Chapter 11

10K 296 4
                                    

ALTAIR

"Eh bakit labing apat lang? Akala ko ba labing lima," dismayadong tanong ni Philip.

"Originally, labing lima ang army groups na bumubuo sa Elemental Army. Ngunit hindi na raw kasali ang Royal Army sa Elemental Army. Hindi ko pa alam ang dahilan. Hindi iyon nasabi sa amin sa meeting na in-attend-an namin ni Altair," paliwanag ni Lucian na ngayon ay nasa harapan.

Napunta ang tingin ko sa gawi ni Lucius at saktong nakatingin din siya sa akin. Nag-smirk siya at saka tumingin na ng deritso sa harapan.

Oh. Ano na naman kaya nasa isip nun? Tsk.

Kasalukuyan kaming nandito sa classroom namin at nag di-discuss ngayon si Lucian sa harapan tungkol sa pinagmeetingan nitong Sabado. Yung about sa Elemental Army.

"Siguro naman ay alam niyo na kung sino-sino sa classmates natin ang kapareho ng kapangyarihan ninyo at makakasama sa iisang army. Kaya maghanda na lang para sa pagsisimula ng pag-aaral ng pagkontrol ng mga kapangyarihan," pagpapatuloy ni Lucian habang seryoso lang ang expression.

Ngayon, ako na lang talaga ang natitira sa section namin na wala pang kapangyarihan.

Kasi si Mariz, gumising na raw yung kapangyarihan niya kahapon. Pagkontrol ng hangin. At si Philip naman, mapupunta siya sa Cyan Army dahil sa about sa may hologram daw yung kakayahan niya na kahapon lang din.

Napapaisip tuloy ako na baka wala akong kapangyarihan. Baka napag tripan ni papa na dito ako ipasok.

"That's all. Wala ngayon si Sir Aaron, pwede na kayong lumabas," rinig kong sabi ni Lucian at lumabas na ng room.

Ang galing talaga ng class president namin. Siya pa talaga ang naunang lumabas.

"Tara na," yaya ni Eunice sa akin.

Tumayo na ako.

"Altair," biglang tawag sakin ni Lucas.

"Hmm?"

"Ahm... Altair, pwede bang..." hindi rin siya makatingin sakin ng deritso.

"Pwedeng ano?"

"Pwedeng... Ay wag na lang! Nakalimutan ko sasabihin eh!" Bigla niyang bawi at nagmadaling lumabas.

"Ano yun?" Takang tanong ni Eunice.

"Nakalimutan daw sasabihin eh," sabi ko.

"Nakalimutan o naglimut-limutan?" Tanong ni Eunice.

Nagkibitbalikat na lang ako.

Lalabas na sana kami sa room ng may napansin si Eunice sa labas ng bintana. Sa quadrangle.

"Anong meron dun sa quadrangle?" Tanong ni Eunice.

Napalingon naman ako sa may bintana kung saan matatanaw ang quadrangle. Mga nagkukumpulang studyante ang nandoon. Bigla silang nahawi nang may dumaan na isang lalaki na nakapang military officer na kulay abo pati na rin ang cap nito na napapansin ko rin na may parang logo. Siguro ay nasa 40s na siya. May sumusunod naman na ilang lalaki at babae sa kaniya na ganun din ang suot kaso walang cap.

"Hala! Diba isa yang commander?" Biglang tanong ni Mariz na nasa tabi ko na pala.

"C-Commander? As in?" Tanong ni Eunice.

Tumango si Mariz.

"Uy Altair! Pumunta tayo dun!" Hindi pa man ako nakakareact man lang nang bigla na lang akong hinatak ni Eunice palabas ng classroom.

Nagpahatak na lang ako sa kanya. Marami ring studyante ang papunta dun sa quadrangle.

"Excuse us! Excuse us! Excuse us!" Paulit-ulit na sabi ni Eunice habang hinahawi ang ilang studyante at habang hatak rin ako.

Elemental Gunji-teki AcademyWhere stories live. Discover now