Chapter 16

9.7K 271 2
                                    

ALTAIR

"Halika na. Naghihintay na ang iba pang studyante," sabi niya --- yung babae na lumapit sakin.

Ngumiti ako sa kanya.

Tumalikod siya sakin at naglakad muli papasok sa division. Sinundan ko lang siya. Pumasok kami sa building kasama ang mga studyante na papasok na rin.

Napa-wow ako sa isip ko dahil sa luwag ng loob. Isang hall. Kagaya ng nasa labas, litaw parin rito ang kulay flaming red. Mayroong intablado rito. May double door naman sa kanan at sa kaliwang side sa hall na ito.

Nandito na rin ang mga estudyante na mga magiging kaklase ko.

"Maiwan muna kita rito," malumay na sabi nung babae.

Tumango lang ako sa kanya at pinagmasdan siya habang papalayo.

"Good morning, students!"

Biglang may nagsalita mula sa speakers sa stage. Lumingon ako dun. Isang babae na masasabi ko na may edad na ang nakatayo sa stage at may hawak na microphone.

"Welcome to Red Army Division! Ngayong araw na magsisimula ang pangalawang kabanata ng mga katatapos pa lang na freshmen. Kayo ay makikipag sabayan sa pagsasanay sa mga nasa ikalawang taon na. Kaya ngayon, marami-rami na kayo rito sa division. 51% sa buong bilang ninyo na narito sa division ay ang mga dating nasa ikalawang taon at 49% ay ang mga bago. Kaya apat kaming mga guro na mag hahandle sa inyo," pagpapatuloy nung nasa stage.

Apat lang ang guro namin? Sa nakikita ko rito ngayon sa hall, marami kaming estudyante. Kung hahatiin ang bilang namin sa apat, parang masyadong marami ang ihahandle ng bawat guro.

"Ngayon ay magtataka kayo kung bakit apat lang ang guro. Huwag kayong mag-alala, sinadya namin na apat lang ang magiging guro dahil sila ang malalakas at mas marami ang experience bilang Red Army na mga guro. Pero binabalaan ko kayo: hindi porket apat lang ang guro, makakalusot na kayo sa kung ano mang kalokohan ninyo. Madidisiplina pa rin namin kayo. Baka nga mas maging strict kami ngayon sa mga protocols para maturuan kayo," huminto muna siya sa pagsasalita. "By the way, hindi pa pala ako nakakpagpakilala sa inyo. Ako nga pala si Loida Paler ang isa sa mga guro ninyo at ako'y nagagalak na ipinapakilala sa inyo ang tatlo pang guro dito sa Red Army Division: sila Sir Leo Varra, Sir Nelson Cha, Ma'am Victoria Reyes."

Sabay sa pagbanggit ng pangalan ang pag-akyat sa stage ng mga guro. Medyo may edad na rin sila. Si Ma'am Victoria Reyes na magiging adviser ko ay may mahabang puting buhok na umabot sa bewang niya. Pero dama ko na malakas pa ang pangangatawan niya.

"Siguro naman ay alam na ninyo kung sino ang magiging guro niyo kaya lahat ng mga studyante na under at maa-under kay Sir Leo Varra ay pumunta sa may left side," utos ni Ma'am Loida.

May mga studyante ang pumunta sa may left side.

"Para sa mga students na ang magiging adviser ay si Ma'am Victoria Reyes, gather at the center."

At ganun nga ang nangyari. Pero may napansin naman ako sa grupo namin. May familiar na mukha. Pasimple akong lumapit sa gawi ng pamilyar sa akin para makilala ko kung sino.

"Agatha?"

Lumingon siya sakin. Una, parang hindi niya ako nakikilala. Pero 'di nagtagal, napangiti siya.

"Altair? Woah!" Halos patalon niya akong nilapitan. "Apoy din pala kapangyarihan mo. Yehey!"

"Haha. Mabuti na lang nandito ka. Hindi ako ma o-op rito," natatawa kong sabi.

"Good luck students," ani Ma'am Loida matapos niyang mabanggit pa isa pang guro at sa magiging mga estudyante niya. Saka siya umalis sa entablado kasama na ang tatlo pang guro para puntahan ang kani-kanilang mga magiging estudyante.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon