Chapter 7

10.3K 291 7
                                    

ALTAIR

Kasalukuyan na kaming nag papahinga dito sa plaza. Katatapos pa lang kasi ng training namin. Pero good news na ibang iba na ang pangangatawan namin ngayon. Hindi na kasi kami gumagapang sa sakit ng katawan. Hindi gaya nung unang araw pa lang namin na training. Mas magaan na rin katawan ko ngayon.

"Water?" Sabay abot ni Lucas ng isang baso ng tubig.

"Thanks." At saka ko kinuha.

"Kita ko na ang improvement sayo," nakangitng umupo sa tabi ko si Lucas.

Napangiti naman ako. "Salamat."

"Haay naku! Ang bagal mo na nga, ang tanga mo pa!" Biglang sigaw ni Rex kay Rusty kaya na agaw ang atensyon namin sa kanila.

"Wow! Nag salita ang magaling! Bakit ba kasi ako pa ang inutusan mo kung magrereklamo ka sa pagiging mabagal at pagiging tanga ko?" Pabalik na sigaw ni Rusty kay Rex.

"Eh sa gusto ko lang. At isa pa, nakakairita ang pag mumukha mo!" Dinuduro duro pa ni Rex si Rusty.

Wala si sir. Umalis pagkatapos ng training.

"Wag mo nga akong maduro-duro! Nakakadiri yang kamay mo!"

"Wow! Ako pa talaga ang nakaka diri? Eh ikaw nga dapat ang nakakadiri eh! Pangalan mo pa lang, kalawangin na!"

Mukhang hindi na nakatiis si Rusty kaya tinulak niya si Rex na saktong dumadaan sa likod nito si Miku. Kaya natumba silang dalawa.

Wala naman kasing balak na may mamagitan sa dalawa dahil pare-parehong pagod.

"Aray ko!" Reklamo ni Miku at tumayo.

Ngunit parang walang narinig ang dalawa. Deri-deritso lang sa pag babangayan.

"Hoy! Nakakairita na kayo ha!" Sigaw ni Miku.

Pero hindi siya ulit pinansin. Kita ko ang pagkairita niya dahil sa namumula na siya.

"Bulok ka pa la eh!" Sigaw ni Rex kay Rusty.

"Baliw ka naman," sigaw ni Rusty kay Rex.

"Sabing... tama... NAAA!" Isinigaw ni Miku ang inis sa dalawa.

Napatakip kami bigla ng aming tenga gamit ang aming mga palad dahil biglang tuminis ang boses niya at ang lakas. Masakit sa tenga. Nahagis naman palayo ang dalawang nagbabangayan kanina.

"Wow!"

Napalingon naman kami dun sa nag salita at pumalakpak ng mahina.

Si Sir Aaron. Nag lalakad siya papalapit kay Miku.

"S-sir. Ano pong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Miku.

"Wag kang matakot. Gagamotin din sila. Basta ang mahalaga ay gumising na ang iyong kapangyarihan," nakangiting sabi ni Sir.

"Eh sir, anong kapangyarihan yun? Ang lakas ng boses. Wala pa kasing ganon sa klase namin eh," singit ni Mariz.

"Tinatawag yun na chant magic. Ang lakas na gamit rito ay ang boses mo. Ang Chant Army ang naghahandle sa mga gaya ni Miku. Karaniwang mga kumakanta ang myembro rito," paliwanag ni Sir kay Mariz.

"Wow. Ang cool," sabi ko sa sarili ko. Mga singer pala sa Chant Army.

"May bagong gising na kapangyarihan sa inyo. Sa ngayon, pahinga naman kayo," sabi ni sir samin.

Hinanap ko agad si Eunice.

"Eunice, mauna ka na muna sa dorm. May pupuntahan lang ako," sabi ko kay Eunice.

"Ganun ba? Oh sige. Balik ka agad sa dorm ha?"

Tumango naman ako at nag simula na sa paglalakad.

Tinahak ko ang daan tungo sa room namin. Nandun pa kasi yung gamit ko.

Nang makapasok ako sa room, napakatahimik. Tanging sapatos ko lang ang maririnig. Kaya nagmadali akong kunin ang gamit ko at patakbong tinungo ang pintuan para makalabas na sa room.

"Ay susme!" Halos mapatalon ako pabalik sa loob ng classroom nang biglang sumulpot sa pintuan ang isa sa mga Imperial.

Sino to? Lucas? Lucian? Lucius? Ang seryoso lang niya kasi at tila hindi man lang nabigla. Ay wait...

"L-Lucian?" Paninigurado ko.

"Hmm?"

Jusmeyo. Kinabahan ako bigla. Kailangan kong umalis na agad.

Mage-excuse na sana ako para umalis nang tawagin niya pangalan ko. "Altair."

"U-uhm... Ba-bakit?" Kabado kong tanong.

"Gusto ko sana na ikaw ang isama ko sa meeting."

"H-Ha?"

"May meeting sa Conference Hall ang mga class president at kailangan ng may makakasama," cold niyang sabi.

Yan yung sabi ni sir kanina.

"Ikaw ang napili kong isama," dagdag pa niya.

Ano?! Susme.

"Eh si L-Lucius? Siya vice-president diba?" Pasimple kong tanggi.

"Alam kong hindi siya papayag. May iba siyang mundo."

"S-Si Lucas? Papayag naman siya s-siguro."

Mabait si Lucas. Sasamahan siya nun for sure. Tsaka kambal pa niya kaya hindi pwede humindi yun.

"May gagawin siyang importante sa araw na iyan." Bumuntonghinga siya. "Pero ayos lang kung ayaw mo or may gagawin ka ring importante sa Saturday. Hahanap na lang ako ng makakasama. Kung wala talaga, ako na lang mag-isa."

Nangungonsensiya ba siya o ano?

"I think, alam ko na ang sagot mo. It's okay. Hindi naman kita pinipilit," sabi niya nang hindi ako sumagot. "Mauna na ako."

Aish!

"T-Teka lang," pigil ko sa kaniya nang saktong tumalikod siya sa akin para sana umalis.

Muli siyang humarap sa akin.

"W-Wala naman akong s-sinabi na hindi kita sasamahan. Free naman ako sa weekends kaya... sasama ako," sabi ko nang hindi makatingin ng deritso sa kaniya.

"Thank you. Akala ko hihindi ka."

Tiningnan ko siya. Ganun pa rin expression niya. I mean, expressionless pa rin. Hindi man lang ngumiti nung magpasalamat? Hindi ba siya natuwa na may isasama na siya sa meeting?

"Mauna muna ako. May kailangan pa akong puntahan," paalam niya.

Pagkaalis niya, tila nakahinga ako ng maluwag. Ayoko talaga sa awra niya.

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon