13

125 3 1
                                    

Chapter 13: I like it



Nanghahaba ang nguso ko habang nakahiga sa aking kama at nakatitig sa ceiling, kinakausap si Sandra sa telepono. Tinawagan ko siya dahil hindi ko kayang sarilihin ang frustration ko at kailangan ko iyong ilabas.



[Do you like him?] mahihimigan ang pang-aasar sa boses ni Sandra.



Namilog ang mga mata ko. "No! of course, not! I don't like Ynigo!" agarang tanggi ko.



Kumunot ang noo ko nang marinig ang pag halakhak niya.



"What are you laughing at?"



[I didn't mention a name, Catalina Mariella.] nanigas ang katawan ko sa higaan nang mapagtanto kung anong sinabi ko.



Mariin akong napapikit at nasapo ang aking noo. Dumapa ako sa kama at nag pagulong gulong habang ipinapadyak ang mga paa ko.



[You get caught easily, Cat.] humalakhak siya lalo.



"S-Shut up! I know you're preparing to him dahil siya lang naman ang pinag-uusapan nating dalawa ngayon!" iritado akong bumangon.



Parang gusto kong ilusot ang kamay ko sa screen at hilahin ang buhok niya sa kabilang linya dahil panay pa rin ang paghagikhik niya, tuwang tuwa na pinagtitripan ako ngayon.



"Look, Sandra. Papakasalan niya ako dahil kailangan, hindi dahil mahal niya ako. Hindi dahil gusto niya ako at ganoon rin naman ako." sabi ko at natawa pero parang nag dulot iyon ng kirot sa aking puso.



Sandali akong natigilan.



Tama naman ako, ah? Papakasalan niya lang ako dahil kailangan. Hindi dahil sa gusto niya ako o ano.



Bakit ako masasaktan gayong iyon rin naman ang gagawin ko! Ayon ang plano ko!



[Cat, you said you saw him kissed by other girl and you got frustrated without knowing the reason. Isa lang ang ibig sabihin niyan, nag seselos ka. Dumaan rin ako sa ganiyan.]



"Bakit ako mag seselos? Gusto ko ba siya?" kinunutan ko siya ng noo at napabangon mula sa pagkakahiga.



[Why are you asking me that? Go ask yourself, dumbass. Ikaw lang ang makakasagot sa tanong na 'yan. Try to understand your feelings, Cat.] she said.



Ngumuso ako.



[If you failed understanding your own feelings, then, it's fine! You will fail but you can always start again. Hindi mo kailangan puwersahin ang sarili mo na intindihin ang nararamdaman mo para sa isang tao dahil lang sa naguguluhan ka. It takes time so don't pressure yourself.]



Hindi ako sumagot at natulala na lang sa kama ko. Sandali akong nakipag-usap sa kaniya sa telepono. Hindi ako lumabas ng kwarto hanggang sa dumating ang hapon.



Wala akong gana at ayoko siyang makita.



Naisipan ko lang bumaba ng kwarto at dumiretso sa kusina nang nakaramdam ako ng gutom. Naabutan ko pa roon si Rosalinda na abala sa pag pupunas ng mga plato.



"Ma'am, buti bumaba na kayo ng kwarto ninyo." bulong ni Rosalinda habang nag pupunas ng plato.



Nahinto tuloy ako sa pag inom ng tubig.



"Bakit?" taka kong tanong, napapabulong na rin.



"Si Sir Ynigo po kasi at Ma'am Agape, nag sisigawan at nag-aaway kanina sa labas ng bahay. Hindi ko na kayo matawag dahil ang akala ko ay nagpapahinga kayo. Hindi ko rin sila naawat." bulong niya ulit.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now