29

143 3 0
                                    

Chapter 29: Beating



"I want all the presentations tomorrow. I need to review it just in case before I send it to the board members."



I closed my laptop as Hestia sat in the middle, facing the company admins and other important members.



Nagpatawag kasi siya ng urgent meeting dahil sa bagong project ng kompanya.



"Yes, Ma'am. I'll get the presentation right away." sagot ni Chandra, Hestia's secretary stood up next to her.



Tumagal ang paninitig ko sa kaniya habang pinapanood siyang kausapin na ngayon ang isa sa mga admin.



She's wearing a white long-sleeve tucked-in to her black pencil skirt, and black stockings with black pumps. Her wavy black hair looks good on her.



Mas mukha siyang desente ngayon dahil kumpleto ang suot niyang uniporme. Maski ang I.D ay mayroon siya.



Chandra has been Hestia's secretary for four years now. Maliban sa pagiging maganda at talino, masipag siya at talagang maaasahan.



Napaangat ang tingin ko sa pintuan ng meeting room nang pumasok roon si Rajiah na nakataas ang noo at mukhang arogante.



I raised my eyebrows when I saw how his eyes pinned Chandra.



Nagkatinginan pa silang dalawa pero kalaunan ay si Rajiah rin ang unang nag iwas ng tingin at nilagpasan siya na parang hanging.



He kissed Hestia's cheeks before he went to me and sat on the vacant chair beside me.



Pinanood ko siya at pinag masdan bago ulit nilingon si Chandra. Bahagya kumunot ang noo ko dahil naabutan ko siyang nakatitig kay Rajiah pero nang mapansin niya sigurong nakamasid ako ay agad siyang nag iwas ng tingin. Nag patuloy siya sa ginagawa niya pero hindi katulad kanina ay mukha na siyang balisa ngayon at hindi mapakali.



Gusto ko pa sanang tanungin si Rajiah dahil sa napansin pero tumunog ang telepono niya kaya kinakailangan niya iyong sagutin.



Lumabas ako ng meeting room kasabay si Rajiah pagkatapos ng conference. Humiwalay na sa amin si Hestia at Chandra dahil dumiretso sila sa opisina ni Tito Dion at Tita Ino.



"Ugh, my shoulder hurts. I think I need a massage." bumuntong hininga ako kasabay ang pag hilot sa aking balikat.



"You're working so hard."



Nilingon ko si Rajiah. Mag sisindi na sana siya ng sigarilyo pero nang makita niya ang bahagyang paglayo ko ay hindi na niya iyon itinuloy at ibinalik na lang ang lighter at cigarette stick sa loob ng kaniyang bulsa.



"Of course, I have to work for my daughter, Raj." nakanguso kong sagot. "Sa susunod na linggo na ang kasal ni Alisterille at Hades. Dadalo ka ba?" pag-iiba ko sa usapan.



"It's her wedding, Cat. I'll be there." aniya, malayo ang tingin.



Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik niya. Maski hanggang ngayon na nakarating kami sa lobby ay parang wala pa rin siya sa sarili.



"Mommy!"



Nawala ang buo kong atensyon kay Rajiah nang mapalingon ako sa entrance ng building. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ambrose na buhat si Alistair sa kaniyang mga bisig.



"Alistair! What are you doing here?" nangingiti kong tanong nang makalapit siya sa akin matapos siyang ibaba ni Ambrose.



Binuhat ko siya at agad niyakap. Parang nawala lahat ng pagod ko nang maramdaman ko ang init niya.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now