07

127 3 0
                                    

Chapter 07: Coming back


I feel like my head is spinning and it hurts so much.



Tulala ako habang nakaupo sa dulo ng kama, pilit na pinapagana ang utak ko para maalala ang mga nangyari kagabi habang lasing ako at hinihintay siyang makauwi.



It's still six in the morning. Nagising ako dahil sa tawag ni Hestia. Pinaalala niyang maaga ang alis namin mamaya.



Pinilit kong isantabi lahat ng mga naganap na nangyari kagabi, pati iyong sagutan namin ni mommy. Mayamaya ay narito na ang Van nina Hestia na maghahatid sa amin sa Batangas kaya kahit tinatamad ang katawan ko ay pinuwersa ko itong igalaw at ikilos.



Dumiretso ako sa banyo at naligo na. Kahit may plano sina mommy para sa akin mamaya ay mas uunahin ko ang mga pinsan ko. I don't want to break my promises. Besides, miss na miss ko na rin silang lahat doon.



Gusto ko na silang makita.



After taking a bath, umupo ako sa harap ng makeup table ko at sinimulan nang ayusan ang sarili ko.



I don't know what happened last night. My vision went black after I saw Ynigo right in front of me. He said he was mad.



I said sorry kahit labag sa loob ko. Alam ko naman kasing mali na sinigawan ko siya at pinagbuntungan ng galit. Pareho lang kaming naiipit sa sitwasyon.



And that look in his eyes last night, he really looks so worried about me. Or I was just imagining things?



Pinilig ko ang ulo ko at tinapos nang ayusan ang sarili ko.



I wore my white fitted sando and tuck-in it with my dark blue jeans and white Fila shoes. Sinuot ko rin ang sky blue short knit cardigan ko para kahit papaano ay hindi ako lamigin sa biyahe mamaya. 



We'll just stay there for days kaya ang duffle bag ko lang ang nilagay ko. Naroon na ang mga damit at gamit na kakailanganin ko sa loob ng ilang araw.



I can't wait for horse riding inside Hacienda Silvero!



Tuwing bakasyon ay lagi akong nasa Batangas kasama si Hestia at ang mga pinsan kong lalaki pero minsan ay ako lang ang umuuwi roon kapag wala silang libreng oras.



Matapos kong ihanda ang sarili ay sakto naman ang pag busina ng sasakyan sa labas. Nag text na rin sa akin si Hestia na sila na raw iyong nasa labas ng bahay kaya lumabas na rin ako ng kwarto ko bitbit si Oliver at ang bag ko.



Hindi ko siya pwedeng isama kaya iiwanan ko ulit siya kay Rosalinda.



"Ma'am? Aalis po kayo?" salubong ni Rosalinda sa akin nang makababa ako ng hagdan.



Matipid akong ngumiti at tumango sa kaniya.



"Iiwan ko muna sayo si Oliver. Please take care of him while I'm gone. Babalik rin ako after days." sabi ko.



I kissed him on his head. I giggled when he brushed himself on my chicks na para bang ayaw niyang humiwalay sa akin. He meowed and rest his chin on my shoulder. Nagkatinginan kaming dalawa ni Rosalinda. Napangiti siya.



"Come on, baby. I can't take you with me." sabi ko at hinaplos ang balahibo niya.



"Ma'am, hindi po ba kayo mag papaalam kay sir Ynigo? Kaso, natutulog pa po siya nung pumasok ako sa kwarto niya para makapag linis. Gusto niyo po bang gisingin ko?"



"Huwag na." agad kong tanggi. "Hindi na kailangan. Just let him rest. Ikaw na ang bahalang mag sabi sa kaniya. And tell him I said sorry for what happened last night." bilin ko kay Rosalinda bago tuluyang ibinigay sa kaniya si Oliver.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now