KABANATA 13

1.1K 64 2
                                    

Kabanata 13

         KANINA PA TAKAW-PANSIN kay Brix 'yung suot ni Gord. Parang pamilyar kasi sa kaniya o talagang pamilyar. Parang may ganun talaga siyang damit o talagang may ganun siya?

"Nice clothes, Gord." papuri niya. "I think may ganiyan din akong damit. Saan mo nabili 'yan?"

"Sa bag mo... I mean i get it inside your bag." pag-amin ni Gord na ikinalaki ng mga mata niya.

"You mean...?"

"Damit mo 'to. Hiniram ko lang, wala kasi akong dalang damit, kakamadali. Nakalimutan ko.."

Napaawang ang bibig ni Brix ng marinig niya sa mismong bibig nito na ang pinaghihinalaan niyang animo'y meron siyang ganoong damit. Na akala niya'y kapareho lamang, 'yun pala kaniyang damit talaga ang suot nito. Kagaling!

"Hiniram mo, pero hindi ko man lang narinig na nagpaalam ka sa'kin." medyo naiinis niyang wika.

"Nagpaalam ako sa damit mo. Sabi ko kung pede ko silang hiramin dahil naliligo kapa. Hindi naman p'wedeng pasukin kita makapag-paalam lang. Kaya doon na lang ako sa tabi direktang nagpaalam. Hindi naman sumagot 'yung damit. E naniniwala naman akong, silence means yes. Kaya ayun sinuot kona." pagbibiro pa nito.

Flat at walang emosyon naman ang pinukol ni Brix sa lalaki. Kung p'wede nga lang niya itong katusan ay baka kanina pa niya nagawa. Nilaksan pa niya.

"Wala ka ba talagang dalang damit? E, ano lang laman n'yang bag mo?"

"My things. Nakalimutan kong ngang magdala kakamadali."

Napatango-tango na lang si Brix, wala na rin naman siyang magagawa lalo't suot na nito.

Nagsisimula na silang akyatin ang katarikan ng bundok na dinarayo ng karamihang mga turistang nagpupunta doon. Sa kasamaang palad ay walang gaanong mga tao—mean walang mga taong nagbalak umakyat ng bundok. So in the end, just the two of them..

Hindi na rin naman siya nakakaramdam ng gutom, dahil naagahan na naman silang dalawa ni Gord kanina. At matapos ay nakapag-check-out na rin naman sila sa hotel. Bale naiwan lang nilang gamit ay 'yung dala nila kotse, tsaka 'yung mga damit nilang medyo basa-basa pa.

Maingat nilang tinahak ang katarikan ng bundok. Kahit medyo nakakapagod at talagang hindi maialis sa mukha ni Brix ang mga ngiting kanina pa naka-plaster sa kaniyang mukha noong nasa paanan palang sila ng bundok.

Bakit nga ba naman siya hindi ngingiti? Ito ang unang beses na makakaakyat siya sa bundok. Nasa New York palang siya, ito na ang gustong-gusto niyang gawin. At ngayong narito na siya sa Pilipinas. Hindi matawaran ang sayang nararamdaman niya. Sa wakas matapos ang ilang taong pakiramdam niya ay nabilanggo siya, ngayon mayroon na rin siya ng kalayaang gawin ang mga gusto niyang gawin.

Brix felt so much excitement, kung nanabik ang langaw dapuan ang dumi ng hayop ay mas sabik siyang marating ang tuktok ng bunok. Mag-start gumawa ng tent, matulog, sumigaw. Maging wild-people. God! Ang dami niyang gustong-gustong gawin. Andami niyang naising gawin.

"Gord." humarap siya sa kaniyang likod kung saan naroon si Gord, nagtatanong na bumaling naman ito ng tingin sa kaniya.

Dinukot ni Brix ang kaniyang selpon sa loob ng bulsa ng kaniyang suot na short at inabot niya ito kay Gord. "Can you take photo of me?"

"Sure thing." tumango-tango naman si Gord at agad tumalima.

Mga ilang shot ang kinuha niya habang posed dito, posed doon ang ginagawa ni Brix. He looks hot and handsome, by the way.

"Here." inabot niya kay Brix ang cell phone nito pagkatapos.

Matapos maabot ni Brix ay pinagmasdan naman niya ang mga kuha nito sa kaniya. Napangiti siya sa mga litrato. So handsome.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now