Chapter 9

10.9K 297 12
                                    

ALTAIR

Araw ng Sabado. Kasalukuyan akong nakasunod kay Lucian dahil patungo na kami sa conference hall para sa meeting.

Tahimik lang kaming dalawa. Wala akong balak magsalita rito. Bahala na.

Bakit ba kasi ako pumayag na sumama? Dapat pala humindi ako.

Pagkarating namin sa hall, nadatnan namin ang ilang estudyante na narito na. Nakahanda na rin ang mga upuan.

Umupo kami sa isang part kung saan marami pa ang bakante. Sinadya ko na may bakanteng upuan sa pagitan namin ni Lucian. Pero mayamaya lang ay lumipat siya at umupo sa tabi ko.

Aish. Dumistansiya na nga ako, tumabi pa siya. Umay.

Pero hindi nanatili na lang ako. Ayokong magpahalata. Pinagmasdan ko na lang ang stage. Walang mga gamit doon. Walang speakers na karaniwang makikita sa dati kong paaralan.

Mayamaya ay naramdaman ko na may pumwesto sa kabilang upuan na katabi ko. Nang lingonin ko, nakita ko ang isang babae na may mahabang buhok na tila umaabot sa kaniyang tuhod. Kalahati sa kahabaan ng kaniyang itim na buhok ay kinulayan ng light blue. Kapansin-pansin naman ang pagkakasuot niya sa uniform niya. Naka-unbutton ang unang dalawang butones kaya kita ang cleveage niya at mas maikli naman ang palda niya kaysa sa karamihan. Siya pa lang nakita kong ganiyan dito sa academy. Ina-allow pala ang ganiyan dito?

"Ano ang tinitingin-tingin sakin ng babaeng nasa kanan ko?" Bigla niyang tanong pero nasa may stage ang kanyang mga tingin.

Ako ba tinatanong niya? Siguro. Nasa kanan niya ako eh.

"Ikaw ang tinatanong ko," ani ng babae at lumingon siya sakin.

"Ah w-wala," sabi ko at yumuko na lang.

"Hmm. I'm Sylvia De Esdeath. Just call me Esdeath. Ayokong tinatawag akong Sylvia. Ang cringe kasi," pakilala niya sabay lahad ng kamay niya para makipagkamay.

Napatingin ako ulit sa kanya. Nakangiti siya. Pero ano raw itatawag sa kaniya? Esdeath as in death? Grabeng pangalan.

"Ahm. Ako naman si Altair Chancelor," pakilala ko at inabot ko kamay niya at nagshakehands kami.

Ngunit napabitaw ako bigla nang maramdaman ko agad ang palad niya na sobrang lamig.

"Oh! Sorry. Freshman ka pala. Ikadalawang taon ko na kasi rito at manipulation of ice ang kapangyarihan ko," nakangiti niyang sabi.

"G-ganun ba? Wala pa kasi akong k-kapangyarihan," naiilang kong sabi.

"Hmm... I see. Don't worry, magigising din iyang kapangyarihan mo... Kung aayusin mo training niyo."

Pilit akong ngumiti saka umiwas na lang ng tingin. Wala akong maisasagot e.

"Good morning everyone!" Biglang may nagsalita sa may stage kaya napalingon kaming lahat doon.

"Dahil kompleto na ang ating mga representatives sa bawat section ng ating academya tayo'y magsisimula na," maligayang sabi ng lalaki sa stage. "Well, well. Ako ang siyang tagapagsalita ninyo ngayong araw. Ako nga pala si Alwin. Ang isa sa mga teacher dito sa akademya at isa akong Chant Army."

Chant Army? Sa naaalala ko, si Miku ay magiging ganun din dahil sa boses ang lakas niya. Ngayon ko lang din napansin na walang gamit na anong microphone o kung ano pang device itong si Sir Alwin ngunit rinig na rinig namin siya. Isa ata ito sa mga kakayahan nila.

"Nagkaroon tayo ng meeting ngayon dito upang mapaghandaan na ninyo ang pagsabak sa pagiging myembro ng army. Mga 3% na lang ang hindi pa nagigising ang kapangyarihan ng mga studyante sa buong paaralan. Inaasahang hanggang sa Friday, lahat ay magkakaroon na. Sa paggising ng kapangyarihan, kalakip nito ay ang pagiging myembro ng isang army.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon