Chapter 29

7K 205 9
                                    

ALTAIR

Purong itim ang suot ng kaharap ko ngayon. From shirt, pants to shoes.

"Lucius?" Paninigurado ko.

"Ano?" Pagsusungit niya.

"Hay salamat. Mabuti naman at nakita kita,” tila nabunutan ako ng tinik. “Bakit ka nakasuot ng purong itim?" Tanong ko.

"Pakialam mo." Ay so ganun? Sungit niya. "Tss. Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakalabas sa campus?" Pagtatanong niya.

"Hinahanap ka namin ni Lucas."

"Tsk. Hinahanap? Para ano? Pagtawanan mo ulit?" Pagalit niyang tanong.

"Huh? H-hindi ah! Nag-aalala kasi sayo si Lucas."

"Nag-aalala sakin si Lucas? So hindi ka nag-aalala sakin?"

"Syempre. Nag aal---" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Syempre. Nag-aalala ka na lang,” aniya na tila ginagaya ako sa tono niya. Napatingin siya sa oso na nakahandusay. “Ikaw ba may gawa nito?”

Agad akong umiling. “Hindi. Yung lalaking nagligtas sa akin. Hinahabol kasi ako niyan.”

“Sino?”

“Jerson Redfox. Kaso umalis na siya.”

Napakunot siya ng noo niya. Napalingon siya ulit sa oso. “Hinahabol ka nito?”

“Oo. Kamuntikan pa nga ako niyan masaktan ng tuluyan e. Mabuti na lang may nagligtas sa akin.”

Liningon niya akong muli. “Tss. Yan kasi. Labas pa. Paano na lang kaya kung natuluyan ka no? Mas malaking problema.”

Pinapagalitan niya ba ako? “Ikaw nga itong unang lumabas e.”

“Oh tapos? Dapat kasi hinayaan niyo na lang ako.”

“Nag-aalala nga si Lucas sayo.”

“Nye nye.” Inirapan niya ako. “Alam mo ba kung bakit ako umalis sa campus?"

Hindi ako nagsalita.

"Dahil nasaktan ako sa respond mo kahapon! Pinagtawanan mo lang ako. Lumabas ako ng campus para magpahangin, na sana makalimutan ko na lang ang tungkol kahapon. Nakakainis ka, Altair!" Sabay tadyak ng kanyang kanang paa. Kagaya kahapon. Parang batang iiyak na.

Napakagat na lang ako ng lower lip ko dahil napapangiti ako dahil sa ang cute niyang magdabog. Nang makita niya akong nagpipigil na ngumiti, bigla niya akong tinuro. "Oh tingnan mo! Oh! Tatawa ka na naman! Nakakainis ka na talaga!" Sabi niya tapos tumalikod na siya sakin at naglakad palayo.

"L-Lucius! Sorry. Hindi na ako tatawa," sabi ko at hinabol siya. Baka mawala na naman sa paningin ko ito. Mahihirapan na naman kaming hanapin.

"Bahala ka!" Hindi niya ako nililingon at deritso lang sa paglalakad.

"Eh? Sorry na! Please. Hindi na talaga ako tatawa. Promise!"

"Ayoko sa sorry mo!"

Aish! Pa-hard to get.

"Sorry na talaga, Lucius."

"Ayoko!" Mas binilisan pa niya ang pag lalakad kaya binilisan ko rin ang paglalakad para masundan siya. Actually parang tumatakbo na ako. May pagkabagal kasi ako ngayon dahil medyo napapagod pa rin ako dahil kanina.

"Uy! Lucius! Sorry na talaga!"

"Tsk. Ayoko nga sa sorry mo!"

Nakakainis naman oh.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon