KABANATA 6

1.3K 63 1
                                    

Kabanata 6

        NAGPATULOY ang pagtuturo ni Gord kay Brix ng paraan kung paano gayatin ang sibuyas, s'yempre ng hindi nasusugatan.

Sa ginagawa ni Gord ay ramdam niya ang kakaibang pakiramdam na bago lang para sa kaniya. May kakaibang siyang pakiramdam na gusto na lang niyang mag-stay silang dalawa ni Brix sa ganitong sitwasyon. Kung saan payapa—tanging nakakabinging tibok ng kaniyang puso lang ang kaniyang naririnig.

Bakit nga ba niya ito nararamdaman?

Ilang beses na bang napalunok si Brix? Hindi na niya mabilang. Sumusungaw na rin ang butil-butil na pawis sa kaniyang noo, kahit tama lang naman ang klima sa loob. Kung tutuusin ay hindi ka pagpapawisan, maaliwalas sa loob. Dahilan para pati ang kaniyang mga mata ay mamawis na. Naluluha siya sa hindi niya malamang dahilan, parang may naglagay ng sili sa kaniyang mga mata. O baka iyon ay dahil sa ginagayat nila?

Namilog ang mga mata ni Brix at biglang napabaling ng tingin kay Gord, masyado na kasi itong malapit sa kaniya, isa pa, nararamdaman na rin niya ang katawan ng binata sa likod niya. At sa hindi inaasahan, ramdam niya ang bumubukol nitong pagkalalaki sa bandang pang-upo niya.

Mabilis siyang kumalas dahilan para mahiwa ng maliit ang kaniyang daliri. "Aray," daing niya habang sapo-sapo ang daliri niyang nasugatan.

"What happened?" Gord asked looking at him worriedly.

Mabilis siyang nilapitan ni Gord at kinuha ang kaniyang kamay. Mabilis naman niyang inagaw ang kamay ngunit kinuha din naman agad iyon ni Gord. "Let me see."

Hinayaan na lang ni Brix si Gord na tingnan nito ang kaniyang sugat. Maliit na hiwa lang naman ito, pero kahit papa'no ay may tumakas parin na isang butil ng dugo.

Nagulat siya ng ilagay ni Gord ang kaniyang daliri sa bibig nito at sinipsip.

Napalunok si Brix habang namimilog ang mga matang nakatingin sa ginagawa ni Brix. Ramdam niya ang pagsipsip nito sa daliri ng kamay niya. Ramdam niya ang init ng bibig nito.

Nang makabawi sa pagkagulat ay mabilis niyang hinigit ang kaniyang daliri. "It's okay, it's not big deal. Malayo sa bituka." aniya.

Umalis naman si Gord na hindi niya alam kung saan tutungo. "May first aid kit ka dito?" tanong ni Gord sa kaniya.

Mabilis naman siyang umiling.

Nagmamadaling lumabas naman ito ng bahay at pagbalik nito tsaka siya nito hinarap.

"Give me your hand." ika ni Gord.

Nag-aalinlangan naman siya kung ibibigay ang kamay sa binata o hindi, pero sa huli sinunod na lang niya ang gusto nito.

Inilahad niya ang kaniyang kamay kay Gord, agad nitong nilagyan ng band aid ang kaniyang daliri. "Right there. Done." anito. "Next time be careful, stop being clumsy " estriktong paalala pa nito sa kaniya na muling bumalik sa kusina upang magtuloy sa pagluluto.

Limang minuto ang kaniyang ginugol na nakatayo lang habang nakatitig sa kaniyang daliri. A genuine smile appeared on his lips. Ngayon niya lang kasi napagtanto na may 'cute' side din pala si Gord. Sukat ba naman na teddy bear ang tatak ng band aid na inilagay nito sa kaniyang daliri. Such a cute band aid.

Ng matapos titigan ang kaniyang daliri, bumalik ang kaniyang atensyon kay Gord, kung saan nagsisimula na itong magluto.

Lumapit siya sa binata at pinagmasdan niya ang ginagawa nito. "It looks nice."turan niya.

"For real, Yavier? I'm just starting."

"Ah," mangmang na pagsang-ayon niya. "still looks nice." papuri pa niya.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now