KABANATA 25

1K 53 1
                                    

Kabanata 25

        "WHY ARE YOU HERE?" iyang mga salitang iyan ang tanong na agad pumasok sa isip ni Brix ng makabawi siya sa pagkagulat. "At pa'no ka nakapasok?" dagdag na tanong pa niyang ganiyan.

Ngumiti naman ang kaniyang kaibigan/pinsang si Caleb na kaninang umaga pa  nakapasok sa loob ng condo unit ni Brix ay naghihinala na. May kislap ng paghihinala na ang kaniyang mga mata.

"Hindi ba ako p'wedeng pumunta dito, huh, Brix?" sarkastikong tugon ni Caleb bago niya pinukulan ng nahihiwagaang tingin ang pinsang si Brix. "Tsaka alam mo ba kung pa'no ako nakapasok? It's because nakalimutan mong isara ang pinto kamamadali. Based on my instinct, hindi ka dito natulog alam ko. Saan ka natulog? O gusto mong hulaan ko para sa'yo?" may panunuya ang boses na lumalabas sa bibig ng pinsang si Caleb.

"Nakalimutan kong isara 'yung pinto kase nag-punta ako sa grocery store. Namili ako. Tsaka mali 'yang instinct mo. Dito ako natulog, saan mo ba naiisip na doon ako natulog?" pinilit ni Brix kalmahin ang sarili sa mga kasinungalingang lumalabas sa kaniyang bibig. Well he is not a good liar after all. Madaling basahin ni Caleb ang ekspresyon niya sa tuwing nagsisinungaling siya. Atleast he tried, right?

"Don't be such a liar, Brix. I won't buy it. Nag-punta sa grocery store? Pero ganiyan ang suot? Naka-sando tapos naka-boxer? Are you kidding me?" Caleb voice was sarcastic together with his playful smile. "At kung namili ka, na'san 'yung mga pinamili mo? How come wala kang dala kahit isa man lang?" lumapit si Caleb kay Brix at inakbayan niya ang balikat ng pinsan. "It's okay, Brix. You don't need to lie anymore. Alam ko kung saan ka natulog." tumuon ang mga mata ni Caleb sa leeg ni Brix kung saan bumakat doon ang pulang animo'y tila balat. "You have sex with him, haven't you?"

Agad lumayo si Brix sa kaniyang pinsan. Inalis pa niya ang kamay nitong nakakapit sa kaniyang leeg. "Tanggalin mo 'yang madumi mong nasa-isip, hindi makakabuti sa'yo 'yan." tanggi pa niyang ganiyan kahit totoo naman talaga ang mga sinabi ni Caleb. Totoo naman talagang nakipagtalik siya at batid niyang ang lalaking iyon ay kilalang-kilala din ng pinsan niya. Iyon kaya ang tinutukoy nitong nakatalik niya?

"Come on, dude. I'm not going to judge you here. Honestly speaking, i'm happy for you. Finally.. i did it. Sooner or later, hindi mona kakailanganin ang tulong ko." makahulugang sambit ni Caleb na hindi naman maintindihan ni Brix.

Walang ideya si Brix sa tinuran ng pinsang si Caleb. Masyadong makahulugan iyon sa puntong hindi niya alam kung anong pinupunto nito. Balak sana niyang tanungin ngunit isang mapaglarong ngiti lang ang huli nitong pinukol sa kaniya bago iyon lumabas ng condo unit niya.

Hindi na niya nagawang habulin. Nanatili na lang siya sa loob. Pinagmasdan niya ang kaniyang sarili. Bago niya iyon sinisi.

Sa dami rami ng p'wede niyang idadahilan, bakit grocery pa? Sinong tangang maniniwalang nag-grocery siya na gantong suot? Sinong tangang maniniwala na nag-grocery siya pero wala naman siyang bitbit kahit isa? Such a fool excuses. Sure, Caleb didn't buy it.

Napilig na lang ni Brix ang kaniyang ulo. Hindi ito ang panahon ng pag-iisip ng mga walang k'wentang bagay. Kilala naman niya si Caleb, ang mga nalalaman nito ay nanatiling sekreto, mapagkakatiwalaan niya si Caleb.

Madilim na ang paligid ngunit abala parin si Brix sa kaniyang ginagawa. Pinag-pa-planuhan kasi niya ang third and forth na kaniyang dapat gawin sa to-do-list niya.

Sea shore camping and riding the yacht.

Pangarap talaga ni Brix na makasakay siya ng yate. 'Yung siya lang mag-isa. I-appreciate ang ganda ng dagat, basta—sobrang dami niyang naiisip gawin sa loob ng yacht kung saan mag-e-enjoy siya.

Isa nga lang ang malaking katanungan na bumubulusog sa kaniyang isip. Pa'no siya makakasakay ng yate, 'e wala naman siyang yate. Wala na rin siyang pera upang ma-afford ang expenses sa pagsakay ng yate.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon