KABANATA 15

1.2K 60 1
                                    

Chapter 15

        SLEEPING TOGETHER AGAIN? Ilang beses na bang nakatabi ni Brix si Gord sa higaan? Kung kaniyang iisipin, siguro patatlong beses na ito.

Una, noong nagkamali siya ng pasok ng condo, pangalawa 'yung sa hotel sila habang walang mga saplot, at patatlo naman, narito sila sa loob ng tent.

Nagmumunimuni si Brix. Hindi kasi mawala-wala sa kaniyang isip 'yung sinabi sa kaniya ni Gord kanina. Tutulungan daw siya nitong magkaroon pa ng mas mahigit pang laya. 'Yung layang katulad ngayon na nararanasan niya.

Tutulungan daw siya ni Gord na itago sa mga magulang niya upang hindi siya mahanap ng mga ito. And to his surprised, madali siyang naniwala. Ganun naman, 'di ba? When you have someone, trustable, walang kang magagawa kundi ang pagkatiwalaan ito. Naniniwala siyang tutuparin ni Gord ang sinabi nito, doon ay mas lalong siyang nakaramdam ng saya.

Hindi na niya inusisa kung anong dahilan at handa siya nitong tulungan. Basta inisip na lang niya na nangako si Gord sa kaniya at alam niyang tutuparin nito ang pangako nito.

He just hoped that Gord will keep his promise, because Gord had his trust.

Nasa kalagitnaan si Brix ng kaniyang pagmumunimuni ng makaramdam siya na kailangan niyang magbawas ng tubig sa kaniyang katawan.

Bumangon siya at kinuha ang flashlight sa uluhan nila.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Gord sa kaniya na inakala niyang tulog na.

Humarap siya dito. "Iihi lang." sagot niya.

Binuksan na niya ang zipper ng tent, but looking outside the tent, made him frightened. Shiver. Scared.

It's so dark, tapos takaw-pansin pa 'yung mga tunog ng kuliglig at kung ano-ano pang tunog ng kaniyang naririnig.

Sa totoo lang, hindi pa niya naranasan mamuhay sa madilim na paligid at sa mga werdong tunog na naririnig niya sa paligid. Ngayon niya na realized na takot pala siya sa dilim. Lalo't nasa ganito pa silang lugar. Shit!

Napalunok siya at mabilis niyang muling ibinalik ang pagkaka-zipper ng tent at muling humiga.

"Brix..?" pukaw ni Gord sa kaniyang atensyon. "Akala ko ba iihi ka?"

Bumaling ng tingin kay Gord si Brix. Nakita niya ang bahagyang pamumutla ng binata at ang takot na makikita sa mga mata nito. Don't tell me... He's afraid of darkness?

"Hindi na ako naiihi." sagot nito bago iniwas ang tingin sa kaniya.

Sa pagkakataong iyon, kung si Brix lang ay isa sa mga gangsters na kaibigan niya at nalaman niyang takot ito sa dilim ay baka kanina pa niya pinagtutudyo, inasar, at pinagtawanan ito, but for Brix current situation, hindi niya magawang matawa, hindi niya kayang tudyuin o asarin ito.

"Naiihi pala ako. Sasama ka ba?" pagsisinungaling ni Gord kahit ang totoo ay hindi naman talaga siya naiihi. Gusto lang talaga niyang samahan si Brix dahil tiyak niyang hindi ito lalabas ng mag-isa, nawawari din niyang hindi nito sasabihin na takot ito sa dilim kaya hindi na nito itinuloy ang pag-ihi.

Sino ba naman ang isang lalaki ay magsasabing takot sila sa mga hindi dapat katakutan? Baka iniisip ni Brix ay aasarin siya ni Gord kapag nalaman nitong takot siya sa dilim.

Binuksan na ni Gord ang zipper at kinuha ang flashlight, akmang lalabas na siya ng hawakan siya ni Brix sa braso niya.

Bahagya pa siyang napapitlag sa lamig ng palad nito. Literal na takot nga talaga ito.

"Sama ako." sagot nito na bahagya pang napalunok.

Na-una na siyang lumabas. "Ang ganda ng gabi ano? So calming.. so.. great." sabi pa niya sa kawalan. Iyon lang ang alam niyang paraan upang palakasin ang loob ni Brix at mawala ang takot nitong nararamdaman.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now