KABANATA 49

822 42 1
                                    

Kabanata 49

          PAMINSAN-MINSANG sumusulyap ng tingin si Brix kay Gord na ngayon ay nagmamaneho ng sasakyan nito. Nag-aalala siya sa mga pasa at natamong galos sa mukha ng binata sa pakikipag-bakbakan sa mga tauhang batid niyang ipinadala ng kaniyang mga magulang upang sumundo sa kaniya.

Mas lalong tumindi ang galit niya sa kaniyang mga magulang sa mga nakikitang pisikal na sakit na bumabakas sa binata. Mas lalong nararamdaman niyang tumitigas na ang pagmamahal niya para sa magulang. Mas lalong magmamatigas siya at hinding-hindi sasama sa mga 'yon! Never!

"Gord, ayos ka lang?" hindi na niya napigilan ang sarili kundi ang tanongin ito.

Sumulyap sa kaniya si Gord at gumuhit ang maliit na ngiti sa maliit na putok sa labi nito. "I'm okay, 'wag mo'kong alalahanin." Gord gave him a smile of assurance.

Pero talagang hindi siya makakampante. Naawa siya sa binata.

"I'm sorry.." naiwas niya ang tingin sa binata. "Kasalanan ito ng mga magulang ko. At ako na ang humihingi ng despensa sa'yo."

"It's okay, you don't need to say sorry. Kayang-kaya ko naman 'yung mga tauhan ng magulang mo 'e. Hangga't kaya kitang protektahan gagawin ko. Hinding-hindi kita ibibigay sa kanila para lang ipakasal ka sa iba." seryoso ang boses ng binata. Damang-dama niya ang sinseridad doon.

Walang ibang magawa si Brix kundi ang manahimik siya. He felt guilty. Nagi-guilty siya dahil kung hindi siya dumidikit kay Gord, hindi sana ito mapapahamak. Hindi sana ito madadamay sa dalang malas ng kaniyang buhay.

"Gord.," nakagat niya ang pang-ibabang labi, "I can protect myself—"

"And I can protect you too," sansala ni Gord sa iba pa niyang sasabihin, "Alam kong nagi-guilty ka na hindi mo dapat nararamdaman," tumingin ito sa dinaraanan nila bago muling tumingin sa kaniya. "Ginagawa ko ito dahil gusto ko. Pangako ko rin ito sa'yo. I'm just keeping my promise."

"But—"

"No, buts. Just let me keep my promise, will you?"

He blew a loud breath, "O-Okay, I will."

"Thank you," Gord said with a smile of relief, "you, relax and sleep. Mahaba-haba pa ang biyahe na'tin."

Napatango-tango na lang si Brix bilang sagot. Isinandal niya ang pinto sa upuan ng sasakyan at ipinikit ang kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung anong oras na, basta ang alam lang niya ay gabi pa.

Pasulyap-sulyap si Gord kay Brix at paminsan-minsan ay sumusulyap sa daan na kanilang tinatahak.

"Maghintay kalang ng ilang sandali, Brix. Hindi kana nila makukuha sa'kin. Wala ng p'wedeng makapag-hiwalay pa sa'tin."

Then, he continued driving..

"Brix, hey Brix. Wake up."

Naalimpungatan ni Brix ang boses ng binatang si Gord kaya siya'y nakagising sa himbing ng kaniyang tulog. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at doo'y malinaw niyang nakita ang mukha ng binatang si Gord na nakatingin sa kaniya at nakangiti.

Iginala niya ang tingin. "where are we?" tanong niya matapos magala ang paningin. Medyo maliwanag na rin ang lugar dahil sa papasikat na araw, kaya tanaw na niya iyon.

"My private and secured place. No one can trace us down. Come on out." lumayo ng konti si Gord sa pinto ng sasakyan upang bigyan siya ng daan upang makalabas.

Then he went out. Sinarado niya ang pinto ng sasakyan matapos niyang makalabas. Ginala niya ang tingin sa kabuuhan ng lugar.

A luxurious house with full of armored guards. May mga g'wardya sa malaking gate. At sa bungad ng bahay. Meron din siyang makikitang g'wardya na naglilibot sa paligid. Ahhh, right, so secured.

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonOnde as histórias ganham vida. Descobre agora