Chapter 45

6.4K 188 14
                                    

ALTAIR

Katatapos ko lang kumain ngayon at nandito pa rin ako sa clinic. Hindi pa ako pinayagan ng nurse na lumabas. Kailangan ko pa raw kasing magpahinga para maibalik ang lakas ko.

Wala pa akong balita kina Eunice. Tapos yung last na bumisita sakin dito ay si Commander Shin kahapon. Pero sabi nung nurse, nandito na lahat ng estudyante ng bawat army. Maliban nga lang sa Royal Army.

Nakahiga at minsan tumatayo ako para mag-stretch. Tapos iiyak sa tuwing maaalala ko ang nangyaring ambush.

Gusto ko sanang makita sa huling sandali ang papa kaso hindi raw pwede. Wala dito sa EGA ang katawan ng mga nasawi sa ambush. Tsaka agad na ililibing sila. Pilitin ko pa man, hindi pwedeng basta-basta na lumabas ng EGA dahil nga sa trahedyang nangyari. Balik sa dating protocol ang paaralan na walang makakalabas.

Biglang may lumitaw na hologram na screen sa may paanan ulit ng kama. Umupo ako at halos sumiksik sa may headboard. Kinuha ko rin ang mga unan at handang iharang sa kung ano ang mangyayari.

‘Shemay. Andito na naman tong hologram,’ komento ko sa isip ko.

Bakit may ganito? Pero naalala ko kahapon na may ganito rin e.

Nag-flash doon ang mukha ng Royal Army Commander. Si Commander Hideo.

Teka. Anong meron? Kakausapin niya ba ako? Or what?

“Magandang araw sa inyong lahat,” sabi ni Commander Hideo mula sa hologram screen.

Eh? Sa inyong lahat?

Napalingon ako sa buong silid. Iisa lang ako rito.

“Ako si Commander Hideo ng Royal Army. Kung sino man ang nakakakita at nakakarinig sakin ngayon na studyante, guro, at army nakikiramay ako sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa trahedyang nangyari kahapon.”

Huh? So, hindi lang ako ang nakakakita sa kanya sa hologram na to ngayon? Woah.

Binitawan ko ang mga unan na hawak ko at nakinig.

“Kahit wala na ang Royal Army sa listahan bilang Elemental Army dahil kusa kaming kumalas, hindi ibig sabihin na wala na kaming pakialam sa mga iba pang army. Ginawa ko lang ang pagkalas sa samahang Elemental Army dahil yun ang sa tingin ko ang nararapat para sa aking nasasakupan. Kahit gusto kong kalimutan kayong ibang army, hindi ko magawang basta-basta na lang kayong kalimutan. Nang malaman ko ang nangyari sa Red Army at Cyan Army kahapon, naging masakit ito sa aking damdamin. Alam ko ang pakiramdam nang mawalan dahil minsan na ring nangyari sakin ang ganoon.”

Napabuntonghinga ako. Parang gusto ko na namang umiyak dahil sa narinig ko.

“Muli, nakikiramay kaming Royal Army sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa trahedyang nangyari kahapon.” Pagkatapos naglaho na yung hologram.

Medyo namamaga pa hanggang ngayon ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kagabi.

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Ang tahimik at ang tamlay sa pakiramdam.

Narinig ko ang pagkatok sa pinto kaya agad akong umayos ng upo sa kama ko. Bumukas ang pinto at may lalaking pumasok.

Uhm... Isang Imperial. Hindi ko makilala kung si Lucas o si Lucius yan. Ang seryoso niya kasi.

Lumapit siya sakin. Tinitigan ko siya ng mabuti.

“It’s me... Lucian.”

Pagkarinig ko nun automatic na akong napa-usog sa may gilid ng kama palayo sa kanya at umiwas ng tingin.

Shemay.

Naalala ko yung araw na bumisita sila sa Red Army Campus. Iniwasan ko siya tapos nakatitig siya sakin.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon