Chapter 53

5.7K 184 9
                                    

ALTAIR

Another day. Another training.

Kasalukuyan kaming nagtra-training dito sa division. Wala akong sasayangin na mga oras. Magtra-training ako. Focus ako ngayon sa training lalo na't sinabihan na kami ni ma'am sa exact day ng test namin next week.

***

EUNICE

Hapon na at kakauwi pa lang ni Altair. Matapos niyang magpalit ng damit, sabay na kaming kumain.

"Sya nga pala. Tinulogan mo ako kagabi ha. Salita ako ng salita tulog ka na pala," sabi ko sabay subo ng kanin.

"Pasensiya na. Pagod kasi ako kaya nakatulog ako," halos pabulong niyang sabi.

"Ah. Siguro naman ngayon kahit papaano ay pwede akong makapag-kwento sayo?"

Tumango siya. "Sige."

So, heto na naman ako. Kinikilig na naman. Yiee~

"So heto na nga, Altair. May nakita akong gwapong lalaki. Tapos kanina, nalaman ko na taga-Cyan Army Division siya. Yiee. Ma—" natigilan ako nang makita ko siyang nakapikit habang nasa bibig pa ang kutsara.

"Uhm... Altair. Yoohoo," pagtatawag ko sa kanya. Kaso... Walang response. Nakapikit pa rin. Hanggang sa kamuntikan na siyang matumba at mahulog sa upuan niya.

"Woah!" Agad siyang napamulat ng kaniyang mga mata. "Woah! Ano nga pala ginagawa ko?" Tanong niya sakin habang umaayos ng upo.

"Uhm... N-Nakatulog ka?" Patanong kong sagot.

Napakamot na lang siya ng kanyang ulo. "P-Pasensya na. Pagod kasi ako. Magkakaroon kasi kami ng test para sa top 5."

"Meron din sa inyo? Ganiyan din kasi ang gagawin nung top 10 sa amin."

Tumango siya at mukhang pumipikit na naman.

Napabuga na lang ako ng hangin.

Pambihira! Kahit kumakain, nakakatulog siya? Seryoso? Hays. Kawawang Altair.

"Tapusin mo na agad yang pagkain mo tapos matulog ka na. Pati sa pagkain, nakakatulog ka na," nasabi ko na lang.

Napamulat siya agad ng kaniyang mga mata at saka tumango.

Pagod nga talaga siya.

***

7 araw bago ang araw ng pagsusulit.

"Altair! Omo~ May hint na ako kung anong possible na pangalan n—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. Tinulogan na naman kasi ako.

***

6 araw bago ang araw ng pagsusulit.

"Altair! Wag ka munang matulog! May sasabihin ako!" Pigil ko sa kanya. Matutulog na kasi siya.

"O-kay," bagot niyang sabi habang nakahiga na.

"Alam ko na pangalan niya. R— what the?! Tinulugan mo na naman ako?" Inip kong tanong sa natutulog na siya.

Tsk. Nakakainis na.

***

5 araw bago ang araw ng pagsusulit.

"Altair! Makinig ka muna!" Utos ko sa kanya habang yinuyugyog ko siya para naman magising.

"O-kay... makikinig ako," sabi niya.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon