KABANATA 41

872 44 2
                                    

Kabanata 41

        LABIS ANG PAGHIHIMUTOK ng dibdib ni Brix dahil lamang doon. Well, he forced himself to sleep after Gord left, pero hindi niya kaya. He can't fall asleep, lalo't bumabagabag parin sa kaniyang isip ang katanungan kung sino nga ba talaga ang "honey" na 'yon. Kanina pa niya hinihintay si Gord bumalik ngunit mukhang importante ang pinag-uusapan ng mga 'yon.

Napag-isipan niyang bumangon at hanapin si Gord. Maki-usyoso sa pinag-uusapan ng dalawa, pero hindi niya ginawa.

Habang tumatagal ang lumilipas na minuto'y mas lalong nag-aalburoto ang kumukulong dugo ni Brix. How took it so long?

And why am I meddling?

Upang matanggal ang inis, pagka-inip at mga samu't saring negatibong emosyong pumapasok sa kaniyang isip. Pinili na lamang niyang isiksik sa kaniyang isip na "wala siyang pakealam sa binata."

Wala nga ba?

Mabilis niyang naipikit ang kaniyang mga mata ng marinig ang pagbukas ng pinto. At dahil nga naka-talikod siya sa pinto ay hindi niya masilip kung sino 'yung pumasok. Well, who might it be? Wala namang ibang tao dito kundi silang dalawa lamang ni Gord, hindi ba? Malamang sa malamang ay si Gord na ang pumasok.

Nagtatambol ang kaniyang puso ng marinig ang papalapit nitong yabag. "What am I going to do?" he thought.

"Pretend asleep."

Pikit ang kaniyang mga mata ngunit ang kaniyang diwa'y gising na gising sa mga bawat galaw ng binatang si Gord. Alam niyang naka-sampa na ito ngayon sa kama at ngayo'y hinihintay na lamang niya ang sunod nitong gagawin.

Lumipas ang ilang minuto hanggang sa siguro'y kumalahating oras ay wala siyang naramdamang pag-ibo sa binatang katabi niya.

Any movements?

Gusto niyang pumaling pakabila upang sana'y masilip niya kung anong ginagawa ni Gord at bakit ngayo'y wala na itong ginagawa.

Di ba dapat yayakapin siya nito? Tapos itutuloy 'yung kanilang ginagawa kanina na naudlot dahil sa b'wisit na honey na 'yon? Bakit tila yata walang nangyare sa kaniyang mga assumptions? What happened?

All he could hear was Gord's loud sighed three times in a row. And he don't know, why?

Kung ayaw ni Gord na ituloy ang ginagawa nila kanina? Edi 'wag?! Tutal may honey na naman ito, 'di ba?

Nagmamaktol na ipinikit na lamang ni Brix ang kaniyang ulo. Bahala si Gord sa buhay niya! Bahala na ito!

Mas lalong nadagdagan ang inis ni Brix hanggang sa mag-umaga. Sukat ba naman na hindi talaga siya kinibo ni Gord hanggang sa mag-umaga. Pa'no niya nasabi? Well, hindi lang naman siya nakatulog at masasabing buong magdamag na gising. Expecting something will unexpected to happen, pero wala. Namuti na yata at kumapal na ang kalyo sa ilalim ng kaniyang mga mata'y wala man lang nangyare. Nag-puyat pero hindi kinant*t? Ohh, geat! So fucking great!

Dumoble pa ang inis at pag-aalburoto niya ng umagang magising ay wala sa kaniyang tabi si Gord. Bumangon siyang nag-isang linya ang nag-aalunang pagkunot ng kaniyang noo.

Tamad siyang bumangon at tinungo ang cabinet, kumuha ng damit upang matakpan ang hubad niyang katawan. Kagabi pa kasi siya hubad. Hindi na naman niya naisipan pang mag-bihis, kase naman nag-expect siya. Wala din naman pala.

Hinanap niya sa kabuuhan ng yate, nanuot pa lamang ang mabangong amoy ng pagkaing niluluto ay tuklas niyang agad ang kaniyang hinahanap. Humakbang siya sa pinangyayarihan ng amoy. Doon nga'y kaniyang nakita si Gord na nagluluto ng pagkain.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now