KABANATA 26

1K 51 1
                                    

Kabanata 26

            HINDI MABILANG KUNG ilang beses ang naging pag-ikot ni Gord dito sa kaniyang condom (condo). Kanina pa siya pabalik-balik. Simula kasi ng kaniyang lisanin ang condo ni Brix ay hindi na siya mapakali. Iniisip niya kung pa'no siya makakasama sa pinaplano ng binata. Hindi naman p'wedeng coincidence na naman na sasakay din siya ng yate at doon ay magsasama na naman silang dalawa, hindi ba? Parang luma na. Nagamit na niya ang dahilan niyang iyon.

Ano ba ang mas magandang idahilan?

Fuck! Sa dami-raming dapat problemahin, ito pa ang naisipan niyang problemahin? Shit!

Sa huli.. I think it last one hour bago siya nakapag-isip-isip ng magandang plano.

Dinukot ni Gord ang kaniyang telepono sa loob ng bulsa ng pantalong suot. Manghihiram na lamang siya ng yate at pagkatapos ay yayain niya si Brix na sumakay doon para mamasyal. Pretending na hindi niya alam na gustong-gusto talaga ni Brix na makasakay doon.

"Oh? What do we have here?" boses iyon ni Caleb sa kabilang linya. Mukhang masaya ang nanunuyang tinig ng boses nito.

"Can i barrow your yacht?" sambit pa niyang ganiyan. Direktahan, wala ng paligoy-ligoy pa.

"My yacht..? Hmm.." mukhang natutunugan na ni Caleb kung bakit nanghihiram ng yate sa kaniya si Gord.

"Hindi ako nagpapahiram. Gusto mo rentahan mo na lang. Para naman may konting huthot ako, 'di ba?"

Naitirik na lang ni Gord ang kaniyang mga mata sa kawalan. "Nagmana kana kay Jonaz. Isa kana ring huthutero. Hihiramin lang 'e,"

Narinig ni Gord ang malakas na paghalakhak sa kabilang linya. "It's called business, Gord. 'Yung mga pagkain ngang dapat libre mona lang, inililista mopa sa utang namin." giit pa nitong ganiyan.

Hindi na nakipag-argumento pa si Gord. "Sige na, 'wag kanang maraming satsat. Rerentahan kona. Puntahan din kita. Magpapaturo ako sa'yo kung pa'no magpaandar, para sa pamamasyal ko'y ako ang nagmamaneho."

"Daanan mo'ko sa bahay, para sabay na tayong pumunta sa daungan ko ng yate."

Hindi na sinagot pa ni Gord ang sinambit na iyon ni Caleb. Pinatay na niya ang tawag at minadali ang sarili. Kailangan niyang matutunan ang magmanipula ng yate sa lalong madaling panahon. Kailangan niyang matuto upang walang sagabal sa kanilang dalawa ni Brix.

Ngayon pa lamang ay masaya na si Gord. Sana nga lang magkaroon siya ng lakas ng loob yayain ang binata. Lalo't habang tumatagal, mas lalong hindi siya nagiging komportable kapag kasama ito. Nararamdaman niya ang matinding hiya, matinding torpe. Ewan ba? Bakit ba naman ganito na lamang ang nararamdaman niya.

Inabot na yata ng madaling araw si Gord at si Caleb tsaka niya natutunan ang pagmamanipula ng yate. Sa mga ilang oras na ginugol niya, hindi talaga siya nagpahinga. Para siyang isang manlalarong determinadong manalo. Diterminadong-ditermenado siyang matutunan ang pagmamanipula niyon. Well, hindi na siya magpapasalamat sa kaniyang kaibigang si Caleb, kase may kapalit naman ang pagtuturo nito sa kaniya. Kundi pera.. malamang ang pagkaing galing sa mga kamay niya. Pagkaing luto niya...

Maagang nagising si Brix matapos ang mahimbing niyang tulog. Nakalugomok parin siya sa higaan, tinatamad pa siyang bumangon. Maya't-maya pa'y narinig na niya ang ilang nakakawindang na katok sa labas ng kaniyang pinto.

Who could it be?

Dalawa lang naman ang tao'ng maaring maisip ni Brix na pupunta at kakatok sa labas ng kaniyang condo. It's either, Caleb or Gord. 'Yan lang naman ang may papel sa buhay niya. 'Yan lang naman ang kilala niya dito sa Pilipinas.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon