Chapter 19

8.5K 257 39
                                    

ALTAIR

"That's all for today. Pahinga na kayo sa dorm niyo," ani ma'am.

Agad na huminto si Agatha sa ginagawa niyang fireball. "Altair, tara na."

Huminto rin ako sa ginagawa kong fireball. Matapos na magawa naming lahat ang task, pinapag-practice pa kasi kami ni ma'am para masimulan na ng katawan namin na masanay sa pagpapalabas ng apoy sa palad namin.

Liningon ko si Agatha. "Sige. Uwi na tayo. Nagugutom na rin ako e."

Natawa siya. "Pareho na pala tayong nagugutom."

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng division at saktong nakalabas na kami sa division nang biglang may humigit sa kanang wrist ko kaya napaharap ako sa kung sino man ang nanghigit.

Nung una, akala ko si Lucius. Hindi ko alam kung bakit si Lucius ang unang pumasok sa utak ko. Pero nagulat ko ng makita ko na ibang tao ang nanghila sa akin.

Kung hindi ako nagkakamali sa pagkakaalala, Ryoran ang pangalan niya.

"Aray ko! Bakit ka biglang nanghihigit ng kamay?" Reklamo ko. Kaso mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa wrist ko. "Aray. Ang sakit. Bitiwan mo ko."

"Anong bitiwan?! Tss. Akala mo nakakalimutan ko na ang nangyari kanina? Ha?!" Nanggagalaiti niyang sabi sakin.

"Hoy! Wag mo ngang sigawan si Altair!" Sabat ni Agatha.

"Tumigil ka! Hindi ka kasali rito!" Sigaw ni Ryoran kay Agatha.

Pilit kong binabawi ang kamay ko. Kaso malakas siya.

Ibinaling muli ni Ryoran ang atensiyon niya sa akin. "Hoy! Alam kong gwapo ako, pero sana naman hindi sa ganung paraan ang ginawa mo para mapansin kita. Nakakairita. Nasira ang maganda kong araw."

Gusto kong magsalita kaso ang parang nauutal ako at mas gusto kong makawala muna ako sa pagkakahawak niya sa wrist ko.

"Teka nga lang. Anong gwapo? Manalamin ka nga!" Sagot ni Agatha.

Sinamaan ni Ryoran si Agatha.

Mahitsura naman itong si Ryoran. Mahangin nga lang.

"Ryoran, bitiwan mo si Altair."

Natigilan naman kami nang may biglang nagsalita at nilingon namin kung sino.

Si Lucas. Sure ako na si Lucas yan! Kasi impossible na si Lucius yan. Iba ang aura nun eh. At mas lalong hindi yan si Lucian---ay! Bakit napasok si Lucian rito? Erase, erase.

Agad naman akong binitawan ni Ryoran.

"Tss," masamang tingin ang ibinigay na tugon ni Ryoran kay Lucas.

"Ryoran, binabalaan kita. Oras na makita kita ulit na sinisigawan at sinasaktan mo si Altair, sisiguraduhin kong magkakaroon ka ng punishment na hindi ka makakapag-training," pagbabanta ni Lucas kay Ryoran.

Umirap si Ryoran kay Lucas at tumingin naman siya sakin. Akala ko nga may sasabihin siya kaso bigla rin siyang umirap.

"Hmp! Magsama-sama kayo. Pareho-pareho niyong sinira ang araw na 'to. Kabadtrip," ani Ryoran. Tumalikod na siya sa amin at naglakad na palayo.

"Dapat lang masira araw niya. Ang hangin niya e," rinig kong komento ni Agatha. Habang si Lucas, pailing-iling lang.

"UHm... Miss Agatha, pwede ko bang makausap si Altair? Yung kami lang sana para mas komportable."

"Yes. Of course," sagot ni Agatha at humarap sa akin. "Mauna na ako, Altair, since andiyan naman kaibigan mo," paalam niya.

Tumango na lang ako at saka siya umalis.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon