39

231 2 1
                                    

Chapter 39: Daughter and father's bond.

Warning: R18



"I'm really sorry, Catalina. I-I didn't know. Nasabi ko lang ang lahat ng iyon dahil bilang ina ni Ynigo, nag-aalala lang ako para sa kaniya. All mother knows that feeling. I hope you forgive me."



Napakurap ako at hindi na malaman kung paano kakalmahin si Tita Carmina na hanggang ngayon ay humahagulgol pa rin sa aking harapan. Si Tito Leonor ay abala sa pakikipag-usap kay Alistair habang si Ynigo ay nakangiwing pinapanood kami.



Hindi ko tuloy alam kung paano ako aakto nang tama!



"I'm sorry if I said those things to you, I-I was just so mad at you because I really thought you used my son and you cheated on him."



"I-It's okay, Ma'am... naiintindihan ko po kayo." I tapped her back.



"And don't call me Ma'am! It's so awkward! Call me mama!" humagulgol siya lalo.



"Jesus." Ynigo chuckled as he covered his face.



Damn him! Tatawa na lang ba siya riyan at hindi tatahanin ang ina niya? Napakawalang hiya!



"Mom, relax, you're just making her more nervous." nilapitan niya sa wakas ang kaniyang ina at niyakap.



"And you! How dare you lied to us? Talagang sinabutahe mo pa si Trina dahil sa kalokohan mong plano? And that Trina really agreed to your bullshit, huh?" napaingit si Ynigo nang hampasin siya ng umiiyak niyang ina sa kaniyang balikat.



"Well, that bullshit you were saying makes me bring Catalina back and my daughter in my arms," Ynigo smirked at me.



Ngumuso ako at pinalis ang aking mga luha.



It tooks minutes before we finally make her calm. Kung hindi pa siya hinila ni Tito Leonor papuntang kusina ay baka buong gabi kami mag patahan sa kaniya.



Huminga ako ng malalim at naupo ulit sa sofa.



"Mommy? Is Lola Carmina okay?" nagtataka akong nilingon ni Alistair.



Natawa ako at tumango sa kaniya.



Naiwan kaming dalawa rito. Hindi ko alam kung saan nagtungo si Ynigo dahil lumabas rin siya ng bahay.



"Ma'am Catalina?!"



Gulat akong napalingon sa pamilyar na boses na iyon. Nang makita si Rosalinda na kakapasok lang ng bahay bitbit ang basket na may mga lamang labahan ay nanlaki ang mga mata ko.



I saw Ynigo on her back smiling at us.



Oh my god!



Tumakbo siya palapit sa akin. Mahina akong natawa nang marinig ang kaniyang hikbi nang yakapin niya ako. Niyakap ko siya pabalik.



"Ma'am! Na miss ko po kayo! Sobra! Akala ko po hindi ko na kayo ulit makikita pa! Hindi man lang ako nakapag paalam nang maayos sa inyo noon at bigla na lang kayong umalis."



"Calm down, Rosalinda. Breathe." I chuckled. I faced her again.



I didn't see her for straight five years. Hindi ko alam na dito pa rin pala siya nagtatrabaho.



"Kumusta po kayo?" umiiyak niyang tanong.



"I'm doing fine, Rosalinda. I hope you too." ngumiti ako.



Natawa rin siya at nahihiyang tumango sa akin. Nang may maalala ay agad kong nilingon si Alistair na ngayon ay nakatago sa likuran ng kaniyang ama. Hugging his legs.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now