Chapter 36

7K 196 7
                                    

ALTAIR

Medyo naka-recover na kaming tatlo. Although nakakaramdam pa ako ng panghihina pero kaya ko nang makatayo ngayon.

“Altair!” Boses ni Eunice iyon.

Hinanap ko kung nasaan siya. Nang makita ko siya at nakalapit na siya sa akin, agad niya akong yinakap. “Buti naman at ligtas ka,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Eunice ng kumalas siya sa pagkakayakap sakin.

"Pati rin ikaw."

Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Pinagpag niya ang dumi sa mga balikat ko.

“Ayos ka lang ba talaga?” Tanong niya.

“Uh. May nakalaban kaming isang Air Force. Tumulong kasi kami.”

“Kami? Sino ang mga nakasama mo? Kaklase mo?”

Umiling ako. “Taga-Lucent Army Division sila dahil kidlat yung kapangyarihan nila. Ayon nga sila oh,” itinuro ko ang mga nakasama ko kanina. Kasama nila ngayon mga kaklase nila.

“Tsaka tumulong kayo na makalaban?” tanong pa ni Eunice.

Liningon ko siya. “Oo. Nawalan nga ako agad ng lakas kanina.”

Magre-react n asana siya pero inunahan ko na. “Pero huwag kang mag-alala. Heto na nga ako sa harapan mo e. Maayos na ako dahil may mga nagvolunteer na mga estudyanteng healer.”

Ngumiti siya.

“Sa inyo ba? May Air Force din?” Tanong ko.

Umiling siya. “Pero nakikita namin ang pader na nasa side ninyo na may nangyayari. Tapos mayamaya, dumating ang mga guro na pinapaalis ang lahat ng mga estudyante sa Trainee Section dahil may umaataking Air Force sa may linya ng Green Army Division hanggang sa may Lucent Army Division. Yun ang part ng division ninyo.”

Napatango ako. Sa side lang namin ang merong umatake.

Naagaw ang atensyon namin ni Eunice dahil sa biglang may nagsalita gamit ang megaphone. "Mga estudyante ng Elemental Gunji-teki Academy, magtipon-tipon kayo ngayon sa quadrangle. Inuulit ko: Mga estudyante ng Elemental Gunji-teki Academy, magtipon-tipon kayong lahat sa quadrangle. Ngayon na."

Agad namang nagsikilos ang mga estudyante papunta sa quadrangle. Kaya sumunod naman kami ni Eunice.

Pagkarating namin sa quadrangle, bumungad sa amin ang ilang takot na mga estudyante. Nakita namin na may umiiyak, naginginig sa takot at may mga galos.

"Katakot naman," rinig kong komento ni Eunice habang pinagmamasdan namin ang iba pang estudyante.

“Lahat ng estudyante, manatili muna kayong lahat dito. Maghintay sa susunod na anunsiyo. Narito ang mga ilang guro at army para bantayan at masiguro ang kaligtasan ninyong lahat.”

Maraming estudyante ang umupo lang muna sa semento.

“Anong nangyari?” Napalingon kami ni Eunice sa may nagtanong.

Sa di kalayuan, nakita namin ang isang babaeng estudyante na nanginginig at maraming galos. Nakaalalay naman sa kaniya ang siguro ay kaklase niya. Kaharap nila ang isang guro.

“Kanina po kasi nung nagkakatakbuhan palabas ng Trainee Section, natumba siya. Sa dami ng mga estudyante na nagpa-panic, naapakan na siya ng ilan,” sagot ng nakaalalay na estudyante.

“Sige sige. Relax ka muna, hija. Gagamutin kita, okay?” Ani ng guro at inilapat niya ang isa niyang palad sa noo ng estudyante.

Napakapit sa braso ko si Eunice.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon