Chapter 3

14.5K 383 26
                                    

ALTAIR

Nagising ako ng dahil sa nakaramdam ako ng uhaw. Madilim pa. Kinapa ko yung phone ko sa side table ko.

Simula nung araw na hiniram nung babae ang phone ko, hindi na ako makaka contact sa mga nasa labas ng campus. Pero sabi ni Eunice, lahat naman kami ay ganun ang kalagayan. Tanging pwede lang namin na ma-contact ay yung nandirito lang sa loob ng academy. Kaya nga yung contact lang dito sa phone ko ay number lang ni Eunice. At mga games lang ang meron dito.

2:31am. Kaya pala ang dilim pa. Tiningnan ko si Eunice sa katabing kama na mahimbing na natutulog.

Bumangon ako at dahan-dahan na naglakad para kumuha ng tubig. Salamat na din sa liwanag ng buwan na dumadaan sa bintana.

Pero halos di ako gumalaw ng nasa may paanan na ako ni Eunice dahil sa nakita ko. May pigura ng lalaki na nakatayo malapit sa side table ni Eunice.

A-ano yan? M-Multo? M-Magnanakaw?!

Humakbang ang pigura ng lalaki tungo sakin. Ahh! May akyat bahay!

Naghahanda na akong sumigaw nang matamaan ng liwanag ang kanyang mukha, napa atras ako.

S-Si Lucian?

"Tss. Lucius," mahinang sambit ng lalaki.

Huh? Anon---ahh... Gets ko. Siya si Lucius. Pero pano siya nakapasok dito? Hindi ata ni lock ni Eunice yung pinto. Shemay ka Eunice!

"Nakalimutan mo ata na I can pass through darkness. Iyon ang kakayahan ko," sabi niya habang patuloy na lumalapit sakin. Habang ako, atras ng atras.

Mas lalo akong kinabahan dahil sa napa sandal na ako sa pader.

"B-bakit ka nandito? W-Wag kang lalapit," kinakabahan kong sabi.

Nabigla na lang ako ng isandal niya ang mga braso niya sa gilid ko para ma-corner.

"Anong meron sa inyong dalawa ni Lucian?" Tanong niya sakin.

"Huh?" Nararamdaman ko na nanginginig na mga tuhod ko. Tapos mas nilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Nakita ko kayo kahapon. Hila-hila ka niya. Nacu-curious ako lalo na't first time kong makita si Lucian na may kasamang babae," sabi niya.

Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Hindi ako nakasagot dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.

"First day. First time ko siyang makikitang ganon. May hindi ba ako alam kay Lucian?" Hindi ko na alam kung ako pa ba tinatanong niya o sarili niya.

Pero kinakabahan na ako rito. Kung may isa pang galaw siyang gawin na mas makakapagpakaba sa akin, sisigaw na ako. Nakahanda na akong sumigaw.

"Tss," ngunit lumayo na rin siya sakin at naglakad tungo sa madilim na parte ng silid.

"Good morning," sambit niya at tila biglang nawala sa dilim.

Agad akong bumalik sa kama ko at kinuha ang phone. Binuksan ko ang flashlight at itinutok sa kung saang parte siya tumungo. Hindi ko mabubuksan ang ilaw dahil nandoon ang switch sa parte kung saan siya tumungo. Pero wala na siya doon.

Dahan-dahan kong inabot ang switch para i-on at saka naman ako dahan-dahan na tumungo sa may pinto. Nang-i-check ko, naka-lock naman.

Napalingon ako sa bintana. Pero imposible. Nakasara ang salamin doon.

Nagpalinga-linga ako sa buong kwarto namin. Hindi ko na makita si Lucius. San napunta yun?

'Nakalimutan mo ata na I can pass through darkness,' naalala kong sabi ni Lucius sa akin kanina.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon