KABANATA 51

1K 47 3
                                    

Kabanata 51

          MADILIM NA ANG paligid ng mag-aya si Gord pumunta sa likod ng mansion. Inaya niya si Brix doon sa paborito niyang spot dito sa pinagawa niyang bahay na ito.

Tamang-tama naman ang klima ng paligid kaya tiyak siyang magandang pagtambayan ang spot na 'yon.

Paglabas palang nila ng masion hanggang sa makarating sa likod hindi na magka-humayaw si Brix kakapuri sa paligid. Gandang-ganda ito sa mga nakikita. Samantalang sayang-saya naman siyang naliligayahan si Brix.

"I have a special spot for you," pinagsalikop niya ang kamay nilang dalawa ng binata, "follow me." inaya niya ito hanggang sa makarating sila sa isang swing kung saan tanaw ang ganda ng paligid at ng kalangitang nagkukumpulan ang mga bituin at ang bilog ng buwan.

"Ang ganda. Ang ganda dito." ang naibulalas ng bibig ni Brix habang iginagala niya ang kaniyang tingin. Tumuon iyon sa isang swing. "Wow.." looked how amazed he was. Pakiwari'y mas makinang pa ang ningning ng kaniyang mga mata sa mga bituin sa kalangitan.

Umupo siya sa swing at tinulak ang sarili upang mag-swing iyon.

"Wow.. I can't believe this.."

Talaga namang hindi siya makapaniwala. Tamang-tama ang mga palamuting makukulay na ilaw sa garden na naroon at ang iba pang mga palamuti na nagbibigay sigla sa kadiliman ng gabi. Dagdag pa roon ang mga bituin at buwang nagsisilbing liwanag at nagbibigay aliwalas sa paligid.

"This is so great.. Gord. I love this place." nakangiting sambit niya sa binata.

Humalma ang malawak na ngiti sa mga labi ni Gord. He expected na magugustuhan lang ito ng binata, he didn't expect he'll like it more than what he expected. That's good.

"Dito ako madalas pumupunta kapag stress ako sa trabaho. Sa init ng paligid. Sa ingay ng mundo. This place is quite peaceful and mind-relaxing. Dito ko nasasabing ayos lang na mapag-isa."

Brix didn't looked away. He just watched Gord talking.

"I'm so thankful, you like it." he smiled. "You love it."

"Hmmm." ang tanging nasambit na lang ng kaniyang bibig.

Ilang minuto nilang pinagmasdan ang kalangitan. Pinagmasdan ang ganda ng paligid. It's so peaceful and mind relaxing. Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Talagang dinama lang nila ang paligid.

"Brix.." rinig niyang sambit ni Gord dahilan para mapatingala siya at doo'y magtama ang mga mata nila. "For you."

Tumuon ang kaniyang mga mata sa hawak-hawak nitong tatlong piraso ng bulaklak na siguro'y nagmula sa garden dito.

A tulips.

"T-Thank you." medyo ume-eksena na ang kaniyang puso. Nararamdaman na niya ang mumunting pag-yanig nitong ginagawa. Hanggang sa palakas ng palakas.

Tinanggap niya ang bulaklak ngunit hindi parin iyon binibitiwan ni Gord. Pareho silang naka-hawak sa tangkay niyon.

Bahagya siyang nagulat ng bigla na lang inilipat ni Gord ang palad. Ngayo'y sa mismong kamay na niya ito nakahawak.

Walang salita na lumabas sa bibig ni Brix. Tanging pagtitig lamang ang kaniyang ginawa, at aksyon ng pusong halos magwala sa kaniyang dibdib.

"Gord.." ngalang lumabas sa kaniyang bibig ng unti-unting lumalapit ang mukha ni Gord sa kaniyang mukha. Take note, when he said his name, he said it in a moan-way.

And there.. Gord successfully captured Brix lips. He felt his soft lips pressed against him. The sensation was over taking.

Mariin ang kaniyang naging paghawak sa tangkay ng bulaklak habang ang isang kamay naman ay naka-hawak sa swing.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now