KABANATA 61

2.2K 82 58
                                    

Kabanata 61

           ANG kasal na dapat ay para kay, Honey at Brix ay mabilisang naudlot sapagkat wala silang pag-irog sa isa't-isa. Ang kasal ay itutuloy ng dalawang magkasintahan na talagang sinubok ng tadhana ang tibay ng kanilang pagmamahalan.

Hindi nasayang ang lahat ng preparasyon ng pamilya Lyndon at pamilya Daniel sa kasal sapagkat hindi man natuloy ang kasal ng anak nilang babae sa anak ng mga itong lalaki ay matutuloy naman sa mga anak nitong kapwa lalaki.

Hindi na nga in-adjust pa ni Gord ang kasal nilang dalawa ni Brix sapagkat natakot daw itong baka magbago pa ang isip ng binata, sa hindi nito batid, ay walang kasidlang saya ang nararamdaman ni Brix ngayon at sa susunod pa sapagkat ang kasal na kaniyang pinapangarap ay ngayo'y matutupad sa taong kaniyang pinakamamahal. Si Gord. Si Gord na pumukaw at gumising sa natutulog niyang puso. Si Gord na handang gawin ang lahat para sa kaniya. Si Gord na masarap ng magluto ay hindi rin matatawaran ang sarap nito.

Kagat ni Brix ang kaniyang pang-ibabang labi habang inaayusan siya ng make-up artist. Samu't saring emosyon ang pumapasok sa kaniyang pagkatao, narito ang matinding kaba at pinaghalo-halong saya. Hanggang ngayon tila kinakapa pa niya ang mga nangyayare sa kaniya, parang ang hirap lang paniwalaan na darating sa puntong ganito sa loob ng maraming pagsubok ang dumaan sa kanila.

Sinong mag-aakalang ikakasal nga si Brix at ito'y para lamang kay Gord.

Matapos siyang maayosan at mabihisan ng mga nag-aayos sa kaniya ay muli niyang sinipat ang sariling repleksyon sa salamin.

Elegante at g'wapong-g'wapo ang kaniyang dating sa suot niyang damit pangkasal. Simple lang ang make-up sa kaniya at dahil doon lumabas pang lalo ang kinang ng kaniyang kag'wapuhan.

"Are you ready, sire?" malamyos na ngiting sabi ng dalagang nag aasikaso sa kaniya.

"I am." sagot niyang may patango-tango pa.

Maya-maya pa'y bumukas ang pinto ng silid. Agad natuon ni Brix ang kaniyang paningin sa bumukas na pinto. Iniluwa niyon ang maganda at bihis na bihis na dalagang si Honey. Palapit pa lamang ito sa kaniya'y ubod tamis na ang naging pag-ngiti.

"Hey, guys it's me again, your Honey. And here's an update for my brother's wedding day." anang dalaga habang nakatingin ito sa camera nitong dala na nakatutok sa mukha nito.

Lumapit ang dalaga kay Brix at isinama siya nito sa kuha ng video sa camera. "Here's my brother in law, so handsome, isn't he?" anang dalaga habang pine-flex siya sa video cam nitong dala. "Say, Hi to my million followers, Kuya Brix."

Naiilang man si Brix ay tumingin parin siya sa camera and he bid Hi for them.

"Ka-BL couples fanatics diyan lang kayo, magbabalik ako after ng ilang minuto. I love you all, guys. Muah."

Since na nalaman ni Honey na ang kaniyang kapatid ay isa sa mga grupo ng kalalakihan na umiibig din sa kapwa nila lalaki. Adan to Adan, ay naisipan niyang gawing content ang dalawa. Palihim niyang kinukuhanan ng litrato ang kaniyang kapatid kasama ang fiancè nitong si Brix sa mga sweet moments at i-a-upload niya ito sa social media. Paminsan-minsan rin ay palihim niyang kinukuhanan ng video ang dalawa at i-a-upload.

Dahil kaaya-aya ang itsura ng dalawa, ni Brix at ni Gord, naging patok sa mga taong tulad ni Honey na mahilig sa mga BL couples ang mga uploaded pictures and videos ng dalawa. Dahil din dito, hindi magkanda-humayaw ang mga news reporter, paparazzi, at kung sino-sino pa ma-interview lang ang dalawang couples.

Dahil sa sikat si Gord sa negosyong pinapatakbo nito ay mas lalo pa itong sumikat dahil sa kagagawan ng kapatid nitong si Honey. Maraming kababaihan ang nawindang at bumagsak ang mga balikat sa mga nalaman.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonOnde histórias criam vida. Descubra agora