Chapter 28

6.9K 206 11
                                    

LUCAS

Kinakalaban ko ngayon ang isa pang oso na ito. Napatumba ko na ang isa.

Kunti na lang. Napapagod na ako. Habang nakikipaglaban sa isa pang oso na medyo critical na rin ang kondisyon, nakita ko si Altair na lumalaban din sa dalawang oso. Napabagsak niya ang isang oso.

*R o a r*

Naagaw naman ang atensyon ko sa oso na kalaban ko. Papalapit na ulit siya sakin. Kahit nanghihina na ako dahil kanina pa ako gumagamit ng kapangyarihan, nagawa ko paring makagamit muli. Kailangan kong tulungan si Altair doon. Baka anong mangyari sa kanya.

Ilang atake pa ng oso at depensa ko dahil malakas ang oso na ito at hindi pa ako masyadong trained. Pero nagawa ko ring mapabagsak ang oso. Kaso hingal na hingal na ako.

Hinanap agad ng mga mata ko si Altair. Nakita ko siya na tumatakbo palayo habang hinahabol ng oso.

"A-Altair," mahina kong sambit sa pangalan niya. Masyado na akong nanghihina. Masyado ko kasing ginamit ang kapangyarihan ko.

"Altair!" Sigaw ko gamit ang natitira ko pang lakas. Kaso mukhang hindi niya ako narinig dahil sa malayo na siya. Palayo siya ng palayo. Hindi naman ako makahabol sa kanya dahil sa sobra na akong nanghihina. Napaupo na lang ako sa lupa at sumandal sa puno.

Kailangan kong bumawi agad ng lakas. Kailangan kong masundan si Altair. Nanganganib siya.


ALTAIR

Takbo lang ako ng takbo. Kung saan-saan na ako nagsususuot para lang hindi maabutan ng oso. Wala na rin akong lakas na maglabas ng sapat na kapangyarihan.

*R o a r*

"Ah!" Napasigaw ako dahil kamuntikan na akong maabot ng oso.

Hingal na ako. Gusto ko mang tumigil, hindi pwede dahil pwede na niya akong maabot at masaktan. Kaya deritso lang. Kaso sa pagpapatuloy ng pagtakbo ko, pahirap na ng pahirap ang daanan. Malalaking puno at madulas na daan dahil sa malalaking ugat ng puno na may mga lumot. Sa pagpapatuloy ko sa pagtakbo, nadulas ako.

Ramdam na ramdam ko na ngayon ang pagod. Hindi ko na kayang tumayo pa kaya ipinikit ko na lang nang mariin ang mga mata ko at hinintay ang oso na masaktan ako.

*R o a r*

Hinintay ko na lamang. Ramdam ko ang bawat yapak ng oso na papalapit sakin.

...

Biglang tumahimik ang paligid. Hindi ko na narinig pa ang mga yapak ng oso. Tapos biglang umalingawngaw ang isang kalabog na tila parang na tumba.

"Ayos ka lang?"

Isang boses ng lalaki ang narinig ko. Sa boses pa lang, nasisiguro ko na hindi ito si Lucas.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang isang lalaki na nakatayo sa harap ko at hindi nga siya si Lucas. Nakasuot siya ng plane white t-shirt na pinaresan ng itim na pants. Mga kasing edad ko lang siya.

"Miss,” tawag niya sa akin. “Ayos ka lang? Nasaktan ka ba ng oso?” Tanong niya.

Hindi ako agad nakasagot. Hinahabol ko pa ang hininga ko at bumabawi pa ng kunting lakas. Hinayaan lang muna ako ng lalaki.

Nang makabawi ako, dahan-dahan akong tumayo. Inalalayan naman niya ako.

Lumingon ako sa likod ko nang makatayo na ako ng tuluyan at nakita ko na nakahandusay na ang oso. Nakatusok sa batok nito ang isang sibat na tumagos sa unahan ng leeg. Napakura ako.

Liningon ko agad ang lalaki. "Ikaw ba may gawa niyan?" Tanong ko.

Tumango siya. Tapos tiningnan niya ako mula paa hanggang sa ulo. Pagkatapos ngumiti siya. Yung ngiting parang napilitan.

"Salamat," sambit ko.

"Para saan?" Tanong niya.

"Sa pagligtas."

Tumango lang siya. "Sya nga pala, ako si Jerson Redfox. Alchemy is my major," pakilala niya tapos nag-alok ng shake hands.

"Altair Chancelor. Fire ang kapangyarihan ko," pakilala ko at nakipag shake hands.

"Ah!" Agad kong binawi ang kamay ko pagkadampi na pagkadampi ng palad ko sa kanyang palad dahil sa parang mainit at parang tinusok na hindi mo maintindihan basta masakit ang naramdaman ko.

Napatawa naman siya ng mahina. "Tila isang tuta pala ang natagpuan ko ngayon," aniya habang umiiling-iling pa.

"Huh?"

"Tss. Wala bang nagsabi na mga guro sayo na wag magtitiwala ng basta-basta? Lalo na sa labas ng paaralan niyo?" Tanong niya at humakbang siya palapit sakin kaya bahagya akong napahakbang paatras. Parang natakot ako. May kakaibang aura siya.

"A-anong ibig m-mong sabihin?" Nanginginig kong tanong sa kanya.

Ngumisi siya. "Basta ito ang tatandaan mo, Miss Altair, huwag kang basta-basta magtitiwala sa mga nakikilala mo. Hindi purket iniligtas ka sa isang mabangis na oso," sabi niya tapos tinitigan niya ako. Nailang ako.

Hindi ko maiwasang kabahan. Masamang tao ba siya? Papatayin niya ba ako? Argh.

Lumayo na rin siya sakin. "Ngayon lang ako nakipag-usap sa isang studyante na papasok sa Elemental Army," sabi niya. Tapos tumalikod na siya sakin. Pero bago siya magsimulang maglakad may sinabi muna siya. "Baka magkita tayo sa susunod, huwag mong kakalimutan ang pangalan ko, Miss Altair. It's Jerson Redfox." Tapos lumingon muna siya sakin ng sandali. Then, nag-smirk.

Naglakad na siya palayo. Habang ako, naiwang naguguluhan at kinekwestyon kung anong klaseng tao kaya ang Jerson na iyon. Nanatili lang akong nakatingin sa likod niya habang palayo ng palayo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Jerson Redfox. Alchemy raw major niya.

Teka. Hindi ba siya estudyante sa Elemental Gunji-teki Academy?

"Altair?" Napalingon ako sa likod ko dahil sa biglang may nagsalita.

Natigilan ako nang makita ko ang isang Imperial. Pero hindi siya naka-uniform. Hindi ito si Lucas.

Hinarap ko siya. Naka-plane black v-neck shirt, black pants at black rubber shoes ang nasa harapan ko ngayon. So over all, naka black siya.

"Lucius?" Paninigurado ko.

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon