KABANATA 34

1K 48 1
                                    

Kabanata 34

         WALA NG LILIGAYA PA SA isang Brix Daniel ng siya'y makasakay sa yate na minamanipula ng walang iba kundi ni Gord Lyndon.

"Woah!" makikita ang malaking paghanga ni Brix ng siya'y mag-tungo sa unahan ng yate. Sobrang saya—ligaya niya ng mga panahong 'yon. 'Yung puso niya'y parang nilukuban ng milyong-milyong emosyon.

This is his greatest dream.. ito 'yung isa sa mga pinapangarap niyang gawin simula ng ikulong siya ng butihing mga magulang sa pangangalaga nito. Ngayong nakalaya na siya, ay sobrang-sobrang saya niya.

Sino nga ba ang mag-aakalang matutupad pala ni Brix ang dati'y pinangarap lang niya? Sinong mag-aakalang sa loob ng ilan taong pangangarap, ay matutupad niya ito.

Pumaspas ang hangin sa mukha ni Brix. Malamyos ang hangin na may halong ligamgam. Masarap damhin, napaka-sarap.

Sa sobrang saya, wala na sigurong makakapigil pa kay Brix.

Inilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang bibig at doo'y malakas na sumigaw. "Finally free! I'm so fucking happy! Thank you, Caleb and.." buong lakas niyang sigaw sa kawalan. "And to you, Gord! You made my dream come true."

"Yahoooo!!"

Wala ng papantay sa kasiyahang tinatamasa ni Brix. He can't get over it. Parang panaginip lang ang lahat. Basta ang saya. Sobra.

Nilibot niya ang buong yate. Sa lower deck at sa iba pang kasuluksulukan ng dagat.

Sobrang giliw sa puntong tila mababaliw na siya..

Ilang oras ang lumipas, kumalma narin ang dibdib ni Brix. Inatasan din niya si Gord na itigil na ang pagmamanipula ng yate.

Matapos, inaya niya si Gord umupo sa magandang spot sa may bandang taas kung saan tanaw nila ang namumulang sikat ng papalubog na araw. Napa-ganda at napaka-payapa ng dagat. Saktong-sakto sa panonood ng papalubog na araw.

Napaka-romantiko ng kanilang napag-pasiyahang pagtigilan.

Magkatabi silang dalawa kaya madali lang para kay Brix maihilig ang kaniyang ulo sa balikat ng binatang si Gord. Hindi parin mawala-wala ang mga ngiti sa kaniyang mga labi. Para na siyang isang manika na nag-freeze sa ganoong itsura.

"Masaya kaba?" mahinang boses na tanong ni Gord habang ang kaniyang pansin ay nakatuon sa naka-hilig na binata sa kaniyang balikat.

"Sobra, Gord. Sobra-sobra. Kung alam mo lang." buong emosyong sagot ni Brix habang ang tanaw naman niya'y ang magandang papalubog na araw.

After a minute passed by, the silence started to roam all over the place.

Kahit nakakaramdam si Gord ng ilang sa katahimikang 'yon ay mas pinili na lang niya na 'yon ang umere kaysa sa magsalita pa siya. Mukhang nagugustuhan naman ni Brix ang tahimik at payapang lugar. Kaya hahayaan na lang niya ang sariling damhin kung ano ang dinadama ng binata.

Makalipas ang ilan pang minuto, inalis na ni Brix ang kaniyang ulo sa pagkakahilig sa balikat ni Gord. Masinsinan niyang pinakatitigan ang mga mata ni Gord. 'Yung titig na nagpapahayag kung gaano siya kasaya—kung gaano siya nito pinasaya.

"What..?" Gord asked confused.

Habang lumalalim ang ginagawang pagtitig ni Brix sa binatang si Gord mas lalo niyang nararamdaman ang bumubugsong emosyon. 'Yung pakiramdam na nadadarang pa siyang lalo sa mga titig din nito. Mas lalong nahahatak ang kaniyang pagkatao palapit dito.

Sa halip na sagutin ay agad na dumapo ang palad ni Brix sa mukha ni Gord pagkatapos ay walang pasabi-sabing nilukumos niya ng halik ang mga labi ng binata. Ang kaninang palad niyang dumapo sa mukha nito'y naglakabay patungo sa batok ng binata, agad niyang kinabig palapit sa kaniya ang mukha nito upang mas lalong lumalalim pa ang halikan na pinagsasaluhan nilang dalawa.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon