Chapter 69

256 7 0
                                    

ALTAIR

Tahimik lang ako sa aming paglalakad pabalik sa dorm habang si Eunice, panay tingin sa phone niya para tingnan ang mga litrato. Kaso napahinto kaming dalawa nang may tumawag sa kaniya.

"S-Sylvia," sambit ni Eunice.

"Ew. Esdeath pangalan ko," sabi ni Esdeath pagkalapit niya sa amin.

"Apelyido mo 'yan. Sylvia pangalan mo," sagot naman ni Eunice.

"Ew. No. No. Alam mo namang ayoko sa pangalan na yan diba? Magpapapalit na talaga ako ng pangalan sa susunod."

"Sus. Wala namang problema sa Sylvia."

Hindi na pinansin ni Esdeath ang sinabi ni Eunice nang madako ang tingin niya sa akin. "Hello, Altair. Congratulations nga pala. Ikaw ang representative ng Red Army."

Ngumiti ako. "Salamat. Congratulations din. Ikaw ang representative ng Crystal Army."

"Of course," with confidence niyang sagot.

"Bakit mo nga pala ako tinawag?" Tanong ni Eunice kay Esdeath.

"Oh. Sigurado naman akong narinig mo ang anunsyo kanina diba?"

Tumango si Eunice.

"Gusto kong i-plano na maging organize ang division natin sa pag-alis mamaya---just in case i-require sa atin na magkakasama dapat bawat division. Since ikaw ang una kong nakitang kadivision ko, ikaw na lang din ang makakatulong ko para mamaya."

Napakamot si Eunice sa ulo niya. "Kailangan pa ba?"

"Sabi ko pa kanina, just in case na i-require na dapat magkakasama ang bawat division para iwas hassle. Nakaka-stress kaya."

Napalingon ako sa paligid namin. May ilan akong nakikitang estudyante rito pero kukunti lang. Siguro ay pare-parehong nagsibalik na sa kanilang dorm.

Nadako ang paningin ko sa isang circle ng mga halaman. Natatanaw ko na may ilang army sa likod nito na tila nag-uusap-usap. Since hindi ganoong kataas at kakapal ang mga halaman na nandoon, natatanaw ko sila.

Napakagat ako sa labi ko dahil tila may nag-u-udyok sa akin na pumunta roon at makinig sa usapan. Baka makakuha ako ng iba pang impormasyon na konektado sa narinig ko kanina.

'Mali ang makinig sa usapan ng iba,' sabi ko sa isip ko.

Pero at the same time hindi matahimik ang isip ko sa mga nalalaman ko. Gusto ko pa ng ibang impormasyon.

Shemay. Bahala na nga. Basta gusto kong malaman ang totoo.

Habang busy sa pagsasalita si Esdeath, sumenyas ako kay Eunice na pupunta lang ako sa malapit. Pasimpleng tumango lang siya sa akin at nagpaalam ako kay Esdeath.

Saka ako simpleng lumapit sa may circle ng mga halaman kung saan may nakita akong ilang army. Nag-aalangan ako kaya huminto ako sandali.

Tama ba ginagawa ko? Aish. Parang ewan naman 'tong sarili ko. Bahala na talaga.

Dumeritso na ako at umupo sa isang bench. Pinakinggan ko ang tatlong army na nasa likod ng mga halaman.

Sa una, wala akong maintindihan. Parang ang tahimik lang kasi nila at kung magsasalita man sila, parang code lang.

Baka hindi nila pinag-uusapan ang tungkol sa Air Force?

Pasimple akong lumingon sa gawi nila. Nasa pagitan namin ang mga halaman pero nakikita ko sila ng maayos rito. Nakikita ko na may sinusulat ang isang lalaking army sa isang papel. Tatlo sila, puro lalaki ngunit mula sa iba't ibang army.

Elemental Gunji-teki AcademyWhere stories live. Discover now