaniya. Temptation, sensation, and pleasure, he indeed felt that way, kaya mukhang mahihirapan siyang pahupayin ang kaniyang mga nararamdaman.

Mabilis tumalima si Gord hanggang sa marating na niya ang loob ng bathroom. Sa magdamag na gabi ay talagang hindi nagawang matuyo ng kanilang mga damit. Mga basa parin ang iba pero hindi na naman ito magiging problema kung gipit talaga at walang mapagpipilian.

Kinuha niya ang mga damit at naisipang i-hanger ito. May hanger kasi sa cabinet, iyon ang ginamit niya. Napaka-istupido nga niya, ni hindi niya naisip i-hanger ang mga damit.

Pagkatapos niyang i-hanger ang mga damit at agad niyang isinampay iyon sa bakal kung saan naka-kabit ang kurtina na tumatabon sa init na dulot ng pagsikat ng araw.

Bale, hinawi ni Gord 'yung kurtina upang masikatan ng araw 'yung mga damit na kailangan pang matuyo. Basa-basa parin kasi.

At dahil nga naghawi ng kurtina si Gord, mabilis tumama sa mukha ni Brix ang sinag ng araw kaya na bulabog ang kaniyang pagtulog.

Napahilamos si Brix sa kaniyang mukha gamit ang sariling palad at bahagyang iminulat ang naniningkit niyang mga mata. Masyadong masilaw kaya hindi niya magawang imulat ng tuluyan ang mga mata.

Kinusot-kusot niya ito hanggang sa makabalik siya sa sariling wisyo.

Tatayo na sana siya ng mapagtanto niyang hubo't-hubad parin pala siya. Buti na lang at hindi siya naka-tayo, kundi baka napag-piyestahan na ng mga mata ni Gord ang katawan niya.

"Gord..?" tawag niya sa binata na mabilis namang tumalima at lumapit sa kaniya. "Ayos na ba 'yung mga damit na'ten? Natuyo ba?" ang mabilis niyang tanong.

Napakamot naman ng buhok ai Gord. "It's still wet, i guess we have to stay here for a li'l while. O suotin na lang na'ten kahit basa pa? What do you think?"

Umakto namang nag-iisip si Brix at nilapitan niya ang mga nakasampay na pinapatuyo habang nakabalot sa kaniyang katawan ang bedsheet ng kama. Kinapa niya ang damit, medyo basa-basa pa nga ito, pero p'wede na sigurong suotin. Magpapalit na lang siya.

"Here's the thing.." panimula niya habang pabalik sa harap ng binata, kung saan nakatayo si Gord malapit sa kama, nakatapis ng bath towel.

Hirap makapag-lakad si Gord dahil nga masyadong mahaba 'yung bedsheet at hirap din siyang balutin ang kaniyang sarili.

Habang naglalakad siya palapit dito. Naapakan niya 'yung laylayan ng bedsheet dahilan para ma-out-of-balanced siya.

At dahil nga malapit na siya kay Gord, doon siya bumagsak. Namimilog ang kaniyang mga mata.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now