Chapter 24

7.9K 244 17
                                    

ALTAIR

Pupunta ba ako o hindi?

Ahm... Pupunta na lang. Total ay matagal na rin na hindi kami nagkita---ay matagal nga ba? Ah basta.

Pupunta na lang ako. Parang na miss ko ganun? Ay no no no! Isang malaking NO. Basta.

Naglakad na ako palabas ng Trainee Section at tinungo ang dating classroom namin.

Nakakamiss din naman pala rito---yung araw-araw na pagpunta ko rito noon kahit hindi naman halos nag-isang taon.

Ako lang ata nandito sa building na ito ang naglalakad. Mabuti na lang at hindi gabi kaya hindi nakakatakot.

Pagkatapat ko sa pinto ng dati kong classroom, huminga muna ako ng malalim. Medyo nakakakaba e. Kung ano-ano na ang nasa isip ko na gagawin ko kung sakali makita ko na ulit si Lucian.

Hinawakan ko na ang doorknob at pinihit ito. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto papasok hanggang sa tuluyan na itong naka-bukas.

Nakita ko na nakaupo siya sa swivel chair na kapares ng teacher's table. Nakatalikod siya at dahan-dahang umikot para humarap sakin. Nakasuot siya ng uniform dito sa Elemental Gunji-teki Academy at pinatungan lang ng kulay abong jacket.

Ngayon ko lang napansin: maliban sa nakaka-intimidate na aura niya, mas ma-appeal siya sa dalawa pa niyang kambal at mas gwap— aish! Bakit ko ba pinapansin yan?

Nagkatitigan lang kami. Pero ako ang unang bumawi. Ang awkward kasi.

"Gusto mo raw akong makausap," naiilang kong sabi at nakatingin sa malayo.

“Yeah,” cold niyang sagot.

Medyo nanlamig ako nang marinig ko ulit boses niya ngayon. Uh.

“Naabala ba kita?” Tanong niya.

‘Oo,’ sagot ko sa isip ko pero umiling ako sa kaniya. “H-Hindi,” sagot ko sa kaniya.

Magkaiba ang sagot ko sa isip ko at sa sinabi ko. Parang gusto ko na lang bumalik sa dorm ko.

“May training ka ba ngayon?” Sunod niyang tanong.

Umiling ulit ako. ‘Suspended ako e,’ sagot ko isip ko.

“Tama pala ang timing ko,” aniya.

‘Hindi. Dapat kasi hindi ka na pumunta rito,’ sabi ko sa isip ko.

“Have a sit.”

Tumango ako. Umupo ako sa isang armchair na malapit lang dito sa pinto. Para madaling tumakbo palabas---joke.

"How are you?" Tanong niya.

"A-Ayos lang. I-Ikaw?"

"I'm fine too."

Tapos wala na. Tahimik na. Titig na titig siya sakin. Habang ako, naiilang kaya nakatingin lang ako sa ibang deriksyon.

Mga ilang minuto pa ang dumaan at ganun pa rin. Parang gusto ko nang maging invisible. Eh sa mga titig niya na parang nakadikit na sa akin. Nakakailang na.

“Uhm… Bakit mo nga pala ako pinapunta rito? I mean, biglang bisita ka ata rito,” basag ko sa katahimikan.

“Wala lang,” sagot niya.

Ay? Trip-trip lang?

“I just want to see you,” pagpapatuloy niya.

Napatingin ako ng deritso sa kaniya pero agad ko ring binawi. Parang gusto kong ngumiti pero hindi pwede. Pinigilan ko ang sarili ko na ngumiti. Kinikilig na ba ako?

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon