KABANATA 29

1K 61 1
                                    

Kabanata 29

          ISANG UMAGA, napag-pasiyahan ni Brix mag-grocery. Mukhang sinapian siya ng kasipagan ng mga araw na 'yon. Siguro dahil ubos na ang paborito niyang tsokolate kaya heto siya't inobliga ang sariling mag-grocery. Para din naman sa kaniya 'yon, 'di ba?

Ayos na naman ang kaniyang itsura. Nakaligo na siya't maayos naman na ang kaniyang pananamit. Umayon sa kaniyang kag'wapuhan.

Suot niya'y puting t-shirt na sakto lang sa katawan niya. May tatak 'yon ng basketbolista na paboritong-paborito n'ya. Tinernuhan niya iyon ng pantalong nababagay sa suot niyang damit. Binagayan din niya iyon ng sapatos na talagang mas nagpayabong pa sa ganda ng porma niya.

Medyo mainit din sa labas, kaya nagdala na siya ng eyeglass. Para cool.

Matapos masigurong maayos na ang kaniyang itsura. Lumabas na siya ng condo niya. Pagbukas na pagbukas pa lamang niya ng pinto, ay siyang pagbukas din ng pinto ng nasa tapat niyang condo. Pagbukas ng pinto ng condo ni Gord.

Saglit silang napatitig sa isa't-isa. Bago tuluyang binawi ni Gord ang kaniyang tingin kay Brix.

"Where are you going?" asked by Brix.

Sa ngayon, napagpasiyahan ni Gord na mamili ng kaniyang mga lulutuin para kay Brix. Medyo tinanghali na nga siya, dapat kanina pa siya nakalakad. Napasarap kasi 'yung tulog niya e.

"Going to the supermarket. How 'bout you?" Gord answered and the he questioned Brix back.

"What a coincidence. I'm going to the supermarket too. Department store rather." Brix answered. "can you give me a ride?"

The way Brix said "ride", kakaiba na naman ang naging epekto nito kay Gord. His dirty mind was now attacking him. Binibigyan na naman ng kaniyang isip ng maduming kahulugan ang sinabi ni Brix.

Fuck his mind!

"Sure thing. Let's go."

Inisang tingin muna ni Brix si Gord bago na niya sinara ang kaniyang condo at nagsimula ng umunang lumakad.

Gord wore black V-neck, printed "can i get your number?" on the front, terno with white short and black shoes. Naka-suot sa kwelyo ng damit nito ang eyeglass nito.

Sakay ang dalawa ng sasakyang McLaren ni Gord. Kumikintab iyon na kulay itim. Daig pang fli-noor-wax sa sobrang kintab ng sasakyan.

"Where should we head of?" Gord asked.

"You're choice. Ikaw ang nagmamaneho 'e." sagot pang ganiyan ni Brix.

"Okay.." napag-isip-isip ni Gord na unahin muna ang pupuntahang department store ni Brix. Pakiramdam kasi niya'y mas importante ito kaysa sa mga bibilhin niya.

'Cause from now on.. maybe Brix is his priority..

Maya-maya pa'y natagpuan na nila ang kani-kanilang sarili sa loob ng department store. Hawak-hawak ni Gord ang push cart, to buy some dry goods chosen by Brix, of course.

Sasabihin pa ba kung saan na nag-tungo ngayon si Brix? Natural sa section ng mga snacks, you know chocolates.

Lahat na yata ng tsokolate ay nakuha na ni Brix. Don't get him wrong, huh? Paborito lang talaga niya ito. Ewan, bata palang siya'y obsessed na siya sa tsokolate. Kaya siguro ganito na lamang ang kaniyang naging aksyon ng makita ng kaniyang mga mata ang mga hinahanap.

"Wow.. new packaging.." sambit pa ni Brix na ganiyan sa sarili.

S'yempre bago.. kaya kukunin na rin niya upang masubukan.

Wala namang kaartehan si Brix. Basta't lahat ng mapapansin niyang may tsokolate kinukuha niya, not knowing na baka pangit ang lasa.

At dahil sa dami ng kaniyang mga napamili. Talagang napuno niya 'yung push cart, tas meron pa nga roon sa ilalim kung saan naroon nakalagay 'yung basket. Napuno din 'yon ng mga pagkaing basta-basta na lang ni Gord inilagay sa basket.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon