02

188 5 1
                                    

Chapter 02: Stranger

Tulala ako sa kwarto ko kinahapunan. Paulit-ulit akong pinaaalalahanan ni mommy at daddy tungkol sa dinner kaya naman nang dumating na ang oras ay nag ready na ako.

Tinitigan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin matapos kong maayos ang sarili ko.

Simple dinner lang naman raw iyon pero ayoko naman na mag mukhang basahan sa harapan ng mga Suarez mamaya so I wore my cream knee-length dress, revealing my cleavage, and partnered it with my white pumps. I let my black hair down and also wore my Gucci belt para hindi mag mukhang plain ang damit ko.

Nawala lang ang atensyon ko sa aking sarili nang marinig ang pag ring ng telepono kong nakapatong sa makeup table. Kinuha ko iyon sabay upo sa gilid ng kama para sagutin ang tawag na galing pala kay Ambrose.

[Hi. Just wanna check you. How are you?] bungad na tanong niya.

Huminga ako ng malalim bago matipid na ngumiti. My heart starts to ache as soon as he asks that question. It's like a trigger.

"I'm gonna meet him and his family tonight for a dinner. They invited me and my family to join them. I... I'm nervous." pag amin ko. "I'm scared, Ambrose." hindi ko na maiwasang pamuuhan ng luha.

Ang bigat sa pakiramdam na hindi ko magawang pigilan ang desisyon nila para sa akin. Wala akong magawa kundi ang mag sunod-sunuran. I couldn't fight back because I'm weak.

I've been like this since I turned ten years old. Sa murang edad ay naging sunod-sunuran na ako sa kanila. It was the only choice, the only way I have so just they could see my worth as their daughter.

Masama bang humiling kahit kakarampot na atensyon at pag mamahal mula sa mga magulang?

They're with me since the beginning pero kahit kailan ay hindi ko naramdamang may mga magulang ako.

Father was always been busy in his office so since then, mother started collaborating in business with Tita Ino and Tito Dion. They owned multiple branches of the Finance company. Hestia is the heiress of the main branch that can be found here in Manila since Rajiah and Valerian aren't interested in their businesses.

Lagi silang abala. Nung graduation ko nung elementary, si Lola Amelia ang nag sabit sa akin ng medal dahil nahuli ng dating si daddy at mommy. Because of work, of course.

Minsan nga ay hindi ko sila nakakasama sa kaarawan ko. Tangging ang mga pinsan at kaibigan ko lang ang laging nasa tabi ko sa mga espesyal na araw ko.

Naiintindihan ko naman pero ang hirap pa rin tanggapin bilang nag-iisa nilang anak.

There are times when I can't help but feel jealous of Alisterille. Even though Tito Adonicio is gone, she has a mother and brothers who are willing to make her feel important and loved every day. Just like Hestia with his family.

Ayokong nakaramdam ng inggit sa mga pinsan ko dahil alam kong hindi iyon tama pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili.

Nararanasan nila yung mga bagay na hinihiling ko na sana ay nararanasan ko rin. Pakiramdam ko pati iyon ay ipinagkait sa akin ng langit.

I wish I have a siblings, too. Sana may kakampi ako sa loob ng bahay na ito. But then, meron rin sa loob ko na nagsasabing mas mabuti na iyong ganito. Ayokong pati sila ay maranasan ang nararanasan ko ngayon.

[I'm so sorry, Cat. I couldn't do anything to stop the marriage. I... I tried to talk to Tito Lorenzo but he didn't listen to me.] sabi niya na siyang ikinatigil ko.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now