Chapter 10

10.3K 272 5
                                    

ALTAIR

Nakasunod lang ako kay Lucian. Sabi niya kasi kanina na ihahatid niya ako papunta sa building ng dorm ko. Ibang building kasi ang dorm ng mga lalaki.

Tahimik lang kaming dalawa. Iniiwasan ko rin naman na magsalita.

Habang naglalakad, palinga-linga ako sa paligid hanggang sa may nahagip ang aking mga mata. Sa di kalayuan, nakita ko ang isa sa mga kambal ni Lucian na nakatayo at nakatingin sa amin ng seryoso. Hindi natanggal ang tingn ko sa kakambal ni Lucian habang patuloy na naglalakad. Iniisip ko rin kasi kung sino ba siya---kung si Lucas ba o si Lucius.

Napahinto ako bigla nang bumangga ako sa likod ni Lucian. Bigla kasi siyang huminto. Pagkalingon ko sa kaniya, nakatingin din siya sa kakambal niya sa di kalayuan.

"It's Lucius," aniya.

Napakurap ako saglit at muling napalingon sa kakambal niya. Umirap siya sa amin at saka tumalikod at naglakad palayo.

Aish. Problema nun?

Nang maglakad nang muli si Lucian, agad akong sumunod.

Pagkabalik ko sa dorm, naabutan ko si Eunice na kumakain.

"Oh, Altair. Tapos na yung meeting niyo?" Tila nagtatakang tanong sa akin ni Eunice.

"Eh nagkaroon kasi ng emergency meeting yung mga teachers," sabi ko habang nagtatanggal ng sapatos.

"Ganun ba? Ah. Heto. Kain ka na lang," yaya niya sa akin.

Ngumiti ako at tumango.

***

"Kyaaah!"

Napabalikwas ako sa kama ng marinig ko ang sigaw ni Eunice mula sa CR. Tumakbo ako sa tapat ng nakasarang pinto nito.

"Anong nangyari? Ayos ka lang diyan?" Taranta kong tanong habang kinakatok ang pinto.

"O-Oo. Ayos lang ako!" sigaw ni Eunice mula sa loob.

"Eh bakit ka sumigaw?"

Hindi siya sumagot pero biglang nagbukas ang pinto at lumabas siya ng nakangiti. Naka tapis nga lang siya ng tuwalya tapos may bula pa yung ulo niya.

"Anong nginingiti-ngiti mo?" Nagtataka ko ngayong tanong.

Hindi ulit siya sumagot. Dumeritso siya sa pagkuha ng isang basong tubig. Ako naman, nakasunod lang sa kaniya. Hindi ko alam kung anong gagawin niya. Hindi rin naman siya nagsasalita.

Ipinakita niya sa akin ang baso na may lamang tubig. "Watch and learn," aniya.

Napataas ako ng kilay ko sa sinabi niya.

Isinawsaw niya ang isa niyang daliri sa tubig na nasa baso.

Una, hindi ko maintindihan. Pero nakita ko na unti-unting nag ye-yelo ang tubig. Hanggang sa naging yelo na nga ito totally. Halos nga pati ang baso maging yelo.

"Woah! May kapangyarihan ka na? Kailan pa?" Mangha kong tanong.

"Ngayon lang! Nung napasigaw ako sa banyo!"

"Talaga?"

"Oo. Eh nung nag sha-shampoo ako, napansin ko yung tubig na nasa paanan ko. Nagiging yelo kasi siya. Tapos, nung binuksan ko yung shower yung tubig na dumadampi sa palad ko, nagiging yelo ito pag bumabagsak na sa may paa ko. Tingnan mo," bigla niya akong hinila papasok sa banyo.

Napanganga ako ng makita ang sahig ng banyo namin na nagye-yelo.

"Kapag umakyat sa pader iyang yelong 'yan, magmu-mukhang freezer itong CR natin", iyon na lang ang nasabi ko.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon