Chapter 39

6.7K 181 1
                                    

ALTAIR

Maaga akong nagising. Sa katanuyan, bihis na kami ni Agatha. Ready na kaming dalawa para ngayong araw.

Mayamaya lang, may kumatok sa pinto. Sabay kami ni Agatha na tinungo ang pinto at ako ang nagbukas.

Bumungad sa amin ang isang Red Army na lalaki. Nang makita kami ng lalaki na naka-uniform na, medyo nagulat siya pero agad din na nakabawi. "Magandang umaga sa inyo. At dahil handa na kayo, sumunod kayo sa akin para madala ko kayo sa training ground," magalang niyang sabi.

Tumango kami ni Agatha at sumunod. Lumabas kami ng building kung saan nandon ang room namin at pumasok sa building na nasa gitna. Yung nakaharap sa may gate. Sa may hall. Tapos dumeritso kami sa may gilid ng hall. May malaking double door pala dito.

Binuksan iyon ng lalaki at dumeristo kami sa pagkapasok dun— ay lumabas pala, bumungad sa amin ni Agatha ang isang malawak na field. Mas malawak pa ata ito sa plaza dun sa pagpasok ng gate dito. May building rin dito. Mas malaki siya kaysa dun sa mga naunang building.

Gaano ba kalawak itong campus na ‘to? Baka may natatagong field pa rito ha.

May tower akong nakikita rito. Eh? Tower ba to? Mukang over pass eh. Kasi dalawang tower ang nakatayo magkabilang dulo. Yung isang tower ay dun sa pader sa kaliwa at yung isa sa may pader sa kanan. Nagmuka siyang overpass dahil sa may nagdudugtong sa kanila na tulay---na talagang mahaba---sa bawat dulo ng taas ng mga tower. Kaso mukhang nakakahilo papunta sa tuktok dahil sa umiikot sa katawan ng tower ang hagdan papunta sa tuktok.

May mga monkey bars dito sa field, tapos kung ano-ano pa na pwedeng gamitin sa training.

Nandito na rin ang ilang estudyante.

Huminto ang lalaki kaya huminto rin kami ni Agatha. Hinarap niya kami. "So, andito na tayo. Maiwan ko muna kayo. Hintayin niyo na lang ang guro niyo rito. Magpapakabait kayo ha dahil kung hindi, siguradong matatakot kayo~" pananakot nung lalaki. Kaso hindi ako tinablan. Umalis na rin yung lalaki at naiwan kami ni Agatha.

"Altair, sa tingin mo, nakakatakot nga ba yung teacher natin dito? Hindi na ba talaga si Ma’am Victoria?" Tanong ni Agatha. Nilingon ko siya.

"Mukhang naiwan kasi ata sa EGA ang mga guro doon e. Tsaka sinabi na kahapon ng commander na army rito ang magtuturo sa atin. Pero kahit na ganun, huwag kang matakot. Hindi naman tayo magpapasaway e," sabi ko.

"Altair!" Nabobosesan ko ang tumawag sa akin. Si Ryoran.

Nilingon ko siya.

"Hoo! Excited na ako sa training natin ngayon!" aniya nang makalapit na sa amin at nag-stretch.

Ilang minuto pa ang hinintay namin at dumami pa ang mga estudyante. Tapos may isang red army na babae. Siguro at nasa mga 20s siya, may hawak na latigo at itim ang kanyang buhok na hanggang sa leeg.

"Students, form a 10 lines! Now!" Bigla niyang sabi.

Sa una, nagtaka kami. Pero na realize namin na baka isa siya ang aming guro. Kaya sinunod namin siya.

Pagkatapos namin magform ng 10 lines, tumayo siya sa harap namin.

"Ako ang inyong magiging trainer. Ang pangalan ko ay Aurora. Mag isa ko kayong itra-train," pakilala niya.

"Huh? Isa lang siya? Sa dami nating ito?" Rinig ko sa mga nagbulong-bulongan.

Nabigla kami nang biglang ihampas sa lupa ni Ma'am Aurora ang latigo niya. "Tumigil sa bulong-bulongan. Hindi kayo bubuyog!" Sigaw niya.

Naging tahimik kaming lahat.

"Sa oras na magsimula na kayong magtraining, wala nang mag-uusap. Kapag may makita akong nag-uusap-usap, lalatiguhin ko! Maliwanag?" Galit niyang sabi-sabay hampas ulit ng latigo niya kaya lumikha ito ng ingay.

"Yes ma'am," sabay-sabay naming sabi.

"Sa training, dapat focus kayo! Walang mga kung ano-ano ang inaatupag dahil ang purpose rito ay ang matuto na kontrolin ang kapangyarihan. Hindi ang matuto sa pakikipag chismisan. Maliwanag?"

"Yes ma'am."

"Ang tatamlay ninyo. Hala sige! Tumakbo kayo sa buong field na ito ng 100 times!" Utos ni ma'am. Tila nagising kami sa sinabi niya.

"Po?!" Halos sabay-sabay kaming lahat.

Hanggang ba naman dito ay papatakbuhin kami? Hindi talaga mawawala iyang pagpapatakbo sa amin?

Natigilan kami ng ihampas ulit ni ma'am ang latigo niya. "Bakit?! May angal? Gawin niyo na. Kung ayaw niyong malatigo!"

Pagkasabi niya nun, nagsitakbo na kami. Sa lawak ng field na ito, makaya kaya namin ang 100 laps rito?

Takbo. Takbo. Takbo.

Nakaka-lima laps pa lang ata kami pero hingal na hingal na kami. Oo nga at ganito rin ang ginagawa sa amin dun sa EGA. Kaso hindi naman ganito ka lawak at karaming laps.

"Stop!" Biglang sabi ni ma'am. Kaya agad kaming tumigil at hinabol ang hininga namin.

Pinagform ulit kami ng 10 lines. "Warm up niyo lang iyon. Ngayon ay sisimulan ko na agad ang pagtuturo sa inyo ng mga pinaka-basic na kaalaman sa pagkontrol ng kapangyarihan. Kung nasimulan na sa inyong ituro sa EGA ang mga ituturo ko, then that’s good. Magiging recap niyo ito ngayon," sabi ni ma'am.

Hay salamat. Makakahabol pa ako sa mga itinuro sa EGA. Naka-isang araw lang ako doon na naka-attend sa division namin e. Puro kamalasan ang sumunod.

May kung ano-anong instruction ang ibinigay sa amin ni ma'am at todo kinig kami at sunod dahil baka malatigo kami. Ang strikta niya kasi.

***

Mga basic na paggamit ang itinuro sa amin ni ma'am ngayong araw. Naging masaya naman kahit mukhang nakakatakot si ma'am. Nakaya niya kaming matutukang lahat kahit isa lang siya.

"Tandaan palagi na ang source ng kapangyarihan natin para makalikha ng malakas na apoy ay ang lakas natin. Kung magpapalabas ka ng isang malakas na apoy, madali kang mapapagod. Kung mas maliit na apoy, mas makakatipid ng lakas," paalala ni ma'am.

"Yes, ma'am."

"Okay. Bago kayo bumalik sa rooms niyo, I want you to push up 8 times."

Luh. Ano raw? Babalik na lang kami sa room namin, may push ups pa? Naman oh. Pagod na ako.

Inihampas ni ma’am ang latigo niya sa lupa nang mapansin niyang naghe-hesitate kami. Wala kaming magawa kaya push up na lang.

Pero nakatapos din naman ako. Halos sabay pa nga kami nila Agatha at Ryoran eh.

Pagkatapos, pinapabalik na rin kami ng tuluyan. Maggagabi na since whole day ang pag-aaral namin ngayon. May lunch break naman kami. Pero sabi ni ma’am kanina, kapag magtagal raw at magaling na kami sa basics, mas mapapaaga na ang dismissal. Baka gawing half day niya na lang.

"Haay. Kapagod ngayong unang araw dito sa Red Army Campus," komento ni Ryoran. "Oh sya! Altair, Agatha, una na ako ha. Gusto ko na agad matulog," paalam niya at humiwalay na sa amin nang lumabas na kami dun sa training field. Nasa kabilang building kasi yung room niya.

Dumiretso na kami ni Agatha sa room namin at pagkarating namin, nagpalit na kami ng damit at sumalampa na agad sa kama namin.

"Haaay,” sabay pa kaming nagkatinginan sa isa't isa. Kaya natawa kami.

"Kapagod naman. Mas nakakapagod dito kaysa sa EGA," aniya.

"Pero enjoy naman," dugtong ko.

"Oo nga. Mas natututo ako ngayon kay Ma’am Aurora."

"Halos nakaisang beses lang ako naka-attend sa pagtuturo ni Ma’am Victoria. At least nakakahabol ako ngayon."

"Oo  nga. Oh sige na. Tulog na lang tayo. Para makabawi ng lakas para naman bukas. Katakot pa naman yung latigo ni ma’am."

"Haha. Goodnight, Agatha."

"Goodnight, Altair."

Pagkatapos ay ipinikit ko na ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang pagod.

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon