KABANATA 14

1.1K 61 1
                                    

Kabanata 14

          LAKING PASALAMAT ni Brix na talagang kasama niya ngayon si Gord dahil kung wala ito baka hindi na niya alam anong gagawin.

Kasi naman, nakalimutan nga pala niya na hindi niya alam kung pa'no i-assemble ang tent. Sa sobrang excited na pumunta sa bundok at mag-tayo ng tent, nakalimutan na niyang i-tanong kay Caleb kung pa'no nga pala magtakid ng tent.

Gord is totally a great help for him. Kung wala ito, baka kung saan na siya pupulutin.

"Nagbabalak kang mag-punta dito, excited na excited kapa hindi mo naman pala alam kung pa'no magtakid ng tent. Pa'no na lang kung 'di ko piniling sumama sa'yo? Ano na lang ang mangyayare?" Gord said sounds like lecturing him while Gord was busy assembling the tent.

Mahinang tawa lang naman ang itinugon ni Brix. Lalo't totoo naman ang sinabi ni Gord.

"Ikaw nga excited pumunta dito wala ka naman dalang damit. Look at you, sa'kin kapa talaga nanghimaram ng masusuot." naisip niyang ikontra sa binata ng mapansin niyang suot nga pala nito ang damit niya.

"That's a different story, Brix."

Hindi na lang siya nakipag-argumento kay Gord. Basta pinanuod na lang niya ito habang abala sa paggawa ng kanilang matutulugan. Hindi naman niya magawang makapag-offer ng help dahil hindi nga naman siya marunong.

Mga ilang minuto ng matapos si Gord sa kaniyang ginagawa. Buti na lang talaga noong bata siya, naturuan siyang mag-takid ng tent. Isa kasi siya sa dating bata na sumali sa boys scout kaya nakatuto rin siya ng mga bagay-bagay. Tulad na lang nito, naging malaking tulong sa kaniya ang mga nalaman noong bata siya.

Umupo na siya sa tabi ni Brix sa may putol na puno.

"Bakit ka tumigil? Bakit hindi mo itakid 'yung tent mo?" patanong na sambit ni Brix habang nakatingin sa kaniya.

Umakto naman siyang nag-iisip ng isasagot. Lalo't talagang wala naman sa kaniyang intensyon ang gustong gawin ni Brix na ito. Napapayag lang niya ang kaniyang sarili sa pag-aalalang baka may mangyareng masama dito at hindi nga siya nagkamali. Mayroon ngang nangyare tulad na lang ngayon. Hindi pala ito marunong magtakid ng tent, kung wala siya dito ay wala rin sana itong matutulugan.

"Hindi ako nagdala ng tent..." sagot niya. "Lalo't wala naman sa plano ko na matulog sa tuktok ng bundok. Plano ko lang umakyat, hindi ko planong magtayo ng tent at matulog." pagsisinungaling pa niya.

Nakahinga siya ng maluwag dahil nakapag-isip-isip pa siya ng magandang sasabihin at talagang kapani-paniwala.

"So... Hindi ka nagdala ng tent... Meaning tatabi ka sa'kin matulog?" ang naisip ni Brix konklusyon.

"'Yun na nga." sagot naman niya.

Hindi na nag-komento si Brix tungkol doon. Lalo't hindi na rin naman mahalaga kung makatabi na niya itong muli sa pagtulog, lalo't kung hindi ito sumama sa kaniya, baka hindi na niya alam kung anong gagawin niya. Kung hindi dahil dito ay hindi niya alam kung saan siya matutulog. Lalo't kung susubukin pa niyang bumaba ng bundok ay masyado ng delikado. Hapon na at kung bababa pa siya ay baka kung ano pa ang mangyare sa kaniya.

Isa pa, baka abutin siya ng gabi at hindi na malaman o makita ang daan pabalik.

Nakaramdam siya ng gutom, bahagyang sumakit ang tiyan niya. Akmang kukunin niya ang kaniyang bag upang sana'y kumuha ng pagkain ng mapagtanto niyang nakalimutan niyang magdala. Ni tubig o kung ano pa na makakapag-laman sa nagugutom niyang sikmura ay wala siyang nadala.

Shit! Bakit hindi ko naisip magdala? God! I'm hungry.

Nasapo na lang niya ang kaniyang tiyan. Pa'no na ito. Titiisin na lang ba niya ang gutom? Shit! Kaninang tanghali pa sila hindi kumakain.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now