Chapter 21

8.3K 265 30
                                    

ALTAIR

"Mauuna ka na naman?" Tanong sa akin ni Eunice.

"Oo. Bawal ma-late sa amin. Kaya asahan mo na lang na hindi talaga tayo magkakasabay sa pagpasok," sagot ko habang nagsusuot ng sapatos.

Napasimangot na lang siya.

Nang nakahanda na ako, nagpaalam na ako kay Eunice at saka umalis.

Medyo madilim-dilim pa ang paligid. Masyado ata akong maagang papasok ngayon? Pero mabuti na rin ito kaysa sa umagang-umaga tumatakbo ako dahil nala-late na ako.

Since umaga pa lang naman, nag-observe lang muna ako sa paligid. Nang makapasok na ako sa Trainee Section, medyo humihinto ako sa bawat division na madadaanan ko. Hanggang sa makarating na ako sa Royal Army Division.

Pagkatingin ko sa building ng Royal Army Division, tila nag-flash ang mukha ni Lucian sa isip ko.

Naku naman! Erase-erase! Bakit na naman nasagi sa isip ko yung Lucian na yun? Kainis na siya!

At ngayon naman, bigla ko naalala ang sulat na ipinadala niya sakin. Kinuha ko ang sulat sa bulsa ko. Dito ko kasi yun nilagay kagabi eh. Muli ko itong binasa. Baka kasi hindi tama ang pagkakabasa ko kagabi.

"Aha!"

Napatalon ako ng dahil sa gulat.

Paglingon ko sa likod, bumulaga ang nakangising si... for sure si Lucius ito.

Naku po! N-nabasa niya?

"Ano n-na naman?" Tanong ko at agad na ibinulsa ang sulat.

Nag-cross arms siya.

"Hmm. Nagmamaang-maangan ka pa nitong mga nakaraan, Miss Altair. I caught you off guard. May relationship nga kayong dalawa ni Lucian," sabi niya.

Off guard? Aish. Relationship daw. Kainis!

"Tigilan mo nga ako sa relationship na yan! Hindi ko type yung mga gaya ni Lucian!" Inis kong sabi.

"Hindi mo type? Talaga? Tsk tsk. Wag ka nang mag-deny. Iba talaga ang long distance relationship," pailing-iling niyang sabi.

My gosh! Long distance relationship daw? Argh!

"Tss. Tumigil ka nga Lucius. Nakaka-bwesit na. Hindi ko inasahan na sumulat kambal mo sa akin. Pero hindi ko type si Lucian, okay?"

"Eh sino type mo? Si Lucas?"

Natigilan naman ako sa tanong niya. Teka. Uhm...

No no no!

"Hindi."

"Oh? Eh sino type mo?"

Hindi ako nakasagot agad. Para kasing may bigla akong naisip.

Nakatitig lang ako sa kaniya. Habang siya, nagpakurap-kurap at talagang hinihintay niya ang sagot ko.

"Ikaw," seryoso kong sabi.

Tila natigilan naman siya. Hindi siya nakapag salita.

'Oo. Type nga kita... Type kong suntukin at ihagis sa inis!' dugtong ko sa isip ko habang seryoso pa ring nakatingin sa kaniya.

Hindi pa rin siya nagsasalita at nakatitig lang sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa ako.

"B-bakit ka tumatawa?" Tanong niya.

"Hahaha. Assuming! Hindi kita type," sabi ko at kumaripas ng takbo.

Iniwan ko siya na tila lutang. Bahala siya dun. Hahaha. Asa siya. Sa pang-aasar niya sa akin, hindi ko siya magiging type no.

Pagkarating ko sa division ko, nagpigil muna ako ng tawa. Grabe kasi! First time ko siyang makikitang natigilan nang ganun. Yung tipo na hindi makapaniwala. Hahaha.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon