Chapter 75

8.7K 196 18
                                    

THIRD PERSON


Makalipas ang ilang araw...

Sinunog ang mga labi ng mga nasawi sa labanan at dinala ang kanilang abo sa isang lugar. Sa isang malapit sa bangin. Sa ibaba nito ay ang malawak pang kagubatan. Dito rin matatanaw ang bawat paglubog ng araw.

Napakapayapa sa lugar na ito. Tila lahat ng problema ay gagaan. Magaan sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Rinig ang huni ng mga ibon at pagaspas ng mga dahon ng mga puno tuwing dadaan ang hangin.

Inilibing ang mga abo ng mga nasawi rito. Ngayon ay napapalibutan ng mga nagluluksang army at mga estudyante. Tahimik silang lahat.

Hindi mangangalahati ang mga nakaligtas na mga army sa naganap na labanan. Mula sa siyam na commander na lumaban, apat sa kanila ang natagpuang kaya pang mailigtas mula sa bingit ng kamatayan. Ngunit isa sa kanila ang hindi rin nagtagal at binawian ng buhay. Sa makatotal ay tatlong commander lang ang naka-survive.

May ilan pang Medication Army ang pinilit na marevive ang ilang army na natatagpuan nila, ngunit karamihan ay hindi na talaga.

Samantala, nandito rin ngayon ang Royal Army. Hindi sila kasali sa digmaan at sinasabing kumalas na sila sa samahang Elemental Army ngunit lubhang naapektuhan din sila lalo na si Commander Hideo. Mga kaibigan niya ang nasawi. Habang si Commander Shin at Commander Leon ang tinuturing niyang matalik na kaibigan. Bilang isang kaibigan, nais pa rin niyang maihatid at makapagpaalam sa kanila sa pinakahuling pagkakataon.

"Huwag kayong mag-alala," biglang sambit ng heneral sa mga nilibing na mga abo. "Ligtas ang mga susunod na henerasyon ng army. Nagtagumpay tayo---kayo."

"Humanda sa huling pagsaludo!" Sigaw ng lieutenant ng Gold Army.

Sabay-sabay na tumindig ng maayos ang lahat ng mga army at sabay-sabay ring nag-salute.

"Sana ay maging payapa na kayo. Maraming salamat sa inyong tapang at galing," huling sambit ng heneral at sumunod na ang ilang sunod-sunod na putok na likha mula sa ilang army na may sandatang baril.

Sa pag-salute ng mga army, kasabay nito ang pag-iyak ng karamihan.

May limang Green Army ang ginamit ang kanilang kapangyarihan para balutin sa mga bulaklak ang mga nilibingan.

Nanatili sandali ang ilang grupo ng army. Habang ang iba kagaya ng Medication Army ay agad ding bumalik para ipagpatuloy ang panggagamot sa mga sugatan at sa mga kritikal pa rin ang kalagayan.

EUNICE

Pinahid ko ang mga luha ko dahil sa kakaiyak. Sumama ako sa paghahatid sa mga abo ng mga nasawi. Pero agad din akong babalik sa EAMC kasama ang ilang estudyante na sumama rin dito. Hihintayin ko naman si Altair na maging maayos at payagan na kaming makabisita at makausap siya.

Habang papaalis na ang ilang army, agad kong hinanap ang Royal Army. Nang mahanap ko ang grupo, hinanap ko sa kanila si Lucian.

"Lucian!" Tawag ko sa kaniya nang makita ko na siya. Syempre makikilala ko siya dahil nasa grupo siya ng Royal Army.

Lumingon siya sa gawi ko. Luh. Ang seryoso naman ng taong 'to.

Lumapit ako sa kaniya. "Heto nga pala jacket mo." Inabot ko sa kaniya ang jacket niya.

Napag-alaman ko rin kasi na pupunta sila rito kaya dinala ko na rin ang jacket niya.

Sandali siyang napatitig sa jacket at saka niya kinuha sa akin.

"Pinapabalik ni Altair sayo," sabi ko.

"Nasaan siya?"

"H-Hindi ko pa siya nakakamusta e."

Napakunot siya ng noo niya. Ay teka. Hindi pa ba niya alam? Ay oo nga pala. Hindi na sila kasapi sa Elemental Army kaya malamang may mga bagay na nahuhuli sila malaman.

"Uhm... Ano kasi. Pumuslit si Altair na manatili sa EGA kung saan naganap yung laban. Tapos ayon, sumama siya sa pakikipaglaban. Sa katunayan nga isiniksik niya iyang jacket mo sa dala kong gamit nang hindi ko nalalaman. May inilagay lang siyang sulat na isauli ko sa iyo. Hindi ko alam na hindi pala siya sumama sa amin papuntang EAMC," paliwanag ko.

"Ano? Ano ang lagay niya ngayon? Ligtas naman siya diba?" Parang bigla siyang nataranta.

"Oo. Ligtas siya. Ginagamot siya sa ngayon. Mahigpit pa ang mga medication army sa lahat ng mga nakaligtas. Hindi pa kami pinapayagan na makausap sila."

Wait. Sa pagkakaalala ko, medyo englishero itong si Lucian e. Parang purong tagalog na siya ngayon ah.

Napatango siya. "Ibig sabihin siya pala ang sinasabing pumuslit na estudyante sa EGA."

Tumango ako. "Oo."

"Sabi ko sa kaniya dapat mag-ingat siya. Tss," aniya.

Eh? Hmm. Parang may something sa kaniya---I mean sa kanilang dalawa ni Altair. Pero si Altair at Lucas diba?

Aish! Ano ba itong iniisip ko! Hindi ito ang time para sa ganun.

Napalingon ako sa mga kasama kong estudyante.

"Ah sige, Lucian. Mauna na ako ha," paalam ko.

Tumango siya bilang tugon. "Ikumusta mo na lang ako kay Altair."

"Sige."

Agad akong tumakbo patungo sa mga kasamahan ko para bumalik na.

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon