Chapter 67

8.1K 163 12
                                    

ALTAIR

Nang tuluyan akong maiwan mag-isa, napatingin ako sa baba. Nandoon pa rin ang karamihang studyante. Bukas na rin ang mga ilaw dito sa buong arena.

'Nasaan na kaya si Eunice?' Tanong ko sa isip ko.

Kaso hindi ko siya mahagilap sa paningin ko. Mauna na lang kaya akong bumalik sa dorm?

Umupo muna ako saglit. Kaso hindi ko talaga makita si Eunice sa baba. Ang gulo kasi sa paningin.

Naglakad na lang ako palabas ng arena para umuwi na lang sa dorm.

Pagkalabas ko sa arena, nadaanan ko ang ilang division. May ilaw naman dito sa dinadaanan ko. May ilang estudyante akong nakakasalubong na bumabalik sa arena.

Makakalabas na sana ako ng Trainee section nang may marinig akong nag-uusap na dalawang boses lalaki.

"Naku. Ibig sabihin, ita-transfer ng gabi ang mga estudyante sa Elemental Army Main Campus?"

Bigla akng napahinto sa paglalakad.

"Oo e. Tapos hindi nila sasabihin ang tunay na dahilan. Magpapalusot lang sila upang hindi mag-panic ang mga estudyante at matuloy ang moving up nila."

Nilingon ko kung saan nanggagaling ang naguusap. Nasa madilim nila na parte dito sa bungad ng Trainee Section dahil may tila isa o dalawang bumbilya ang hindi umiilaw.

Naalarma ako nang maaninag kong patungo sila sa deriksyon ko kaya nagkunwari ako na nagsisintas ng sapatos.

Nakita ko sa peripheral view ko na ang dalawang lalaki ay mga army. Ang isa ay Red Army samantala ang isa ay mula sa Green Army. Naaninag ko sila dahil natamaan na sila ng ilaw. Deri-deritso lang sila sa paglalakad palayo at tila hindi ako napansin.

Tumayo ulit ako.

Ita-transfer kami? Hindi raw sasabihin ang tunay na dahilan?

Anong meron? May masama bang mangyayari na inaasahan?

Bigla kong naalala ang sinabi ni Lucian kanina sa akin. Konektado kaya sila?

Tsk. Nagiging chismosa na ako. Bahala na nga yan!

***

Kinabukasan...

"Good morning, representative ng Red Army!" Bungad sa akin ni Eunice pagkagising ko.

Napangiti ako at saka nag-inat-inat.

Tumungo muna si Eunice sa bintana para buksan ito.

Saktong may kumatok naman sa pinto. Dali-daling tumungo si Eunice doon at saka binuksan.

"Nandito ba sa Altair Chancelor?" Rinig kong tanong ng isang boses lalaki.

Napaupo ako agad sa higaan ko.

"Nandito po. Teka lang po," ani Eunice at saka tinawag ako. "Altair, may naghahanap sayo."

"Ah s-sige. Teka lang."

Dali-dali akong bumaba sa higaan ko at mabilis na inayos sarili ko.

Shemay. Yung buhok ko.

Pero hindi na lang ako nagsuklay. Hinawi ko na lang ang buhok ko at tumungo ako agad sa pinto.

"Pasensiya na. Kagigising pa lang kasi niya," ani Eunice.

Ngumiti ang lalaking Red Army na nasa pintuan. "Ayos lang. Naparito lang ako para sabihin na gusto kang makausap ng commander. Nasa Red Army Division siya ngayon. Sa ikalawang palapag ng building. Sa kaliwang side na silid. Yun ang opisina ng commander."

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon