Chapter 5

12K 353 21
                                    

ALTAIR

Nagising kami ni Eunice na walang iniindang sakit sa katawan. Di gaya kahapon na halos gumapang kami dahil sa training. Pero ngayon, ang gaan lang ng katawan namin. Namangha pa kami sa mga sarili namin dahil ang bilis maka-recover. Parang magic~

Tinatahak na namin ang daan tungo sa aming classroom. Marami kaming nakakasalobong na mga estudyante na pinag-uusapan ang naging training kahapon.

Pag kapasok namin sa room, nagkukumpulan ang mga classmate namin at parang may chini-chismis.

Hindi na ako nangialam dun. Habang si Eunice ayun, nakisali sa kanila. Mabilis lang naman na maka-close ang mga kaklase namin. Actually, parang ang close na nga nilang lahat e. Maliban sa ilan na mga mapag-isa. Ako naman, hindi ko lang trip makipagsiksikan sa kanila para sa usap-usapan.

Umupo na ako sa seat ko. Nandon din ang triplets sa mga seat nila. Parang wala dito sa mundo ang mga isip.

"Ayos lang pakiramdam mo?" Biglang tanong ni Lucas sa akin.

"O-oo. Nag tataka nga kami kanina. Ang bilis maka-recover. Pero parang ganun din naman yung iba nating kaklase," sagot ko.

Ngumiti siya. "At least maayos na pakiramdam mo ngayon. Makakapagpatuloy na sa training."

Ngumiti ako.

"Good morning class," napalingon kami ni Lucas sa harap kung saan nakatayo at kararating lang ni Sir Aaron.

"Good morning sir," bati din namin kay sir at nag siayos ng upo.

"Mukang ayos na kayo," nakangiting sambit ni sir.

"Yun na nga sir. Hindi nga namin maintindihan kung bakit eh. Kahapon nga ay halos gumapang kami sa sakit ng katawan, tapos ngayon parang wala lang," pagpapaliwanag ni Klein at tinanguan ng ilan sa classmates ko.

"Dahil kagabi ginamot kayo ng ilan mula sa Medication Army. Pumasok sila sa bawat dorm ng mga estudyante upang magamot kayo," ani sir.

"Huh? Eh naka lock yung pinto namin ah? At nasa amin ang susi. At bakit wala kaming alam?" Nagugulohang tanong ni Miku.

Maski rin ako ay naguluhan. Pero ano raw? Medication army? Hmm. Baka compose sila ng mga nurse at doctors. Pero kung normal na nurse at doctor lang, hindi ganito ang magagawa nila na isang gabi lang na totally okay na.

Gusto ko nang maniwala sa powers powers na yan. Pero hindi! Dapat may makita pa akong patunay. Hindi sapat ang mga nalalaman ko ngayon. Gusto ko pa ng patunay. Slow na kung slow basta ang gusto ko ay makakita ng mas magical na magpapatunay sa kanila.

"May kasama sila mula sa Cyan Army. Padlock lang ang inyong security, madali lang iyon nabuksan ng Cyan army."

Tumango tango kami.

"Oh my god," biglang naibulalas ni Daphne. "Pumasok sila sa bawat dorm? Nang walang permiso sa amin? Diba bawal yun?"

"Alam namin na hindi maganda na basta-basta na lang papasok sa mga dorm niyo. Pero huwag kayong mag-alala. Panggagamot lang ang purpose nila. Saka mabuti na rin na mga tulog kayo na ginagamot dahil naka-rest lahat ng muscles niyo at mas madali iyon gamutin."

Tumango ulit kami na magkakaklase.

"Dahil mabuti na ulit ang lagay niyo, tumakbo kayo sa quadrangle. 30 laps," biglang utos ni sir na hindi kami makapaniwala dahil sa huling words.

Sure? Ang lawak kaya ng quadrangle. Tapos 30? Kahapon, kung ano ano ang ginawa namin. Tumakbo, umakyat, gumapang. Tapos ngayon tatakbo?

Jusmeyo.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon