Chapter 50

6.1K 177 3
                                    

ALTAIR

Wala nang may nagtanong sa amin.

“Sakto. Nandito na ang iba pang guro,” ani Ma’am Victoria.

Napalingon kami sa may gate.

“Ha? Kasama si Ma’am Aurora?” Rinig kong tanong ni Agatha.

Kasama ng dalawa pa naming guro rito sa Red Army Division si Ma’am Aurora at ang ilang Red Army na nagturo sa amin noon para sa bawat sandata.

Bumati ang dalawang guro na kanina pa narito sa mga kakarating lang. Habang kami, nakatingin lang kina Ma’am Aurora.

Napatingin sa amin si Ma’am Aurora. “Oh bakit ganiyan mga tingin niyo? Namiss niyo ko agad?”

Napaiwas kami ng tingin.

Biglang hinampas ni ma’am ang dala niyang latigo sa damuhan at halos mapaigtad kami nang marinig namin iyon.

Narinig namin na natawa ang ilan niyang kasama.

“Na-orient na namin sila kung ano ang representative,” ani Ma’am Victoria kay Ma’am Aurora.

“Talaga? Good. Makakapagsimula na ako agad sa pagtra-training sa kanila.”

Luh. Huwag mong sabihing... Ah!

Tumango si Ma’am Victoria at humarap ulit sa amin. “Sino-sino ang sampung pagpipilian para sa representative?”

Napatingin muna ako sa iba kong kaklase. Nang makita ko na nagtaas na sila ng kamay, doon lang din ako nagtaas ng kanang kamay ko.

“Tumayo kayo.”

Tumayo naman kami agad.

“Alam kong kilala na ninyo si Ma’am Aurora dahil siya ang nagtraining sa inyo sa Red Army Campus. Gusto kong sabihin ngayon na siya pa rin ang magha-handle sa inyo,” ani Ma’am Victoria.

Napalingon kami ulit kay Ma’am Aurora. Nginitian niya kami.

“Ang swerte niyo. Sa akin pa rin kayo magtra-training,” aniya sabay pakita ng latigo niya.

Kay malas. Akala ko balik na kami kay Ma’am Victoria. Akala ko wala nang may latigo. Akala ko tapos na kami sa strict na pamamalakad ni Ma’am Aurora.

“Sa hindi kasama sa sampu, ipagpapatuloy niyo ang pagtra-training sa paggamit ng sandata,” ani Sir Varra.

“Sa sampung estudyante, hali kayo. Magpapatuloy training niyo,” sabi naman ni Ma’am Aurora.

“Good luck, Altair,” halos pabulong na sabi sa akin ni Ryoran.

Napakamot na lang ako sa ulo ko.

Dumistansya ang grupo namin sa iba naming kaklase.

“Form 2 lines,” mahinahong utos sa amin ni ma’am.

Sinunod namin siya agad.

“Na-orient na kayo kung bakit sampu kayong tila ibubukod sa pagtra-training, tama?”

“Yes, ma’am.”

“Magpapatuloy kayo sa training niyo under sa akin. About sa training sa paggamit ng sandata, may mga araw na inilaan namin para diyan. Sasabihan ko na lang kayo kung araw na para sa training ng sandata niyo.”

Tumango kami.

“Ipapaalala ko rin na whole day tayo palagi sa training. Kung ang iba niyong kaklase rito sa division na ito ay half day lang, alalahanin niyo na nagtra-training kayo para makapili ng isa na magiging representative. Nais ko ring sabihin na kahit sa bandang huli ng training niyo ay magkaka-kompitensiya kayo pero sana hindi kayo maging tunay na magkalaban. Magkakaibigan at magka-army pa rin kayo. Maliwanag?”

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon