Chapter to Era 2

12.4K 197 47
                                    

ALTAIR

"Bakit mo ba ginawa iyon? Paano kung may nangyaring masama sayo? Paano kung hindi ka sinwerte? Paano kung lumala pa ang naging sitwasyon nang dahil sayo?" Sunod-sunod na tanong ng heneral sa akin.

Napayuko na lang ako habang nakaupo rito sa higaan ko.

Halos hindi mapakali na pabalik-balik sa paglalakad ang heneral sa silid.

Kanina pa niya ako pinapagalitan dahil sa ginawa kong pagpuslit na manatili sa EGA.

"Heneral, huwag na kayong masyadong magalit sa bagong commander ng Red Army," ani Commander Saori.

"Kaya nga natin ginawa ang plano na hindi ipaalam sa mga estudyante para masiguro ang kaligtasan nila pero ano? Heto't may nakalusot pa lang isa. Responsibilidad natin lahat ng mga estudyante. Bakit ba kasi hindi muna ini-double check ang lahat ng mga estudyante ng mga incharge na army?" Tila hindi narinig ng heneral si Commander Saori.

Gusto ko nang umiyak rito. Pero deserve ko rin naman ata na mapagalitan dahil lumabag ako sa kanila.

"Kalma, heneral. Kalma ka muna," pagpapakalma ni Commander Saori.

Narinig kong bumuntonghinga ang heneral.

"Alam niyo, heneral, kung hindi dahil kay Altair hindi mapapaatras ng basta-basta ang air force."

Huminto sa kakalakad ang heneral.

"Ilan sa mga army na nakakita, si Altair---I mean Commander Altair ang nakasugat sa lider ng Air Force na sumugod. Isang malaking sugat sa dibdib daw ang tinamo nito at mukhang malalim din. Dahil dun, bahagyang bumagal ang kilos ng leader nila. Naging weak point siya kaya siya ang naging punterya ng mga natitirang army. Sa takot ng mga kalaban, pinili nilang umatras lalo na't nalaman din naman nila na wala ang mga estudyante sa EGA," paliwanag ni Commander Saori.

Napatingin ako sa kanang pulso ko. Sinukat ko ang marka. Talagang 2 inches na.

Ilang sandaling natahimik ang buong silid. Hanggang sa si heneral na mismo ang bumasag sa katahimikan. "Altair Chancelor," tawag niya sa akin.

Umayos ako sa pagkakaupo at kinusot ang mata ko dahil medyo nanlalabo na ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha.

"Commander ka na. Huwag mo nang ulitin ang ginawa mo. Napakadelikado nang ginawa mo," mahinahong sabi ng heneral.

Tumango ako. "Opo. Pa-pasensiya na po. Hindi ko na po uulitin."

Huminga ng malalim ang heneral bago muling magsalita. "Pasensiya ka na kung napagtaasan kita ng boses kanina. Nagaalala lang ako para sa inyong lahat na mga estudyante."

"A-Ayos lang po," halos pabulong kong sabi. Parang gusto ko tuloy maiyak.

Biglang may kumatok sa pintuan at pinapasok ng heneral. Isang mula sa Gold Army na lalaki ang pumasok.

Nag-salute muna ito bago magsalita. "Narito na ang ilang commander at lieutenant para sa pagpupulong."

Tumango ang heneral. "Sige. Hintayin nila ako. Titingnan ko lang sandali ang ilang mga army na ginagamot din. Sabihin mo sa mga commander at lieutenant na patungkol sa mga representative at mga bagong commander ang pag-uusapan."

Tumango ang lalaking Gold Army at nagpaalam para umalis. Nagpaalam na rin ang heneral para puntahan niya sandali ang ibang army.

"Magpahinga ka lang muna. Nandoon ang lieutenant ninyo para siya lang muna ang bahala sa buong Red Army."

Tumango ako.

"Sasabihan ko na rin ang bantay rito na pwede nang pumasok at makabisita sayo ang mga kaibigan mo. May ilang estudyanteng pabalik-balik daw rito para makita ka pero pinaghigpit muna kasi namin na walang bisita para mas focus ang medication army na magamot lahat ng sugatan."

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon