KATAPUSAN

595 25 10
                                    

Katapusan

         NAKA-UPO SI Gord sa isa sa mahabang upuan dito sa ospital, taas-baba ang pagkumpas ng kaniyang paa, tuliro ang isipan, at rumaragsa ang pawis sa kaniyang katawan. Hinihintay niyang lumabas sa loob ng dilivery room ang Doctor upang ibalita sa kaniya ang kalagayan ng kaniyang asawa.

Ito kasi ang araw kung saan isisilang na ang kaniyang anak. 'Yung anak niyang habang nasa loob pa lamang ito ng tiyan ng kaniyang asawa ay halos sobra-sobra na ang kaniyang ginagawang pag-aalaga. Gigising siya madalas tuwing madaling araw kapag nagising ang asawa. Mapupuyat sa mood nitong pabago-bago. Makakaramdam ng lungkot sa tuwing hindi siya pinapansin ng asawa. And now it's all worth it!

Kinakabahan na siya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya kapag nasilayan ang kaniyang anak.

Paulit-ulit ang pagsulyap ni Gord sa pinto ng dilivery room, nagbabaka sakali at naghihintay na bumukas iyon.

Like shit! Bakit ba naman kasi hindi siya p'wedeng pumasok sa loob? Hindi tuloy niya makita ang sitwasyon ng kaniyang asawa. Kung okay lang ba ito. Kung may masakit ba ito—shit!

Napapitlag si Gord ng pag-tayo ng marinig niya ang pag pihit ng bumubukas na pinto. Daglian niyang tinungo ang pinto kung saan lumabas doon ang Doctor.

"Bud? How was it? How's my hubby? Kamusta ang bata? Kamusta 'yung anak ko?" sunod-sunod niyang tanong sa Doctor na agad at malakas siyang binatukan.

Napalitan ng inis ang kaniyang mukha at matalim na tumitig sa kaniyang kaibigan. "Para saan 'yon? Gago ka!"

"Tanong ka ng tanong, 'eh 'yung mga gamit ng mga bata hindi mopa naiintindi. Kailangan ko 'yon!" anang Doctor hindi pinapansin ang kaniyang inis.

Agad namang bumalik sa wisyo si Gord at hindi magka-intindihang tinungo ang daan palabas ng ospital. Fuck shit! I almost forgot!

Kanina pa siya tambay doon ni hindi man lang niya naalalang kunin ang mga gamit ng bata sa loob ng kaniyang sasakyan. Stupid

Matapos niyang makuha ang mga gamit sa loob ng sasakyan ay muli siyang bumalik sa loob ng ospital. Agad niyang inabot sa kaibigan ang mga gamit na kakailanganin nito para sa kaniyang anak.

"Maghintay kana lang at ililipat namin ang iyong asawa sa reserved room niyo." Sabi ng Doctor at pinag sarhan agad siya ng pinto. Gusto pa sana niyang itanong kung ano ang kasarian ng kanilang anak ng asawa. His husband never told him before, isang surpresa daw nito iyon sa kaniya kaya ni minsan hindi niya nagawang malaman ang kasarian ng kaniyang anak.

Dahil doon ay nakalimutan na tuloy niya ang inis sa Doctor. Sukat ba namang batukan siya. Kung hindi lamang ito ang Doctor ng kaniyang asawa at ang asawa ng kaibigan niyang si Axll baka napatumba na niya ito sa suntok. Tch!

Naawang nilapitan ni Gord ang kaniyang asawa na nakahiga sa hospital bed matapos itong ilipat sa inukupa nilang silid dito sa ospital. Nakikita niya sa mukha ng kaniyang asawa ang panghihina nito at ang sakit na iniinda nito.

Agad niya itong nilapitan at umupo sa bangko na naroon. Kinapitan niya ang palad ng kaniyang asawa habang nakatingin dito.

"Are you okay, honey?" naaawang tanong niya. Kung p'wede lang niyang kunin ang sakit na nararamdaman nito ay baka nagawa na niya.

Tumaas ang palad ng kaniyang asawa at medyo malakas siyang kinaltukan sa ulo. Agad naman siyang napakamot sa ulo, nagtatakang tumingin sa kaniyang asawa. Dalawang beses na siyang nakaltukan ngayon ah!

"Para saan 'yon?" takadong tanong niya.

"Sa sunod ikaw naman ang bubuntisin ko. Ang sakit manganak ang sakit ng ginawa mo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Gangster's Lover: Series Book 9; Gord LyndonWhere stories live. Discover now